Chapter 28

280 8 0
                                    

Naiyak ako sa tuwa nang matalo namin ang Crossbill sa pangalawang pagkakataon. Dinumog ako ng teammates ko nang makuha ko ang huling puntos para manalo kami sa match. Niyakap nila akong lahat. Napahiga na nga ako dahil na-out of balance na'ko sa yakap nila. Pero 'di naman ako nasaktan dahil nahawakan agad ako ni Danica bago pa sumayad ang katawan ko sa floor. Pero imbes na itayo ay dinaganan pa nila ako para yakapin uli. Para kaming mga batang nagdidiwang sa loob ng court. Lumapit sa amin si coach para i-congratulate kami. Tinulungan nila akong tumayo.

"Thank you po, Coach Allen, sa tiwala." Umiiyak pa din na yumakap ako kay coach.

Kung hindi naman din dahil kay coach, hindi namin makakamit ang tagumpay. At ang laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil siya ang nagmotivate sa'kin ng sobra lalo na no'n mga panahong nawalan na'ko ng tiwala sa sarili ko nang natalo kami sa game. Para na siyang tumayong tatay namin. Grabe 'yun effort at patience na binibigay niya sa amin lalo na sa training.

"Ano ka ba? Ako ang dapat magpasalamat sa'yo. Kasi kami ang pinili mo." Ginulo niya ang buhok ko. Ngumiti na lang ako kahit umiiyak pa din ako. "Congrats ulit, girls! Finals na ang next. No pressure! Manalo matalo, I'm very proud of you! Pero s'yempre lalaban pa din 'ha?"

"Yes, coach!" Sagot namin at naggroup hug uli kami.

Pero mas doble 'yun sayang nararamdaman ko dahil may isa na naman akong napatunayan para sa sarili ko. Natalo namin ang Crossbill. 'Yun school na nawalan ng tiwala sa akin at sa kakayahan ko kaya binitawan ako ng basta-basta. First time nilang 'di nakapasok sa Finals at ang minamaliit pa nilang Partridge ang nakatalo sa kanila.

*****

"Wait! May nakalimutan ako sa locker." Paandar na sana ang sasakyan ni Lester nang maalala ko ang isa ko pang bag na naglalaman ng wedding gift ko kanila Kuya at ng ilan ko pang gamit. Do'n ko kasi inilagay 'yun sa isa pang locker dahil 'di na kasya sa pinaglagyan ko ng sports bag ko.

Si Toffee lang ang nanood ng game ko kanina. Busy ang family ko para sa wedding bukas ni Kuya at ang mga pinsan ko naman ay kinailangan pumasok sa school. Buti nga at nakahabol si Lester sa game ko. Nagpresinta na din siya na ihatid ako sa hotel at si Toffee naman ay ihahatid na din daw niya sa bahay nila.

"Samahan kita?" Tanong sa akin ni Toffee nang binuksan ko na ang pinto ng kotse sa backseat.

"Nope. Ako na lang, babes. Saglit lang ako." Lumabas na ako at nagmadali na 'kong pumunta ng gym ng Crossbill kung saan nando'n ang locker room. Lakad-takbo na nga ang ginawa ko.

Habang papalapit sa gym ay nakita ko pa si Justin na nakatayo sa gilid nito malapit sa papuntang dorm nila. Mag-isa lang siya do'n. Pero nang makita niya ako ay umalis na naman siya do'n. Nakakainis talaga siya. Kahit naiinis ako ay hindi ko pa din napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Oh, Andie, akala ko umalis ka na?" Sabi ni Danica nang makasalubong ko sila palabas ng gym.

"May nakalimutan ako sa locker. May tao pa ba do'n?" Medyo nag-alala tuloy ako. Kaya ako nagmadali para maabutan ko pa sana sila. Dati kasi no'n dito pa ako nag-aaral sa Crossbill, may ka-teammate si Justin na nagkwento na may multo daw sa locker na 'yun.

"Wala na. Gusto mo samahan kita?" Presinta pa ni Danica. Nauna na maglakad palayo ang iba pa namin teammates.

"H-Hindi na. Okay lang. Baka maiwan ka pa ng shuttle." Alam ko naman kasi na sila na lang ang hinihintay do'n. Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng gym.

Mabuti na lang at hindi pa pinapatay ang ilaw. Medyo maaraw pa naman pero ibang usapan pa din 'pag patay ang ilaw. Patakbo na ako pumunta ng locker room at hinayaang bukas ang pinto. Binuksan ko agad ang locker na pinaglagyan ko ng bag ko at agad 'yun kinuha.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon