Chapter 16

364 17 0
                                    

"Bye. Una na'ko 'ha?! Maaga pa tayo bukas." Paalam ko sa teammates ko. Kakatapos lang ng training namin. Dumaan muna ako sa dorm para iwan ang gamit ko at magpalit ng damit. May training din kasi kami bukas ng maaga kaya iniwan ko na para wala na akong bitbit.

"Dito ka na kaya matulog. 5 AM ulit training natin tomorrow." Sabi ni Danica. Siya pala ang new team captain ng Partridge.

Madalas na ang training namin ngayon dahil malapit na magstart ang IUSA volleyball league. Every night ang training namin and every other day ay may training din kami ng 5 AM. Nabigla nga ang ibang co-players ko dahil 'di naman daw gano'n before pero ngayon seryoso na daw talaga ang ginagawang training. May bagong coaching staff na din kasi and since madami din magagaling na rookie players ngayon ang Partridge ay susubukan na ngayon umangat sa ranking ng volleyball ang Partridge kaya sineseryoso na ang bawat training.

"Hindi p'wede. Walang kasama si Toffee sa apartment." Nginitian ko na lang siya.

Kahit alam ng school na sa apartment ako natira, hindi pa din nila inalis sa akin ang isa sa benefits ng pagiging student-athlete na magkaro'n ng space sa dorm kaya ang iba kong gamit tulad ng uniform at books ay sa dorm ko na lang iniiwan. Nag-uuwi lang ako ng libro sa apartment kapag may assignment or need ireview. Minsan natutulog din ako dito 'pag may training kami ng weekend at nagkataon kailangan umuwi ni Toffee sa bahay nila sa Las Pinas.

"Asus! Girlfriend duties! 'Di na naman maiwan ang jowa!" Panunukso pa ni Jhoe. Tinawanan ko lang siya.

Alam nilang lahat na gay si Toffee dahil kapag nagha-hangout kami ng teammates ay sinasama ko palagi siya. Umamin si Toffee sa kanila nang minsan tinukso nila kami. Akala nga nila joke kaya patuloy pa din minsan sila sa panunukso.

"Uwi ka na idol?" Tanong ni Lester. Volleyball player siya ng men's division ng Partridge. Nakasalubong ko siya kasama ang iba pang players nang mapadaan ako sa gym. Tabi lang din kasi ng gym ang athlete's dorm. Sila naman ngayon ang gagamit nito para magtraining. Dito din sa labas ng gym ang usapan namin ni Toffee na magkita.

Kinantyawan pa siya ng ibang co-players niya. Tinutukso kasi nila si Lester sa'kin pero sinasakyan ko na lang. Crush 'to ni Toffee, eh. 'Di ko p'wede tarayan. Paano ko nalaman? Umamin siya nang mahuli ko siya umiiyak dahil nagseselos daw siya sa akin dahil palagi akong pinapansin ni Lester sa twitter. Tawang-tawa ako ng time na 'yun pero kinilig naman ako dahil sa wakas may nagugustuhan naman pala ang bestfriend ko. Pero secret lang namin dalawa 'yun. Speaking of Toffee, nasa'n na kaya 'yun?

"Yup. Tapos na training. Ano naman gagawin ko pa dito?" Nginitian ko siya.

"Nood ka sa'min para may inspirasyon daw si Lester, idol." Tukso pa ni Banjo, ang #1 pusher sa panunukso sa'min dalawa. Nagpaiwan din siya sa labas nang huminto si Lester para kausapin ako.

Idol ang tawag nila sa akin dahil sobrang galing ko daw maglaro. Nahihiya nga ako kaya idol din minsan ang tawag ko sa kanila lalo na 'pag kinakausap nila ako thru social media.

Nakita ko kung paano pasimpleng siniko ni Lester si Banjo. Natawa na lang ako. "'Wag ka maniwala d'yan, idol."

"Baby!" Sigaw ni Toffee habang tumatakbo palapit. Napalingon ako sa kanya at sinenyasan na bilisan.

"Oops! Nand'yan na ang boyfriend." Tumatawang kantyaw ni Banjo kay Lester.

"Loko! Pasok na kami, idol." Paalam ni Lester nang umuna na pumasok si Banjo sa loob ng gym. Saktong dating naman ni Toffee na tumabi agad sa akin.

"Ah, wait. Hindi ko boyfriend si Toffee. Lester, si Toffee nga pala. Bestfriend ko." Pagpapakilala ko sa kanila.

Napangiti naman si Lester sa nalaman niya. Tinaas niya ang kamay niya para makipag high-five kay Toffee. "Hey bro!"

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon