Chapter 20

382 11 3
                                    

"H-Hi, Andie!" Medyo alinlangan bati sa akin ni Justin.

Nakatingin lang ako sa kanya. O mas tamang description ang napatulala lang ako nang makita siya. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. 'Yun mapupungay niyang mga mata na laging nagpapakilig sa akin 'pag tinititigan niya. 'Yun perfect jawline niya na gusto ko palaging hinahawakan. 'Yun short messy hair niya na mas lalong nagpadagdag ng appeal niya na madalas kong sabunutan 'pag naiinis ako sa kanya. 'Yun matangos niyang ilong na madalas kong pingutin at 'yun natural na mapulang labi niya na gustong-gusto kong hinahalikan. Grabe! Ilang months ko din siyang hindi nakita. Nag-expect ako talaga na makikita ko siya ngayon araw pero 'di ko akalain na ganitong kalapit. Nasa harap ko lang siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Na-miss ko siya. Sobrang na-miss ko siya. Pero hindi ko 'yun aaminin sa kanya.

"Ahm.. congrats nga pala. Napanood ko 'yun game n'yo." Napakamot pa siya ng ulo niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Ah.. h-happy birthday nga pala, Andie."

Parang bigla ako bumalik sa huwisyo ko nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Huminga ako ng malalim para mawala kahit papaano ang kaba ko. "T-Thanks."

"Kamusta ka na?"

"Kanina ka pa ba d'yan?"

Halos sabay na tanong namin dalawa sa isa't isa nang parehas kami bigla natahimik.

"Ahm, yeah. K-Kanina pa 'ko dito. Actually, hinintay talaga kita lumabas. Akala ko nga nakita mo 'ko, eh, kaya ka huminto." Bahagya siyang yumuko at napakagat sa labi niya. Pagkatapos ay sinuklay niya ang kamay niya sa buhok niya. "Bale, may tumawag pala kaya ka huminto." Tumingin uli siya sa akin at ngumiti ng mapakla. "B-boyfriend mo?"

"Huh?" Nagulat ako sa tanong niya. Natutulala pa din talaga ako sa presensya niya. Ang puso ko, ayaw tumigil sa pagpintig ng sunod-sunod. Grabe! Hindi ko akalain ganito ang magiging epekto sa'kin nang muli namin pagkikita. Kahit nasasaktan pa din ako at may kirot pa din sa puso ko, sure ako sa sarili ko. Mahal ko pa din 'tong lalaking 'to. Kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pero itatago ko na lang 'yun sa sarili ko. Ayoko na masaktan. Nakakatakot.

"May.. boyfriend ka na pala?" Mahinang tanong niya. 'Yun bang parang ayaw niyang itanong 'yun pero napilitan siya dahil gusto niya malaman ang sagot. Malungkot 'yun mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit 'di agad ako makasagot. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Nagulat ako nang biglang magvibrate ng sunod-sunod ang phone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko ang phone ko at tinidnan kung sino ang natawag. "Ahm, excuse me." Paalam ko kay Justin. Tumalikod ako sa kanya at sinagot ang tawag. "Hello, Kuya?"

-"Bakit ba ang tagal mo? Halika na! Bilisan mo!"- Mainipin talaga si Kuya kahit kailan.

"Papunta na 'ko d'yan." In-end ko na ang call at humarap uli kay Justin. Kinuha ko ang bag na nasa lapag at sinakbit na sa balikat ko. "Ahm, I have to go. Naghihintay na sa'kin sila Kuya sa parking lot."

Tumango lang siya sa akin at pilit na ngumiti. Bakit nasasaktan ako dahil pakiramdam ko nasasaktan din siya? 'Yun galit ko sa kanya, hindi ko na talaga makapa sa puso ko. Siguro nga mabilis lang talaga ako magpatawad sa mga taong mahalaga pa din sa akin hanggang ngayon. Kasabay nang pagkawala ng galit ko, ang pag-usbong ulit nang kakaibang nararamdaman ko para kay Justin. Hindi ko alam kung makakatulong ba sa'kin 'tong nararamdaman ko na 'to o mas lalong makakasama.

*****

Pinilit kong inalis muna sa isip ko ang muli namin pagkikita ni Justin habang nasa loob kami ng sasakyan ni Kuya patungo sa kung saan. Kanina'y hindi ko namalayan na nagtataksil na naman ang mga luha sa mga mata ko nang magsimula ako maglakad palayo kay Justin. Ang daming gumulo sa isip ko.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon