Chapter 18

333 12 0
                                    

Mas lalong tumindi ang training namin sa volleyball nang mga sumunod na araw. Twice a day na ang training namin. Umaga uli at gabi. Hindi talaga sila nagpapa-training na maaapektuhan ang klase ng bawat student-athletes. Ang layo talaga sa Crossbill na dinadaan sa 'excuse' kapag may training. Kilala kasi talaga ang Partridge na top priority ang academics. Ngayon lang talaga susubok kung kakayanin nang umangat sa sports kahit sa women's volleyball man lang. Dati daw kasi ay for fun lang talaga ang bawat game. They're just enjoying the game with no expectations. Pero ngayon, may pressure na. Pero kakayanin namin 'to.

So far, maganda naman ang performance ng buong team lalo na nang magkaro'n kami ng tune-up game last night. Inimbita ni coach ang volleyball team from Wigeon Academy. Hindi sila kasali sa IUSA at ibang league sila kabilang. Sila ang nagchampion do'n. Nahirapan kami pero kahit talo umabot naman sa fifth set ang laban. Sobrang galing nila. Friday na ang opening ng league at gaganapin uli 'yun sa Crossbill Gymnasium. Nagkataon isa kami sa unang maglalaro para sa first game at makakalaban namin ang Merlin University. Nasaktuhan pang birthday ko din sa araw na 'yun.

"Baby, uuwi ako sa bahay mamaya. Dito ka na lang sa dorm matulog." Sabi ni Toffee nang sinundo niya ako sa dorm after namin magtraining ngayong umaga.

Sa dorm na kasi ako nagbibihis ng school uniform para 'di na ako uuwi ng apartment para lang maligo after ng training. Medyo hassle pa kasi 'yun. Hinahatid lang ako ni Toffee sa gym ng before five in the morning at susunduin niya ako sa dorm kapag nagtext na ako sa kanya na tapos na ako maligo. 8:00 AM pa naman kasi palagi ang start ng klase namin.

"Bakit?" Tinigil ko ang pagsusuklay ko at sinimangutan siya. "Daya mo."

"Magpapa-parlor kasi ako para maganda ako sa birthday mo bukas." Tumatawang sabi naman ni Toffee. Nagtawanan pa ang iba kong teammates na nasa loob pa ng dorm. Ang iba kasi ay mamaya pa ang klase. Ang iba naman ay nag-aayos pa din tulad ko.

"Baliw! Tigilan mo 'ko 'ha?! 'Yan ka na naman. Bakit nga?" Inirapan ko siya at tinuloy ko na ang pagsusuklay ko.

Niloloko na naman ako nitong si Toffee, eh. Paano kasi kahapon, wala na akong klase dahil na-credit na 'yun subject na 'yun from my previous school kung saan may klase pa siya. Gabi pa naman ang tune-up game namin. Imbes na hintayin si Toffee sa canteen o sa tambayan namin sa loob ng campus, bago sana kami sabay na umuwi ng apartment, nagpunta na lang ako ng salon para magpakulay ng buhok. Trip ko kasi 'yun ash brown with caramel highlights. Nagpatrim na lang din ako ng konti. Gusto ko na ulit magpahaba ng buhok kaya 'di ko na ulit pinaputol ng maikli. Pinasunod ko na lang siya sa salon after ng klase niya. Kaso, ang walangyang si Toffee, imbes na purihin ang new look ko, inasar lang ako. Porke magbi-birthday lang daw ako, nagpa-parlor pa daw talaga ako. Mukhang may pinaghahandaan daw ako. Kesyo nagpapaganda daw ako baka makita ako ni Justin. Bwiset talaga.

"May kukunin lang ako sa bahay."

"Birthday gift mo ba 'yan sa'kin? 'Wag ka na mag-abala, babes. Okay lang kahit wala. Okay lang talaga." Natatawang sabi ko pa.

"Loka-loka!" Tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama ko. "Tara na. Tigilan mo na 'yan kakasuklay mo. Nabubura na 'yun highlights mo, girl." Tukso na naman niya sa'kin.

"Siraulo!" Tumayo na din ako at inayos na ang gamit ko. "Bye girls." Paalam ko sa teammates ko. Nagpaalam na din si Toffee sa kanila.

"Baka 'di ka pumasok bukas 'ha? Manood ka ng game namin. Sumabay ka na sa'min sa shuttle." Sabi ko sa kanya pagkalabas namin ng dorm.

"Oo nga. Manonood ako. Ito-tour mo nga ako sa dati mong school 'di ba?" Ngumisi pa siya pagkasabi niya no'n.

*****

Maaga akong natulog kinagabihan. Himala nga kasi ang aga din nagsitulog ng teammates ko. Dati kapag dito ako natutulog, hindi nila ako tinatantanan sa pakikipagkwentuhan dahil minsan lang daw ako dito matulog. Sabagay, nakakapagod naman kasi talaga 'yun training. Akala namin wala na kami training ngayong gabi pero nagpatawag pa din si coach para ready to fight na daw for tomorrow's game.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon