Chapter 5

339 15 0
                                    

Ang lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao pagkatapos ko ma-block ang tira ng kalaban. Panalo na kami. One more win na lang pasok na kami sa finals. Ang bilis nagsugudan sa'kin ang mga teammates ko para yakapin ako. Lahat kami ay nagsisigawan sa tuwa.

"Andie! I love you idol!" Tuwang-tuwang sugod pa nila Rose at Divina fresh from the bench. Reserved players kasi sila. Hindi lahat nakakapaglaro talaga lalo na at mahigpit ang kalaban.

Tinawanan ko sila. "Baliw kayo!"

"Congrats! Player of the game na naman!" Pagkatapos makipag-apir sa akin ni Tere ay mahigpit pa siyang yumakap sa akin.

"Thank you, Cap." Nakangiti kong sabi.

"Wow! Thanks for not calling me 'Captain' anymore, huh?! Cap?! What the heck, Andie!" Ginulo pa niya ang buhok ko sabay akbay.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Lumapit na din sa amin si coach at binati kami.

Pagkatapos ng game namin ay nagkayayaan pa na magcelebrate sa bahay nila Tere. Wala kasi ang parents niya kaya p'wede daw kami mag-overnight do'n tutal wala naman pasok bukas dahil weekend na ulit.

Bumalik na kami lahat sa dorm para mag-ayos na para makapunta na kanila Tere.

"Ano'ng isusuot ko?" Parang namomroblemang tanong pa ni Rose habang hinahalungkat ang mga damit nya sa cabinet.

"Bakit? Sa'n ang punta mo?" Iritang banat naman sa kanya ni Judy.

"Edi kanila Teresa babes. Baka ipakilala na ako sa in-laws ko dapat presentable ako."

"Nangarap ka na naman! Wala nga daw do'n ang parents kaya nga tayo do'n mag-stay, 'di ba? Baliw! Ikaw sumbong kita kay coach."

"Tseh! Inggitera!"

"Hoy! Kayong dalawa! Tigilan n'yo na 'yan. Ang cute n'yo magmahalan." Suway naman sa kanila ni Divina.

Natatawang napapailing na lang ako sa kanila habang inilalagay ko sa bag 'yun mga dadalhin ko.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko.

Justin calling...

"Oh, shit!" Nakalimutan ko. May lakad nga pala kami. Patakbo ako lumabas ng dorm para do'n na sagutin ang tawag niya. Ang ingay kasi sa loob.

-"Hon! Tapos na class ko. Nasa dorm ka ba? Daanan kita d'yan magbibihis lang ako saglit. Lapit na'ko sa dorm ko."-

"Ah, hon, kasi-"

-"May gift ako sa'yo. Balita ko panalo na naman daw. Ang galing talaga ng, hon, ko. Basta ibibigay ko mamaya 'pag nagdinner na tayo. Sa'n mo ba ako ide-date, hon?"- Malambing na pagkakasabi pa niya.

"Huh? Kasi-"

-"Surprise ba 'yan, hon? Excited na'ko. Sige, dito na 'ko dorm. Bihis lang ako saglit. In ten minutes, d'yan na'ko. I love you."-

Pinatay na niya ang cellphone.

'Patay!' Pumasok na'ko sa loob.

"Anyare sa'yo?" Tanong sa akin ni Judy.

"Baka 'di na'ko sumama." Malungkot kong sabi.

"Huh?! Bakit?!" Halos magkakasabay pa na tanong ng teammates ko.

"Nakalimutan ko may date nga pala kami ni Justin. Magtatampo na naman sa'kin 'yun."

"Hindi 'yun. Understanding naman 'yan boyfriend mo." Puno ng kompyansang sabi ni Divina. Sa lahat kasi ng teammates ko siya ang pinakakasundo ni Justin kahit palagi siyang inaasar.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon