Chapter 49

218 8 0
                                    

"Gusto mo makita si Yanyan, babes? Sama ka sa'kin after class? Punta 'ko hospital." Excited na ako makita ulit si baby Yanyan. Minsan lang kasi ako makasalamuha ng baby, eh. Si Yanyan ang first pamangkin sa magpipinsan. Ang saya pala 'pag may baby. Kung p'wede lang tumira muna ako kanila Kuya kaso ang layo sa school.

"Si Justin? Hindi ka sasamahan?" Umupo siya sa may bench sa tapat ng quadrangle malapit sa room namin for our next class. Umupo din ako sa tabi niya. Hinihintay namin lumabas sa room 'yun ibang section na nagkaklase pa ngayon do'n ng 11-12. Kakagaling lang namin ng canteen para maglunch. Vacant kasi namin ng one hour. Sina Makki ay dumiretso pa ng CR para mag-ayos kaya nauna na kami ni Toffee.

"May training pa siya, eh, then may class pa siya 'til 5." Sagot ko.

Mabuti na lang talaga this sem ay twice a week lang kami nagte-training. Every Tuesday and Thursday lang ng 6-9 PM. Swerte lang din dahil nagkataon 'pag may training ng gabi sina Justin ay Tuesday and Thursday lang din kaya consistent pa din ang pagdalaw niya sa akin ng MWF. Kapag TTh naman at wala siyang training, pinupuntahan pa din niya ako para lang magdala ng food dahil alam niya na hindi ako nakakapagluto n'yan dahil diretso training ako after class ko. Nagluluto naman si Toffee pero nakasanayan na niyang hindi ako isama sa pagluluto niya para hindi masayang dahil hindi ko nagagalaw. Hindi na din ako sinusundo ni Toffee after training dahil si Justin na ang nag-aabang sa'kin sa labas ng school. Sinasabihan ko na lang din agad si Toffee kapag may training si Justin para maipagluto din ako ni Toffee ng dinner at masundo sa school after training. Minsan ay natambay lang din siya sa gym para manood o makipagkwentuhan kanila Lester.

"Ah, mag-isa ka lang? Sige samahan kita para makita ko na din si Yanyan." Ngumiti lang sa'kin si Toffee at tinuon na uli ang pansin sa cellphone niya.

Umuwi kami ng apartment after class para makapagpalit ng damit. Ang hassle naman kasi kung nakaschool uniform pa kami pagpuntang hospital. Nagshorts at plain t-shirt na lang ako at sneakers. Bumili din muna kami ng cake ni Toffee bago kami pumunta ng hospital. Pagdating namin do'n ay si Kuya lang ang kasama nina Lana at baby do'n. Monday kasi ngayon. Mostly ay may pasok sa school and work ang relatives namin at ang friends nila kaya siguro gano'n.

"Hi!" Nagbeso ako kay Lana. "Hindi ka na bangag?" Tinawanan ko siya at umupo sa katabing lazy dog chair na madalas upuan ni Kuya. Napagod ako sa byahe namin ni Toffee. Medyo umuulan pa sa labas kaya nakakainis. Ayoko talaga ng ulan.

Sinenyasan ko si Toffee na hilahin ang isang upuan para tumabi sa akin.

"Hi Toffee!" Bati ni Lana bago ako balingan. "Loka ka! Ang hassle kahapon. Super bangag pala ng itsura ko. Nakita ko sa pictures. Ang pangit ko. Kainis!"

"Ayy! Yanyan, pangit daw si Mommy mo? Hindi naman 'di ba?" Nagbabytalk pa si Kuya habang karga si Yanyan. Narinig ko pa ang munting tawa nito na parang sumasang-ayon sa sinasabi ng Daddy niya. Ang cute!

"Kuya, pakarga naman kay Yanyan." Excited na sabi ko. Kumuha agad ako ng alcohol sa bag ko at naglagay sa mga kamay at braso ko.

Lumapit naman si Kuya sa'kin para ilagay si Yanyan sa mga kamay ko. "Ayusin mo baka mabitawan mo 'ha?" Umupo si Kuya sa bed ni Lana nang makarga ko na si baby.

"Hindi, ah. Kaya nga nakaupo oh! 'Di ko kaya 'pag nakatayo. Nakakatakot." Tumawa ako bago ko panggigilan si Yanyan. "Hi, Yanyan! Ang chuychuy naman ng baby'ng 'yan, oh." Nagme-makeface pa ako sa kanya. Tumatawa na siya unlike kahapon na panay ang iyak niya. "Ang cute!" Ang sarap niya kargahin. Sobrang gaan. 'Pag nilalapit ko ang mukha ko sa kanya, inaabot niya ang pisngi ko. Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi niya. "Hmm.. ang bango! Amoy lungad!" Gigil ko sa kanya. Tinawanan lang nila ako.

"Hoy! Grabe ka sa anak ko 'ha!" Sita sa'kin ni Kuya.

"Amoy lungad naman talaga, ah? Ang bango kaya!" Tumawa uli ako. Pinitik pa 'ko ni Toffee sa braso ko.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon