Chapter 12

313 15 0
                                    

I woke up early this morning para lang i-check kung may message si Justin sa FB. Kaso sumakit lang 'yun puso ko nang makita kong seenzoned ang ginawa niya sa'kin. Nabasa niya 'yun message ko around 1:00 am. Napanood kaya niya 'yun video o hindi man lang siya nag-attempt na i-open 'yun para panoodin? Hindi ko tuloy alam sa sarili ko kung makakaya ko bang magpakita man lang mamaya sa kanya sa school dahil sa kahihiyan. Nag-effort din naman ako do'n ah pero 'di man lang niya na-appreciate. Well, siguro nga sadyang malaki lang 'yun galit niya sa akin. Sige iintindihin ko na lang. Kasalanan ko din naman kasi. Nagsinungaling pa 'ko sa kanya na totoong niloko ko siya. Sobrang sama na din kasi ng loob ko ng mga oras na 'yun dahil 'yun naman ang pinaniniwalaan niya.

Paninindigan ko na lang 'yun kanta. I won't give up on us. Not this time. I'm looking forward na unti-unti na mababalik sa dati ang lahat. Isang araw na lang naman ang hihintayin ko kaya titiisin ko na kahit ano pang masasakit na salita ang sabihin sa'kin ni Justin 'pag kinulit ko na naman siya mamaya. Susuyuin ko pa din siya 'pag nakita ko siya mamaya sa school.

AKO: Lunch?

Nagtext ako kay Justin nang hindi ko siya makita buong umaga sa school. Ang creepy ko na grabe. Daig ko pa stalker sa ginagawa ko pero 'di ko talaga siya susukuan hangga't hindi kami nagkakaayos.

Hindi talaga siya nagrereply. Tatlong oras ulit ang vacant ko ngayon kaya nagdecide na lang ako pumunta ng mall at do'n na lang maglunch at magpalipas ng oras. Sa fast food lang ako kumain kahit madaming tao do'n. Mas okay na 'yun kesa naman piliin kong kumain sa restaurant pero mag-isa lang naman ako.

"Excuse me, may nakaupo?" Nakangiti kong paalam sa dalawang estudyante ng ibang school na nasa pang-apatan na table. Magboyfriend pa ata itong dalawang 'to.

"Wala miss." Nakangiting sabi no'n lalaking estudyante sa'kin.

"Thanks." Nilapag ko na ang tray ko sa lamesa at umupo na din. Nginitian ko na lang 'yun girl nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nakita ko pa kung paano niya biglang kinurot sa tagiliran ang boyfriend niya. Mali ata ako ng inupuan. Sa harap ko pa ata maghaharutan ang dalawang 'to.

Kinuha ko na lang ang earphone ko na naka-connect sa cellphone ko para makinig ng music. Nakasanayan ko na kumain nang nakikinig ng music lalo 'pag mag-isa ako kumakain para hindi ako masyado ma-awkward sa mga nasa paligid ko. Nada-divert kasi ang attention ko sa music.

"Volleyball player ka? 'Di ba ikaw si Andrea Crisostomo?" Parang nagpipigil pa ng kilig 'yun girl nang bigla niya 'yun tinanong habang kumakain ako.

"Ha?" Tinanggal ko ang earphone ko sa tenga ko nang mapansin kong kinakausap niya ako.

"Ikaw si Andrea Crisostomo ng Crossbill University?" Napaaray pa ang boyfriend niya nang bigla na naman niya itong kurutin. This time sa braso naman.

"Ha? Ah.. yeah." Naiilang kong sabi. Nagpipigil din ako ng tawa dahil sa nakikita kong pambubugbog niya sa boyfriend niya. Grabe! Naalala ko na naman si Justin. Gano'n din ako sa kanya madalas. Susuntukin lang siya bigla or kukurutin sa kanyang braso or t'yan 'pag nagkukwento ako or aasarin niya ako.

"Oh my God!" Bigla niya kinuha ang cellphone niya sa kanyang bag. "P'wede magpa-picture?" Sabay abot ng cellphone niya sa boyfriend niya.

"S-Sure." Natatawa kong sabi. Nilapag ko 'yun phone at earphones ko sa table nang tumayo ang babae at lumipat sa katabing upuan ko.

"Grabe! Nakakahiya ka." Napapakamot ulo pa habang napapailing 'yun lalaki sa ginawa ng girlfriend niya. "Pasensya ka na 'ha sobrang idol ka n'yan, eh."

"No. It's okay." Ngumiti ako nang tinutok na ang camera ng cellphone sa amin dalawa. Kumapit pa siya sa braso ko.

"Thank you." Kilig na kilig 'yun babae at lumipat na uli sa tabi ng boyfriend niya at mabilis na kinuha ang cellphone para tidnan ang picture namin dalawa. "Grabe idol! Ini-stalk kita sa instagram eh simula nang mapanood kita maglaro sa tv. Kaso 'di ako madalas makapanood may pasok kasi. Pero grabe! Ang ganda-ganda mo pala talaga in person. Lalo na 'pag nakalugay 'yun buhok mo."

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon