Chapter 44

237 8 0
                                    

"Oh my god! What are you doing here?"

Nadidinig ko ang boses ni Margareth sa mahinang tinig niya. May iba pa akong naririnig na bulungan. Sa sobrang antok ko ay parang ayaw makisama ng mga mata ko para silipin kung ano bang nangyayari. Sa ngayon, wala akong pakialam. Ang gusto ko lang talaga ay matulog.

Napahawak ako sa noo ko nang parang may dumapo dito na 'di ko malaman kung ano. Tumagilid na lang ako ng pagkakahiga at mas tinaas ang kumot hanggang sa leeg ko. Sobrang antok ko talaga. Maya-maya pa'y may naramdaman ako sa labi ko. Napakunot-noo lang ako at parang irita na pinunasan 'yun labi ko. 'Di ko alam baka pinagtitripan ako ng mga pinsan ko habang natutulog ako. Lagot sila sa'kin mamaya. Sa ngayon gusto ko lang talaga magbawi ng tulog.

Napamulat na lang ako bigla nang maramdaman ko na naman na may dumampi sa labi ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko sa pagkagulat dahil may naaninag akong tao na hinahalikan ako. Awtomatikong nasampal ko kung sino man ang nangahas na 'yun na halikan ako habang natutulog ako.

"What the fuck?!" 'Yun lang ang naisigaw ko at napaupo ako sa kama. Grabe 'yun dagundong ng puso ko. Napahawak ako sa mga mata ko dahil sa pagkasilaw sa ilaw. Binalik ko din agad ang tingin ko sa taong nasampal ko kanina na nakaluhod sa sahig at nakaharap pa din sa'kin. May hawak pa siyang bouquet. Unti-unting luminaw 'yun mata ko dahil nawawala na 'yun antok ko at pagkasilaw ko kanina sa ilaw. "Oh my god!" Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang kaba ko nang makita ko siya. Bigla akong humiga at nagtalukbong ng kumot at tumalikod ako sa kanya. Wala akong nagawa kundi umiyak.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa'kin at pilit akong inihaharap sa kanya. "Hon, I'm sorry. I'm really sorry."

Nagmamatigas ako. Ayoko talaga humarap. Hindi ako makapaniwala. Nananaginip ba 'ko? "Bakit ka nandito?" Umiiyak pa din ako. Miss na miss ko na talaga siya.

"Ayaw mo kasi akong kausapin. Natakot ako baka iwan mo na'ko. Hon, please. Humarap ka naman sa'kin. I'm sorry. Hindi ko naman gusto 'yun nangyari. Nagulat lang din ako sa ginawa niya. Hon, please naman." Nagmamakaawang sabi ni Justin.

Hindi ko na talaga siya kaya tiisin. Tinanggal ko na 'yun pagkakatalukbong ng kumot sa akin at umupo ako. Hinarap ko siya at niyakap ko siya ng mahigpit. "I missed you, hon!" Umiiyak na sabi ko.

Inilapag niya sa kama ko 'yun bouquet na hawak niya bago siya yumakap sa'kin. Medyo matagal kaming nagyakapan bago siya kumalas sa yakap at hinawakan ako sa leeg ko. Pinunasan niya 'yun mga luha ko. "Wala lang 'yun, okay? Mahal na mahal kita, hon. Ang tagal ko naghintay sa'yo. Paano ko naman magagawang lokohin ka?" Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. "Are you still mad?" Umiiling ako habang tumutulo pa din ang luha ko. "Do you forgive me?" Tumango lang ako. "Do you still love me?"

Tumango uli ako. "Of course." Sagot ko naman.

"Would you please say it? I want to hear it, hon." Parang gusto pa niya maniguro na mahal ko pa din siya talaga.

"I love you." Mahinang sabi ko.

Pumikit siya ng mariin at dinikit niya 'yun noo niya sa noo ko. Napapikit na lang din ako. "Oh god! Thank you." Huminga siya ng malalim pagkatapos ay tinaas niya 'yun mga kamay niya papunta sa pisngi ko. "I love you so much, hon."

Hinalikan niya ako pagkatapos niya 'yun sabihin. Yumakap ako sa kanya at gumanti lang ng halik.

May mga nadidinig akong hagikhikan at mga impit na tili. Para bang nagpipigil ng kilig. Pero masyado akong nadadala sa mga halik ni Justin kaya nawala din agad ang atensyon ko sa mga naririnig ko.

"Gosh! Magtoothbrush ka muna, zuc."

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang bigla kong marinig ang boses ni Margareth. Nakadinig din ako ng mga pigil na tawanan. Napahinto ako sa paghalik kay Justin at naitulak ko siya bigla. Napatingin ako sa pinanggagalingan ng ingay at nakita ko dun ang mga pinsan ko kasama sina Amboy at Toffee. "What the fudge?! Kanina pa kayo d'yan?!"

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon