Chapter 23

329 9 4
                                    

Dumiretso kami sa kwarto ko nang dumating kami sa apartment. Tinulungan na nga ako magbuhat ni Paula at Jeena ng mga bag ko dahil madami talaga akong dalang damit na pambahay, pang-alis, school and jersey uniforms at mga sapatos.

Si Gemma. Hinayaan namin siyang hindi kausapin nang nasa sasakyan kami ni Margareth. Tahimik lang siyang umiiyak at nakatingin lang sa labas ng bintana kanina habang nasa byahe.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko.

Naghintay kami na magkwento si Gemma pero hindi siya nagsasalita. Nakayuko lang siya at umiiyak pa din.

"Ako na nga magsasabi." Presinta ni Jeena. "Please, zuccs. Don't judge her. She needs us, okay? So, don't overreact sa malalaman n'yo, okay?"

"Ano ba kasi 'yun?" Naguguluhan na ding tanong ni Margareth. Umupo siya sa tabi ko sa sahig habang sina Paula at Jeena naman ay nasa magkabilang gilid ni Gemma na nakaupo sa kama ko.

"Okay. Let's just say Gemma did something stupid. She had an affair with someone na committed na."

"What?!" Halos sabay-sabay na reaction namin magpipinsan.

"Kabit ka, zuc? Oh my God!" Napahawak pa sa bibig si Margareth sa pagkabigla. Mas lalo tuloy umiyak si Gemma.

"It's not like that, okay? 'Di naman sila kasal so walang nasirang pamilya."

"Pero may nasirang relasyon. It's still not right." Sagot naman ni Paula. Sang-ayon din naman ako do'n. Kahit pinsan namin si Gemma hindi namin p'wede i-tolerate siya sa maling ginawa niya. Though, 'wag nga daw muna kami mag-judge kaya hindi na ako gumatong. Hindi pa naman namin alam ang totoong nangyari.

"Patapusin n'yo muna ako, zuccs, okay? Kakasabi ko lang 'wag magjudge. P'wede ba simulan ko sa simula?" Hindi kami nagsalita kaya nagpatuloy si Jeena. "Okay. According dito kay bruhang Gemma, they've met daw sa beach thru common friend. Naging close daw sila dahil mabait naman at nagkakasundo sila. Madalas daw sila magkausap sa viber. Kaya kung napapansin n'yo nagkaro'n ng sariling mundo 'tong gagang 'to kasi nga lumalandi na ng mga panahong 'yun."

"Hoy Jeena!" Sigaw ko. Leche 'tong si Jeena. 'Wag daw magjudge pero kung magkwento kung ano-ano na ang tinawag kay Gemma. Binato ko nga ng pambahay na tsinelas ko. Natawa naman kami lahat. Si Gemma naman ay dumapa na sa kama ko at do'n nag-iiyak.

"Okay, p'wede na natin siya i-judge kasi mahirap pala magpigil." Umirap pa ito sa kawalan. "Pero after tonight please. Kalimutan na natin ang pangyayaring 'to para makapagmoveon na din 'tong babaeng 'to."

"Siraulo!" Natatawang sabunot naman sa kanya ni Paula habang hinahaplos nito ang likod ni Gemma.

"Just spill it, zuc! Ang dami mo pang sinasabi." Inip na sabi uli ni Margareth. "Zuc, wala ka bang aircon dito? Ang init 'ha? Buti natitiis mo." Baling naman niya sa'kin.

"Oo naman. Hindi naman ako kasing arte mo 'no?! Hello?! Hindi ko naman pag-aari 'tong apartment na 'to para ipabakbak ko ang dingding nila at lagyan ng aircon. Utak please! Lumayas ka nga sa kwarto ko!" Irita kong sabi. Magkakaro'n na siguro ako. Ang init ng ulo ko, eh.

"Hoy mga leche kayo! Bakit kayo nag-aaway?!" Saway sa amin ni Paula.

"Itutok n'yo nga electric fan dito kay Marge nang malunod."

"Bakit high blood ka?" Irap niya sa'kin.

"Ewan ko sa'yo! Kunin mo 'yun isang electric fan sa kwarto ni Toffee. Itutok mo lahat sa'yo."

"Ako pa magbubuhat?" Reklamo niya.

"Alangan ako? Duh!"

"Okay fine!" Tumayo na ito at lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya ay humagalpak ako ng tawa. Kahit naman tarayan ko 'yan si Margareth hindi marunong magalit. Sadyang maarte lang talaga siya.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon