Chapter 25

358 9 0
                                    

Brownout. Gusto ko maiyak sa sobrang init. Ang aga pa ng training namin bukas. Ala-una na ng umaga pero 'di pa din ako makatulog. Tapos gigising pa ako ng 4:00 am para magprepare para sa training namin ng 5:00 am.

Sa sala na nga kami natulog ni Toffee. Do'n na kami naglatag at nagtabi na lang kami sa foam niya dahil pinapaypayan niya ako kanina. Kaso, nakatulog na siya. Kaya ako na ang nagpaypay para sa amin dalawa. 'Yun flashlight sa cellphone ni Toffee lang ang ginawa namin ilaw dahil wala naman kami kandila sa apartment. Hindi namin in-expect na posible nga palang magbrownout. Lowbat na nga ang cellphone niya. Maya-maya'y mamamatay na ang ilaw kaya natatakot ako. Ayoko talaga sa dilim.

Hindi ako nakakatulog na bukas ang ilaw pero gusto ko kahit papaano'y merong lampshade na nagbibigay ng konting liwanag. Hindi ko kaya 'yun halos wala ka nang makikita sa sobrang dilim. Natatakot ako kapag gano'n.

Lowbat na din ang cellphone ko. 'Di ko p'wede gamitin ipangflashlight dahil sine-save ko ang battery para sa alarm. Mahirap na baka 'di kami magising. Ma-awardan na naman ako ni coach.

"Holy fudge!" Napayakap na lang ako kay Toffee nang tuluyan nang namatay ang ilaw. Kasehodang mainit tiniis ko na. Pinilit kong pumikit ng mariin. Ang daya ni Toffee. Bakit ang bilis nito makatulog?

*****

"Baby." Kinukulbit ako ni Toffee sa braso ko nang napapapikit ako habang nagkaklase kami.

Nagigitla naman ako sa bawat kulbit niya kaya pigil na pigil ang tawa niya sa akin.

"Ang sama mo! Tinatawanan mo 'ko wala pa nga akong tulog." Kinurot ko siya sa tagiliran niya nang lumabas na ang prof namin.

Hindi ako masyado nakatulog talaga kagabi. Bukod sa mainit ay takot na takot ako dahil feeling ko palagi ay may ibang taong nakatingin kahit wala naman. Feeling ko nga ay parang kakatulog ko lang kanina nang ginising ako ni Toffee dahil 'di ako nagising sa alarm ko.

On time ako sa training kanina. Pero dahil sumakit ang ulo ko dahil literal na wala nga akong tulog ay hinayaan na akong magpahinga ni coach. Pero hindi din naman ako umalis sa gym dahil wala naman tao sa dorm at ayoko mag-stay do'n mag-isa. Swerte nila at may generator sa school kaya 'di nila naranasan ang brownout. Kung pwede lang iwan si Toffee kagabi para sa dorm na ako matulog  ay ginawa ko na. Pero, 'di ko naman 'yun magagawa kay Toffee.

"Tara na. Ma-late na tayo sa next class natin." Inalalayan pa ako ni Toffee sa pagtayo dahil para daw akong magco-collapse palagi sa antok. Tinatawanan niya nga ako nang nakailang tapilok ako habang naglalakad kami para sa next class. Nagsuot na nga ako ng shades dahil puyat na puyat talaga ang itsura ko.

"Bili tayo rechargeable fan mamaya. 'Yun may lights na kasama. 'Di ba may gano'n? 'Di ko na talaga kakayanin 'pag nawalan na naman ng kuryente mamaya."

"Okay, madam." Tinawanan na naman ako nito. Sinuntok ko siya habang nakakapit ako sa braso niya.

"Seryoso kasi. Palibhasa ang himbing ng tulog mo. Daya mo! Bilis mo makatulog."

"Eh 'di sana ginising mo 'ko." Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at inakbayan niya ako. Humawak na lang ako sa baywang niya.

"Ayoko nga. Edi napuyat ka din." Tumingin ako sa kanya. Busy siya sa cellphone niya at nagpipigil ng tawa. "Hoy! Ano 'yan?"

"Wala." Iniwas niya sa akin ang cellphone niya pero nahagip ng mata ko na parang ako 'yun nasa screen niya. Mabilis niyang nailagay ang cellphone niya sa bulsa niya.

Tumigil ako sa paglalakad at kinuha ko ang phone ko. In-open ko ang Instagram ko at tama ang hinala ko. Pinicture-an pala niya ako habang natutulog sa klase. Naka-tag pa talaga ako at mga pinsan ko. "Shit ka, Toffee!"

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon