Chapter 52

237 8 0
                                    

Ang laki ng ngiti ni Justin habang vini-video ako. Nasa loob kami ng apartment at ginagawa ko na 'yun dare niya na magsayaw daw ako ng 'Twerk it like Miley' kapag nanalo sila sa first game ng final round ng IUSA basketball league na naganap no'n isang araw. Pinanood lang niya 'yun sa'kin sa Youtube dahil 'di ko naman alam ang dance steps no'n. Wala naman kasi kaming TV dito.

Siya dapat ang gagawa no'n kapag natalo sila. Magaling din kasi ang kalaban nila sa finals kaya nauwi pa kami sa dare para lang mas tumodo effort pa siya na ipanalo ang game nila. Hindi kasi siya marunong magsayaw. Kagabi pa dapat gagawin 'yun dare kaso may training kami kaya saglit lang siya tumambay dito sa apartment. Pinakain lang niya ako ng dinner pagkatapos ay umuwi na.

Buti na lang wala si Toffee ngayon. Umalis uli siya kasama nina Lester nang dumating na si Justin. Kung nagkataon ay dalawa silang nagtatawa sa'kin ngayon.

"Ayoko na!" Nagtatalon na'ko sa kahihiyan sabay lapit kay Justin na nakaupo sa sofa. Sinabunutan ko siya pero tawa lang talaga siya nang tawa. Hinayaan ko nang magpatuloy ang music sa cellphone ko para kahit papaano naman ay may naririnig kaming ibang ingay.

"Post ko 'to. Dare is a dare." Grabe talaga 'tong si Justin. Seryoso talaga siyang ipahiya ako.

Umupo ako sa tabi niya. "'Wag! For your eyes only." Inaagaw ko 'yun cellphone niya pero itinataas niya para hindi ko maabot. Napagod na'ko kaya hinayaan ko na. Sumandal na lang ako sa sofa. "Hon, ang hard mo sa'kin bakit ka ganyan?"

"Anong hard? Paano mo nalaman?" Nakangising sabi niya nang lingunin niya ako.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano?" 'Di ko magets ang sinasabi niya.

Tumawa na lang siya. "Wala! Nevermind." Bigla niyang pinakita 'yun cellphone niya. Seryoso siya talaga. Naipost na nga niya sa Facebook niya.

"Oh my god! Nakakahiya!" I buried my face on his back. Panigurado pagpyestahan na naman 'yun ng mga pinsan ko.

"Ang cute mo kaya dito. Bakit ka nahihiya? Saan sila makakakita nang nagti-twerk na nakapajama at malaking t-shirt?" Tinatawanan pa din ako ni Justin. Hinampas ko lang ang likod niya.

"Ang laswa ng steps, hon."

"Hindi kaya. Kung malaswa pagkakasayaw mo asa ka pang i-post ko 'to. Nakakatawa ka kaya dito." Tumawa uli siya.

Sabagay. Sobrang conservative niya pagdating sa'kin. Damit ko pa nga lang minsan frustated na siya agad kapag nagsuot ako ng medyo revealing. Alam ko naman hindi niya ako ipapahamak.

"Anong oras kaya darating si Toffee?" Bigla niyang tanong.

Umayos ako ng upo at tinidnan siya. "Ewan ko. Baka mamaya pa." Tumingin ako sa relo ko. "9 na. Malamang 10 pa 'yun. 'Di ba? Palagi naman gano'n oras nauwi 'yun."

Sumandal siya sa sofa at inakbayan ako. Ipinatong din niya ang ulo niya sa balikat ko. "Pakiss ako, hon."

Napatingin ako bigla sa kanya. 'Di ko malaman kung matatawa ako o ano. Tinapik ko na lang ang ulo niya. "Anong problema natin, brad? Nanghihina ka na? Need ng energy?" Saka lang ako tumawa.

Niyakap naman niya ang dalawa niyang kamay sa akin at bigla akong hinalikan sa leeg.

"Hoy! Wait!" Suway ko sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya tinanggal ko 'yun kamay niya na nakayakap sa'kin. "Hon, 'wag sa leeg." Hindi talaga ako komportable kapag do'n. Nakikiliti din kasi ako.

Ngumisi lang siya. "Okay. Sorry."

Hinawakan niya ang labi ko habang nakatingin do'n. Napalunok na lang ako sa paghihintay ng halik niya. Pumikit na lang ako. Sabik din naman ako palagi sa mga halik niya. Unti-unti ko naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Hinawakan niya ako sa batok at wala naman ibang makapitan ang mga kamay ko kundi ang likod niya. Naramdaman ko na lang ang pag-alalay niya sa akin pahiga sa sofa habang patuloy pa din niya akong hinahalikan.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon