Chapter 9

371 16 0
                                    

"Anak, tanghali na. Dito ka pala natulog. Akala ko nasa dorm ka. Bakit hindi ka pumasok?" Nagising ako sa boses ni Mommy. Nakapasok na pala siya sa kwarto ko. Sobrang sakit ng katawan ko at ang sama ng pakiramdam ko. Nilapitan niya ako at hinawakan ang noo ko. "Mainit ka, anak." Nag-aalalang sabi pa nito. "Magbihis ka pacheck-up tayo sa doctor."

"Hmm? 'Wag na po, 'My. Iinom na lang po ako ng gamot." Pinilit kong bumangon para humalik kay Mommy. "Masama lang talaga pakiramdam ko. Pero kaya ko naman. Wala lang po 'to."

Umupo si Mommy sa gilid ng kama ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. "Ano'ng nangyari dito bakit ang dami mong pasa? Pati sa braso mo, oh."

Kinabahan ako nang tinidnan ko ang mga kamay ko na may mga pasa nga. Napansin ko na 'yun kagabi na namumula 'yun nang maligo ako, pero 'di ko na masyado inintindi. Nakatulugan ko na din ang pag-iyak kasi kagabi. "H-huh?! A-Ano po.. baka magkakaro'n lang ako." Pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin na si Justin ang may gawa no'n. "Nasa'n po si Daddy? Ano oras po kayo nakauwi?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Halos kakauwi lang namin. Pumasok na ang Daddy mo sa office, inihatid lang ako dito tapos umalis na din agad." Tumayo siya para lumabas na ng kwarto ko. "Makakabangon ka ba? Gusto mo padalhan na lang kita ng pagkain dito kay Maan para makainom ka ng gamot?" 

"Okay lang po, Mommy. Baba na lang ako maya-maya." Tumango naman siya at tuluyan nang lumabas.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-check ang oras. 10:45 am na pala. May iilan text din do'n ayon sa lock screen notification ng cellphone ko. In-open ko 'yun at binasa.

JUSTIN: I'm sorry. Hindi ko sinasadya 'yun nangyari kanina. Kinain ako ng galit ko. Sorry talaga.

Kagabi pa 'yun text niya. Madami pa siyang text do'n na puros paghingi lang ng sorry. May text din siya kaninang umaga. Kumirot na naman ang puso ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. May text din pala si Mommy do'n kaninang umaga to inform me na pauwi na sila. Binabasa ko pa ang ibang text messages nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Kuya Adrian. Nagtatakang sinagot ko 'yun.

"Hello."

-"Where are you? Nandito ako sa labas ng school n'yo. Kumain ka na? Tara, sumabay ka na sa'min maglunch."-

"A-Anong ginagawa mo d'yan? Nandito ako sa bahay. 'Di ako pumasok. Masama pakiramdam ko."

-"May sakit ka? Nand'yan na si Mommy, ah. Na-check ka na niya? Okay ka na ba?"- Nag-aalalang sabi ni Kuya. Five years ang age gap namin. Pero kahit gano'n ay sobrang close namin. Minsan ay dinadayo niya talaga ako sa school para maglunch or dinner kapag matagal na kami hindi nagkikita. Sa condo sa Quezon City kasi siya madalas dahil do'n malapit ang work niya at ako naman ay sa school dorm dito sa Manila.

"Medyo okay na, Kuya. Konting lagnat lang naman. Kagagaling lang ni Mommy dito sa kwarto. Sunod na din ako sa kanya sa baba para kumain para makainom na din ng gamot."

-"Okay, magpagaling ka 'ha? Sayang, Andie. May ipapakilala sana ako sa'yo, eh. May bago akong girlfriend. Nakilala ko no'n isang araw through common friends. Schoolmate mo. And I'm pretty sure kilala mo siya."-

"Huh?! Kilala ko?! Sino? Ano'ng name?" 'Di na 'ko nagtataka kung girlfriend na niya agad kahit ilang araw pa lang sila magkakilala. Dakilang playboy si Kuya, eh. Ang bilis magpalit ng girlfriend. Ang hilig pa sa mga college girls. Palibhasa bukod sa gwapo eh mapera din siya kaya ang dali din niya makauto ng girls.

-"Lana. Lana Acosta. Kasama mo sa volleyball. For sure magulat 'yun 'pag nalaman niyang kapatid kita."- Sabi niya sabay tawa.

'Di na ako nakaimik. Sa dinami-daming babae si Lana pa talaga. Parang mas lalo ata ako lalagnatin.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon