Chapter 42

266 9 0
                                    

"Andie, kanina pa natawag sa'kin si Justin. Hindi ka daw nasagot sa tawag niya. Mag-online ka daw. Facetime daw kayo. Busy na daw siya mamaya dahil birthday ng pinsan niya." Sabi sa'kin ni Paula nang lumapit sila ni Amboy sa amin sa tabing dagat. Galing sila sa hotel room nila para magpalit ng pangswimming. May dala siyang towel at pinatong sa isa sa mga upuan do'n.

Badtrip na tumingin lang ako kay Paula. Nakaupo kami ni Toffee sa isang beach chair do'n habang sina Gemma, Jeena at Margareth ay nagpi-picture-an habang naliligo sa dagat.

Nakasuot ng two-piece bikini 'yun mga pinsan ko habang ako naman ay palaging may bikini cover-ups at shorts kahit nagswi-swimming mula pa no'n isang gabi.

Hindi ako sanay talaga na maliligo na may suot pang gano'n. Pero kung maglalakad-lakad lang kami sa tabing dagat ay ayoko ng nakatwo-piece lang ako.

No'n isang araw pa nga ako naiinggit sa mga pinsan ko dahil para sa'n pang bumili ako ng madaming swimsuit, hindi ko naman ma-expose. Pero 'pag gabi na kami nagswi-swimming ay nagtatanggal ako ng cover-up na pang-itaas at shorts. Sinasabihan ko lang ang mga pinsan ko na 'wag ako pi-picture-an dahil baka makita ni Justin.

Ayaw nga kasi ni Justin. Baka magalit. Ako naman si girlfriend, masyadong masunurin kahit wala naman siya dito.

"Bahala siya! Magfacetime siyang mag-isa niya." Inis na sabi ko. Nagulat naman sina Paula at Amboy sa reaksyon ko pero 'di ko na pinansin.

Tumayo ako. Hinubad ko ang cover-ups ko pagkatapos ay hinubad ko na din ang shorts ko.

"Woot! Sexy!"

"Damn! Show those abs! Go, zuc!"

"Lika na dito, zuc!"

Nadinig ko naman ang pangangantyaw ng tatlo ko pang pinsan na nagtatampisaw na sa dagat.

"Hoy, zuc! Lagot ka kay Justin 'pag nakita ka no'n." Natatawang sita sa akin ni Paula.

Tumingin uli ako kay Paula. Nilapag ko sa beach chair 'yun mga hinubad ko.

"I don't care." Irap ko sabay hila sa kamay ni Toffee. "Tara na, babes."

Imbes na mabadtrip buong araw ay mas pinili kong magpakasaya kasama ang mga pinsan ko at si Toffee. 'Di ko na muna inisip si Justin. Masaya naman siya do'n, magpapakasaya din ako dito. Panay din ang picture-an namin. Wala akong pakialam kahit makita sa picture na nakatwo-piece bikini lang din ako tulad ng mga pinsan ko. Nasa beach naman kami, ano bang problema do'n? Wala naman masama. Si Justin lang naman ang magagalit. Mas gusto ko na ngang magalit siya dahil galit na galit din ako sa kanya ngayon.

*****

Nakailang text at missed calls na si Justin nang nagcheck ako ng cellphone nang makabalik kami ng hotel para magbanlaw at magbihis for dinner. Hindi na ako nag-abalang basahin 'yun text niya at baka masira na naman ang araw ko. Nilagay ko na lang sa safety deposit box sa loob ng hotel room 'yun cellphone at iPad ko. Hindi ko na lang dadalhin dahil wala naman akong balak na kausapin siya.

"Zuc, galit na galit jowa mo sa post ko!" Tumawa si Jeena habang nakaharap na naman sa iPad niya.

"Bakit? Anong sabi? Nagcomment siya?" Walang emosyong tanong ko habang bino-blower ang buhok ko para matuyo agad.

"Hindi. Minessage lang ako. Pinapadelete 'yun pictures mo na nakabikini ka. Bakit ka daw nagsuot ng gano'n? Sabi ko bahala siya. Bakit ko ide-delete edi nadamay kami sa made-delete. Kasama mo kaya kami sa pictures. Siraulo ba siya?" Natatawang sabi pa ni Jeena.

"Ang possessive!" Pang-aasar pa ni Gemma.

"Wala ka bang balak kausapin si Justin, baby? Wala naman idea 'yun bakit ka nagkakaganyan." Sabi naman ni Toffee na nakaupo lang sa kama habang nanonood ng TV dahil kanina pa siya tapos magbihis. Kaming mga babae lang ang matagal talaga kumilos.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon