Chapter 40

257 10 0
                                    

"Ang dami mo naman dadalhin. Isang taon ka ba do'n?" Kanina pa ako tinatawanan ni Justin. Ang dami ko kasing damit at iba pang gamit na tinambak ko sa ibabaw ng kama ko habang kaming dalawa ay nakaupo sa sahig at tinitiklop 'yun mga damit na dadalhin ko.

Nandito kami sa kwarto ko. Tuwang-tuwa pa si Justin nang pumayag si Mommy na pumunta siya sa kwarto ko dahil nga mag-iimpake ako ng gamit na dadalhin ko sa Boracay. 'Wag lang daw kami magsasarado ng pinto. Nagtitiis tuloy kami sa electric fan ngayon.

Hinatid niya ako kaninang umaga dito sa bahay pero umuwi din siya para maligo. Bumalik lang siya ng tanghali dahil nga bukas aalis na kami ng mga pinsan ko. Matagal kami hindi magkikita ni Justin.

"Ang dami mong reklamo. Ayusin mo na lang pagtitiklop mo d'yan." Irap ko sa kanya.

"Mali ka kasi. Dapat binibilot mo 'yun mga damit para mas madami magkasya." Suggestion pa niya sa'kin. "Ganito oh." Nagdemonstrate pa siya sa isa sa mga damit ko bago nilagay sa maleta ko. "See?"

Napangiti naman ako. Mukhang mas okay nga. Mas madami pa akong madadala. Itong malaking maleta at 'yun backpack ko na lang ang dadalhin ko para madali lang dalhin. Magbabaon lang din ako ng maliit na sling bag para mapaglagyan ng cellphone at pera kapag maggagala kami.

Ginaya ko na lang 'yun ginagawa niya at mas napabilis pa 'yun pag-iimpake namin. Inayos ko sa isang lalagyan lahat ng swimsuit na dadalhin ko. Napansin 'yun ni Justin.

"Ayan lang ang isusuot mo 'pag nagswimming ka?"

"Beach 'yun, hon. Ano ka ba naman?" Medyo inis na sabi ko.

"'Di ba may usapan na tayo? Hindi naman kita pinaghihigpitan. Ayoko lang talaga na maeexpose sa iba 'yun t'yan mo!"

"Ano ba kasing problema mo sa t'yan ko? Inaano ka ba n'yan?" Umirap uli ako sa kanya at tumayo para kunin sa drawer ko 'yun iba ko pang dadalhin tulad ng lotion, powder, perfume, toothpaste, deodorant, body wash, shampoo at kung ano-ano pa. Tumingin ako sa kanya. Frustrated na naman ang itsura niya. Napailing na lang ako. "Hon, wala bang exemption? Beach naman kasi 'yun. Everyone wears swimsuit. Bakit ako hindi p'wede?" Bumalik uli ako sa pagkakasalampak sa sahig para ilagay sa maleta ang mga kinuha ko.

"Hindi ko alam. Pero ayoko talaga. Please, hon. Please understand. 'Yun lang naman request ko. Don't wear those piece of shits."

Napabuntong-hininga naman ako at tumingin sa kanya. "Okay. What if I wear shorts and cover-ups while wearing this? Okay na?"

"Wala ka bang rashguard? 'Yun na lang." Hirit pa niya.

"Wala! Ano ba? Ang dami kong biniling swimsuit. Anong gagawin ko d'yan?" Inis na talaga ako pero nagpakamahinahon na lang ako. Ayoko naman aalis ako bukas tapos magkaaway pa kami dahil sa walang kwentang bagay. Umurong ako ng pagkakaupo palapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Please, hon! May pamatong naman. Pumayag ka na."

Tumingin siya sa akin kaya nagpaawa na lang ako kunwari. Huminga siya ng malalim. "Okay fine. Basta kahit magswi-swimming na kayo 'wag mo tatanggalin. 'Pag may nakita talaga akong picture na nakabikini ka."

"Oh, anong gagawin mo?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Hinilamos naman niya ang kamay niya sa mukha niya sa pagkainis. Wala naman kasi siyang magagawa talaga. Alangan hiwalayan niya ako nang dahil do'n.

Tumawa na lang ako para kahit papaano mawala ang pagkainis niya. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Sige na. 'Wag ka na mainis. Hindi ko aalisin kahit magswimming kami." Ngumiti ako sa kanya.

"Okay." Ngumiti na siya sa wakas. Para talagang bata. 'Yun lang talaga nakakapagpainis sa kanya. Kapag magsusuot ako ng masyadong revealing.

"Okay na 'ha?" Ngumiti uli ako sa kanya at tinutukan na uli ang pag-iimpake.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon