Chapter 34

298 11 0
                                    

"Andie, gising ka na."

Napamulat ang isa kong mata nang magising ako sa pagyugyog sa'kin ni Jhoe. Antok na antok pa 'ko.

"Andie! Bumangon ka na d'yan. May bisita ka sa labas. Bilisan mo!" Kinikilig na sabi pa ni Jhoe.

'Shit!' Nasabi ko na lang sa sarili ko. Napabalikwas ako ng bangon. "May tao sa CR?"

"Wala." Nakangising sabi naman ni Pamela.

Napatingin ako sa teammates ko. Gising na pala silang lahat. Nakatingin sila lahat sa akin habang nag-aayos ng gamit nila. Mapanukso ang mga ngiti nila.

Napafacepalm na lang ako. "Oh, crap!" Natatarantang bumangon na ako. Nahiya ako bigla sa kanila. Siraulo 'tong si Justin talaga. Pinaalis ko na nga kagabi bago ako pumasok para 'di nila makita, tapos nagpunta naman ngayon. "Wait guys, I'll explain it to you later, okay?" Tumakbo agad ako palapit sa maleta ko para kunin ang toothbrush ko at nagmadali na akong pumasok sa CR.

"Hon, anong ginagawa mo dito?" Pabulong kong sabi at maingat na sinara ang pinto ng room namin.

"Good morning, hon!" Masayang bati ni Justin sa'kin. "Ang tagal mo magising. Napuyat ba kita? Sorry." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Yumapos naman ako sa kanya. Napansin ko ang maleta niya. "Alis na kayo? Anong oras na ba?"

"Seven na. Kanina pa nila ako hinihintay sa lobby. Nand'yan na daw service namin." Natatawang sabi niya.

"What the fudge?!" Kumalas ako ng yakap sa kanya. "Bakit ka pa kasi nagpunta dito? Alis ka na baka maiwan ka pa." Taboy ko sa kanya.

"S'yempre. Magpapaalam muna 'ko sa'yo. 'Di ba girlfriend na kita?" Nakangiting sabi niya. Feeling naman niya nakalimutan ko kaya pinapaalala niya. Baliw talaga.

"Oo na. Ano ka ba? 'Di ko nakakalimutan. Alis ka na, hon. Baka magalit pa sila sa'yo."

"Okay." Pinulot niya ang sports bag niya na nasa floor at sinakbit na sa balikat niya. "I'll wait for you na lang sa school n'yo, 'ha? Mag-ingat kayo sa flight n'yo mamaya. I love you." Mabilis niya akong hinalikan sa labi.

"I love you too, hon. Please take care, okay? See you later."

Hinalikan niya uli ako sa noo ko bago niya hinila ang maleta niya at nagsimula nang maglakad palayo. Pinagmasdan ko lang siya hanggang lumiko na siya papunta sa elevator. Napangiti ako. Feeling ko ang aga-aga namumula na'ko. Totoo ba talaga 'to? Parang panaginip lang. Nabilisan ako bigla sa mga pangyayari. Kinikilig ako. Kami na ulit ni Justin.

*****

PAULA: Hey Justin! Is that Andie?!😳 Oh my God!😍 Akala ko namalikmata lang ako. Where are you guys?! 1 AM na aba!

MARGARETH: It's so obvious. That's Andie, zuc! Medyo madilim lang. Oh my gosh! Is this for real?! Justin and Andie?!😍 OMG! I'm so happy!❤️

JEENA: Flashback friday daw 'yan, Marge. O kaya edited.😂 But, seriously?! How did it happen?! No'n isang araw lang bwiset na bwiset si Andie sa'yo, Justin! Hahaha 😂😂😂

PAULA: Hoy Jeena! 'Wag mo ilaglag si Andie! Patay tayo do'n 'pag nabasa niya 'to. Haha

MARGARETH: Lagot ka Jeena! Babawiin na 'yun pasalubong mo.😆😂

JEENA: Hi, zuc! Wala akong sinabi 'ha? 😌 Ine-expect ko 'yun pasalubong mo sa'kin bukas. Haha. Pero 'yun totoo?! Ano'ng ginagawa n'yo d'yan 'ha? Bakit ang dilim?! Madaling araw na magkasama pa din kayo.😳🙈 Siguro.. siguro.. hmmm.. Hahaha! Joke lang.✌🏻️😁

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon