Chapter 38

251 10 2
                                    

16 missed calls. 89 unread messages.

Sa buong araw na hindi ko sinilip ang cellphone ko, ganyan kadami na agad ang nagtext at tumawag sa akin. Karamihan galing sa mga pinsan ko na puro pang-aasar lang ang text dahil alam nilang dalawang araw ko nang kasama si Justin at madalas akong nasa bahay nila dahil panay ang post ni Justin ng picture at video namin sa Instagram namin dalawa.

Madaling araw na pero gising pa din ako. Hindi pa kasi ako inaantok dahil ang haba nang tinulog ko kanila Justin kanina kaya napagpasyahan kong basahin na lang lahat ng nagtext sa akin.

KUYA: Hindi mo sinabi sa akin kayo na pala uli ni Justin. Papuntahin mo nga 'yan dito sa condo. Sisintensyahan ko.

Natawa na lang ako nang mabasa ko ang text ni Kuya. Siraulo talaga. Tinext ko kay Justin ang sinabi ni Kuya at nagulat naman ako nang magreply siya agad. Nawala din siguro ang antok niya kanina dahil parehas kaming nakatulog.

JUSTIN: Sige, hon. No problem.😉 Kelan tayo punta? Tomorrow? Miss you na agad.😔

AKO: Okay. Text ko muna si Kuya. Hindi kita miss. Miss na miss lang. Baduy!😂 Matulog ka na nga. Nyt!😘

Nagtext ako kay Kuya pero hindi nagreply. Malamang tulog na 'yun. Bukas ng hapon na lang siguro kami pupunta. Tagal ko na din hindi nabisita si Lana. Ang laki na siguro ng t'yan niya ngayon. First week of July ang due ng panganganak niya. Excited na'ko makita 'yun pamangkin ko.

JUSTIN: Kinikilig ako 'pag nagte-text ka sa'kin, hon. Bakit gano'n? Hahaha! Sleep ka na din 'ha. Kita uli tayo bukas. I love you, honey.😍😘

Napangiti naman ako nang magtext uli si Justin. Paka-cheesy. Kainis. 'Di na ako nagreply. Baka kasi hindi na naman matapos ang usapan. Ang dami ko pang babasahin na text messages.

Nakita kong madami din pa lang text na galing kay Toffee. Nawala din sa isip ko na Monday nga pala ngayon. Nakaschedule kami na mag-gym pero hindi ko man lang siya nareply-an kaya nakailang text siya sa akin kanina. May balak din sana kaming manood ng movie na last week pa pinalabas after namin sana mag-gym. Pinangako ko pa naman sa kanya na babawi ako after ng tournament namin sa Cebu dahil tagal din namin hindi nagkita since no'n magtraining pa kami. Ang latest text niya ay ngayong gabi lang.

TOFFEE: Hi! Sorry to disturb you. Pero miss na kita, baby, kahit hindi mo na'ko nami-miss.😓 Nalulungkot lang ako kasi hindi mo na ata ako naiisip. 'Di ka na nagte-text. No more good morning and goodnight text from you na. 'Di mo na 'ko kinakamusta. Nakalimutan mo pa 'yun lakad natin kanina.😣 Pero, don't worry. Naiintindihan ko.☺️ Take care always. Goodnight.

'Oh crap!' Na-guilty naman ako. Napafacepalm na lang ako nang mabasa ko ang text niya. Iniisip ko kung paano ko ba siya re-reply-an na magiging okay ang pakiramdam niya.

'Pag kasama ko kasi si Justin tinatamad akong magbasa ng text. Nawala na din sa isip ko 'yun mga nakaplano nang lakad before pa kami magkabalikan. Kaya nga pati 'yun Boracay nakalimutan kong banggitin kay Justin kung hindi pa nabanggit ni Daddy. Sinusulit ko din kasi 'yun mga oras na magkasama kami dahil two weeks din kami hindi magkikita.

Tumayo ako sa kama at nagpunta sa terrace. Do'n ako umupo sa sahig. Dito kami madalas tumambay ni Toffee kapag nandito siya sa bahay.

AKO: I miss you, babes! I'm sorry!😭 'Wag mo sanang isipin na binabalewala na kita. Sinusulit ko lang din kasi 'yun time ko with Justin. Punta din kasi sila sa Singapore this Friday kaya matagal din kami hindi magkikita.😢 Don't worry, I'll make it up to you. I promise.😘 One week naman tayo magkakasama sa Boracay, 'di ba? I love you.💕

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon