Chapter 10

335 14 8
                                    

Dinig na dinig ko ang ingay sa loob ng gym nang dumaan ako do'n. Kasalukuyan naglalaban ang Crossbill at Raven University para sa Game 1 ng Finals. Kasabay ng pagcheer ng mga estudyanteng nanonood sa loob ay ang pagtunog ng drums na parang nakikipagsagutan sa kabilang team. Ang daming tao hanggang labas dahil nando'n din ang ilang estudyante galing sa ibang school.

Wala na kaming klase ngayon dahil sa game. Ni-require kami manood para magsupport daw sa team ng Crossbill. Pero ako? Sabihan na 'kong bitter pero uuwi na lang ako. Pagkalabas ko ng gate ay nagdesisyon akong dumaan muna sa church sa tabi ng school. Naglalakad ako papunta do'n nang biglang may tumawag sa'kin.

"Andrea!"

Kumalabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses niya. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Nakita ko si Justin sa gilid ng church. Tumingin muna siya sa paligid niya bago niya ako nilapitan. Para bang takot na takot na may makakita. Nainis ako sa ginawa niya. Bago pa siya makalapit ay nagsimula na ulit ako maglakad papasok ng simbahan. Sumunod siya sa akin.

"Wait lang, Andrea." Mahina niyang sabi. Huminto ako. Hinarap ko siya.

"Bakit?" Walang emosyon kong sabi.

"Hindi ka nagrereply sa text ko. Tinatawagan kita naka-off 'yun phone mo."

"I changed my number." Simpleng sagot ko.

"W-What? Bakit?" Hindi ko maintindihan 'yun reaksyon niya. Para bang hindi siya makapaniwala na nagawa ko  'yun. "How can I check on you?"

"You don't have to check on me. Wala na tayo 'di ba? So wala ka na dapat pakialam." Iniiwasan ko magtaas ng boses dahil nasa loob kami ng simbahan. Buti na lang walang masyadong tao. May dalawa o tatlo lang atang nakaupo sa may bandang unahan.

"But I still care, Andie." Para siyang maiiyak. Pero imbes na maawa ako ay nairita lang ako.

"You still care?" Pag-ulit ko sa sinabi niya. "Really, huh? Bakit hindi ko 'yan maramdaman? If you really care, hindi mo ako hahayaan na ganituhin nila ako. Pinagtatawanan nila akong lahat. Pero isa ka din sa humusga sa'kin." Mas nauna pa atang pumatak ang mga luha ko kesa sa kanya.

"Please understand. I'm trying na lunukin na lang 'yun pride ko at balikan ka pero sa tuwing maaalala ko  'yun panloloko mo sa 'kin.. 'yun video.. hindi ko pa din pala kaya."

Sinamaan ko siya ng tingin. Naiiling na tinalikudan ko siya sa sobrang sama ng loob ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa pinakamalapit na upuan sa bandang likudan at umupo do'n.

"Andrea, please." Sumunod siya sa'kin. Umupo siya sa tabi ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin  sa'yo hindi kita niloko." Nanginginig na'ko sa galit ko. Pinipigilan ko lang talaga 'yun emosyon ko. Hindi ako tumitingin sa kanya habang sinasabi 'yun.

"Pero paano ba ako maniniwala do'n? Napanood ko mismo 'yun video, Andrea. Sobrang sakit sa 'kin na 'yun girlfriend ko may kahalikang iba.. tapos sa babae pa." Hirap na hirap na din siya sa mga sinasabi niya. Ramdam ko naman 'yun sakit na nararamdaman niya pero hindi ko pa din talaga matanggap na wala siyang tiwala sa akin sa two years na magkarelasyon kami.

"Okay na. Sige na. Paniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan, okay?" Napapikit ako habang sinasabi 'yun. Huminga ako ng malalim bago ulit nagmulat. "Oo na. Sige na. Niloko kita. Pinagsabay ko kayo ni Tere." Pinipigilan kong tumulo 'yun luha ko nang nilingon ko siya. "Okay na? Malinaw na sa'yo 'di ba? Hate me as long as you want. Wala na 'kong pakialam."

Yumuko siya pagkatapos kong sabihin 'yun. Nakakuyom ang dalawa niyang kamay. Nakita kong may pumatak na luha sa mata niya. Mabilis niyang napunasan 'yun. Ilang sandali lang ay tumayo na siya at walang imik na iniwan na 'ko do'n mag-isa. 

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon