Chapter 27

269 12 0
                                    

Nagsimula na ang semifinals ng IUSA volleyball league. Ang Raven at ang Crossbill University ang nakakuha ng top two seeds from elimination round. They were given the twice-to-beat advantage. Pang-third kami sa ranking at fourth naman ang Merlin University.

Ang Crossbill ang makakalaban namin for the semifinals. Dobleng paghahanda ang ginawa namin para sa game na 'to. Kailangan namin sila matalo ng dalawang beses para lamang makapasok kami sa Finals.

Tapos na maglaro kanina ang Merlin at Raven. Nanalo ang Raven kaya wala ng pag-asa ang Merlin para sa Finals.

Nasa fifth set na kami ngayon. Deciding match na kung eto na ba ang katapusan namin o magpapatuloy pa kami para magkaroon pa din ng chance for the Finals. Halos dikit palagi ang laban namin kanina. Nakuha namin ang 1st and 2nd set na parehas tatlo ang lamang namin. Nakuha naman ng Crossbill ang 3rd na dalawa ang lamang nila at ang 4th set na umabot pa sa 29-27 ang score sa sobrang intense ng laban.

13-12 na ngayon ang score. Lamang pa din ang Crossbill. Tatlo pa ang lamang nila kanina pero sinikap namin makahabol nang nakapuntos uli ako. Nagpatawag bigla sila ng timeout dahil do'n.

"Marilou, i-set mo lang kay Andie ang bola. Basta cover lang kayo. 'Wag n'yo din hayaan wala nakapwesto sa likod. Andie, predicted na 'yun laro natin na sa'yo ibibigay ang bola. Basta kargahan mo 'yun tira mo para lumusot sa blockers nila okay? Kung ma-block man nila i-anggulo mo na lalabas 'yun bola. Ikaw na bahala. Basta gawan mo ng paraan." 'Yan ang gameplan ni coach. Nakaka-pressure dahil sa akin nila inaasa ang pagkapanalo pero ayoko sila biguin. Kakayanin ko talaga 'to para sa kanila.

Nagsimula nang magserve si Danica. Muntikan na 'yun mag-ace pero nahabol ng kalaban. Nang nasa amin na uli ang bola ay binigay 'yun sa akin ni Marilou tulad ng usapan. Tinira ko 'yun ng malakas pero na-block na naman ni Hazel. Panay na naman ang trashtalk niya sa akin kaya minsan nawawala din ako sa focus. Hindi ko magawa minsan ang bilin sa akin ni coach na ngitian na lang siya dahil naiinis na talaga ako sa pagmumukha niya. Maganda ang coverage namin kaya kahit naba-block ako ay nakukuha pa din ng teammates ko ang bola. Binigay uli sa akin 'yun ni Marilou at nagawa kong maiwas sa blockers ang tira ko. Tie na ang score namin. Naka-score uli kami nang mablock ni Pamela ang tira nila. Isa na lang panalo na kami. Tumingin ako kay Hazel. Nginitian ko lang siya nang makita kong asar na siya dahil lamang na kami. Alam ko minura niya ako. Nabasa ko 'yun sa bibig niya pero kahit gusto ko na siya sapakin, ngumiti na lang uli ako. Nagserve uli si Danica. Nareceive naman nila 'yun ng maayos pero parang tuliro si Hazel. Akala niya'y para sa ka-teammate niya sinet ang bola kaya hindi niya tinira. Hinayaan niya lumagapak ang bola sa harap niya. Hindi na 'yun nahabol ng ka-teammate niya na nagdive na din sa harap niya.

"Thank you!" Pang-asar na sigaw ko kay Hazel bago ako tumakbo sa teammates ko at nagyakapan kami sa sobrang saya.

*****

"Congrats, baby!" Kinarga ako ni Toffee habang yakap nang lumapit ako sa kanila after namin manalo. Pinalo ko siya sa balikat para ibaba ako.

"Congrats, zuc!" Niyakap naman ako ng mga pinsan kong babae. Kompleto na naman silang nanood ng game ko.

"Thanks, guys!"

"Libre, zuc! Nanalo kayo!" Kantyaw pa ni Gemma sa akin.

"Sure. Bihis lang ako." Nilahad ko kay Toffee ang kamay ko. "Phone ko?" Binigay naman niya 'yun sa akin. Kay Toffee ko talaga iniiwan ang cellphone ko kapag nanonood siya ng game ko. Tumakbo na ako palayo sa kanila at nagmadali na pumunta ng locker room.

Nagpaalam na lang ako kanila coach na hindi uli ako sasabay sa shuttle. Magce-celebrate kami ng mga pinsan ko. Bahala na kung saan sila magyaya mamaya.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon