Chapter 11

342 15 0
                                    

Sobrang good vibes ko kinabukasan. Ang saya ng pakiramdam ko nang pumasok ako ng school. Excited na 'ko na magiging okay na ang lahat 'pag nalaman na ni Justin ang katotohanan. Mas maaga akong pumasok dahil may ibibigay ako kay Justin. Nagbake ako kagabi ng cookies na sobrang favorite niya. Dati naman talaga ay ginagawa ko ito sa kanya. Ipagbe-bake ko siya at dadalhan kinabukasan sa school kapag umuuwi ako ng bahay. Madalas ko din siya ipagluto either sa bahay nila or sa amin. Gustong-gusto ko talaga na pinagsisilbihan at inaalagaan siya. Matagal ko na din hindi nagawa ito simula nang mas nagkaro'n ako ng time dati sa team.

Matyaga ako naghintay sa may labas papuntang dorm ng mga lalaking student-athletes. Sa kaliwang side 'yun ng gym dahil sa bandang kanan naman ang sa girls' dorm. Almost thirty minutes na ata ako naghihintay dito pero 'di ko pa din nakikita si Justin na lumabas. Kanina pa nga ako pinagtitinginan ng mga athlete na dumadaan. Nagtataka siguro sila kung ano'ng ginagawa ko dito samantalang ang alam nilang lahat ay wala na kami ni Justin. But I just ignored all of them. Masyado akong masaya para magpaapekto sa mga mapanuring tingin nila.

8:30 am ang start ng klase ko ngayon. Gano'n din ang oras ng pasok ni Justin ngayon dahil halos parehas lang ang sched namin dalawa. Ten minutes na lang male-late na'ko sa klase ko. Sa kabilang building pa naman 'yun at medyo malayo dito sa gym. Nagtataka ako bakit wala pa din siya. Nakita kong bumaba ng dorm ang isa niyang ka-teammate. Siya ang pinakamatinong ka-teammate ni Justin sa pagkakakilala ko. Si Renzo. Lumapit ito sa akin nang mapansin niyang tinitidnan ko siya.

"Good morning, Andie! Ah.. hinahanap mo si Justin?" Medyo alinlangan pa siya sa tanong niya sa akin.

"Hi! Good morning! Yeah. Nasa taas pa siya?" Nakangiti kong tanong.

"Ha? O-Okay na ba kayo? I mean.. nagkabalikan na ba kayo?" Napapakamot pa siya sa ulo niya dahil sa sobrang pagkalito siguro.

"Ahm.. nah! Not yet." Umiiling na sabi ko. "Nasa'n siya?" Ngumiti ulit ako sa kanya.

"Ah.. 'di ko alam, eh. Kasi pinuntahan siya ni Hazel sa dorm kanina. Baka gagawa ng project? I'm not sure. Wala pa atang 7 no'n bumaba sila, eh."

Nawala 'yun ngiti na parang nakaplaster na sa mukha ko kanina. "Gano'n ba?" Si Hazel na naman. Si Hazel na naman ang kasama niya. Hindi na ata mawawala ang sakit dahil sa bubog ko sa babaeng 'yun. Naalala ko bigla 'yun sinabi ni Lana. Ilang araw na lang naman malalaman na din ni Justin ang totoo at sigurado ako lalayuan na din niya si Hazel at babalik na din siya sa akin. Pinilit ko ulit ngumiti kay Renzo para 'di niya isipin na affected ako. Naalala ko 'yun cookies na hawak ko na nasa maliit na paper bag. Inabot ko 'yun kay Renzo. "Okay lang pabigay na lang sa kanya mamaya 'pag nagkita kayo? Kung hindi naman hassle sa'yo 'ha. Baka ma-late ka na, sorry."

"No. it's okay. No problem. Maya pa naman 9 ang pasok ko. Iakyat ko na lang muna 'to sa dorm." Nginitian lang din niya ako. "May note ba 'to na kasama or sabihin ko na lang na sa'yo galing?"

"Ha? Wala, eh. Okay lang. I'll just text him na lang. Thank you, 'ha?"

"No worries." Pagkaalis niya ay nagmadali na din ako umalis para makaabot sa una kong klase.

*****

AKO: Where are you?

Pikit-mata ako nang sinend ko ang text message na 'yun kay Justin. Ang lakas ng kaba ko. Ilang beses ako nag-alinlangan kung ite-text ko ba siya o hindi. Kakatapos lang ng klase ko. Vacant ko na naman ng one hour kaya nagdecide akong magpalipas ng oras sa library.

JUSTIN: Who's this?

Mas lalo ako kinabahan sa bilis ng reply niya. Nagtype ulit ako ng message para sa kanya.

AKO: Oh, I'm sorry. I forgot iba na nga pala 'yun number ko. It's me, Andie.

Dumadagundong na naman 'yun dibdib ko sa sobrang kaba. Nagbabasa ako ng libro pero wala akong maintindihan. Panay ang dungaw ko sa cellphone ko na nakapatong sa table kung mayro'n na bang message galing kay Justin ngunit ten minutes na ata wala pa din reply.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon