Chapter 48

212 8 0
                                    

"Andie, maligo ka na. Aalis tayo." Excited na sabi ni Mommy. Tumayo na siya sa kama ko nang makita niya na gising na ako.

"Anong meron, 'My?" Bumangon ako at kinusot ko ang mga mata ko dahil sa antok.

"Punta tayo sa hospital. Tumawag ang Kuya mo. Manganganak na daw si Lana. Makikita ko na ang apo ko. Bilisan mo na." Nakangiting sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Parang hindi pa nagsink in agad sa isip ko ang sinabi ni Mommy. Hinanap ko ang cellphone ko sa kama ko. Nakatulugan ko na kasi ang pakikipagFacetime kay Justin. Halos gano'n naman kami gabi-gabi.

Alas-sais pa lang ng umaga. May ilang missed calls sa cellphone ko galing kay Kuya. May text din siya na nasa hospital daw sila dahil manganganak na si Lana.

"Oh my god!" Nasabi ko na lang sa tuwa ko. Parang do'n lang nawala ang antok ko. Nagmadali na akong naligo at nagbihis. Pinapakain muna ako ni Daddy ng breakfast before umalis pero umayaw na ako. Gusto ko na agad makita 'yun pamangkin ko.

Mabilis kaming nakarating sa isang hospital sa Quezon City. Mabuti na lamang at Sunday ngayon. Wala masyadong traffic.

"Dad! Mom!" Ang laki ng ngiti ni Kuya nang sinalubong niya kami sa labas ng Delivery Room. Yumakap siya agad sa parents namin nang dumating kami. Kinarga naman ako ni Kuya at inikot-ikot sa sobrang tuwa niya. "Makikita na natin si Ariana!"

"Ano ba 'yan, Kuya! Ibaba mo nga ako." Tumawa ako at hinampas ko siya sa balikat niya.

Nando'n din ang parents at kapatid ni Lana na lalaki. Kausap nina Mommy at Daddy.

"Kinakabahan ako." Umupo si Kuya sa upuan do'n at tinabihan ko siya. Hinawakan ko 'yun dibdib niya. Grabe! Ang lakas nga ng kaba niya.

"Relax, Kuya." Natatawang sabi ko.

Maya-maya pa'y lumabas na ang doctor. Nanganak na si Lana. Ilang oras din ang lumipas bago nadala si Lana sa private room.

"Oh my god! Ang cute ni baby!"

Nagkagulo na sa loob ng room ni Lana nang dumating ang nurse kasama si baby Ariana na nasa hospital bassinet. Binuhat siya ng nurse mula do'n at itinabi kay Lana. Kumpleto ang mga pinsan ko. Kahit ang mga lalaki ay nandito. Mabuti na lang talaga at malaki ang room na nakuha ni Kuya. Executive private room talaga ang pinili niya. Para kaming nasa hotel room. Kumpleto na din sa gamit. Mayabang din kasi 'yun si Kuya. Sabi niya he wants the best for his wife and his baby Ariana. Oh well, afford naman niya.

Nandito din 'yun family ni Lana. Ang iba kong mga tito at tita ay nagdatingan na din. Lumabas 'yun iba kong mga pinsan lalaki nang nagdatingan ang iba pang mga bisita na kamag-anak ni Lana. If I know, may pinopormahan lang sila na nurse. Malapit kasi ang room ni Lana sa Nurse Station.

Sa mga magpipinsan ay kaming lima lang mga babae ang nagpaiwan. Nilalaro namin si baby na nakahiga sa bassinet niya. Tulog kasi si Lana. Nagising na siya kanina pero after makakain ay nakatulog na naman. Medyo groggy pa din dahil sa panganganak niya.

Sobrang cute ni baby Ariana. Para na nga kaming mga sira sa kakamakeface para lang tumawa siya pero iyak pa din siya ng iyak.

"Baka gusto niya magdudu." Tumawa pa si Gemma nang sinabi niya 'yun.

"Baka naman may pupu?" Sabi naman ni Paula. Leche talaga 'tong mga pinsan ko.

"I-check mo, zuc. Dapat nag-aaral ka na paano mag-alaga ng baby. Mamaya makabu-" Bago pa matapos ni Jeena ang sasabihin ay natakpan na ni Paula ang bibig niya. Napatingin na lang din kami ni Margareth sa paligid. Loka kasi! Nandito kaya ang parents ni Paula at ang iba pa namin mga tito at tita. Mabuti na lang at nandito kami sa bandang gilid at busy sila sa kung anuman pinag-uusapan nila sa may bandang sofa 'di kalayuan sa amin.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon