Chapter 46

276 13 0
                                    

"Good morning, honey."

Kinusot ko ang mga mata ko nang magising ako. Medyo antok pa ako kaya napapapikit pa ako. Nakangiting mukha agad ni Justin ang bumungad sa'kin. Magkaharap kaming dalawa habang nakahiga pa din sa kama.

"Hon, good morning." Bati ko sa kanya sa mahinang boses. Mababa talaga ang energy ko 'pag bagong gising. "Kanina ka pa gising?"

"Hmm?" Hinawi niya ang ilang strands ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko at inipit 'yun sa tenga ko. "Medyo." Inunan niya uli sa pisngi niya 'yun dalawa niyang kamay at tumitig uli sa'kin. Naiilang tuloy ako sa titig niya.

"Sana ginising mo'ko."

"Nag-e-enjoy ako pagmasdan 'yun mukha mo habang natutulog ka, eh." Tinakpan ko 'yun mga mata niya pero hinawakan niya agad 'yun kamay ko para tanggalin. Tinawanan lang niya ako. "Bakit?"

"'Wag mo'ko tidnan ng ganyan. Naiilang ako!" Binawi ko 'yun kamay ko na hawak niya. "Tama bang panoodin ang tulog?"

"Ang cute mo kaya." Ngumiti siya. "Tapos nagsasalita ka pa. Paulit-ulit mo nga sinasabi 'I love you honey... I love you Justin...'" Pumipikit pa siya habang sinasabi 'yun at niliitan pa niya 'yun boses niya para magtunog babae. Nakakairita.

Sinampal ko siya sa pisngi. Umaray siya pero tumawa lang. "Sinabi ko 'yun talaga? Nagsasalita ako ng tulog?" Tinaasan ko siya ng kilay at iniamba ko uli sa kanya 'yun kamay ko. Ready na isampal sa kanya uli 'pag nagkamali siya ng sagot.

"Grabe! Naninindak ka na naman, hon. Joke lang. Gawa-gawa ko lang." Tumawa uli siya pagkatapos ay itinaas niya 'yun isa niyang kamay. "Pa-hug naman ako, hon."

Nagpigil naman ako ng ngiti. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa gwapong 'to? Sobrang sweet. Umusog ako ng konti palapit sa kanya para mayakap ko siya. Nasa bandang dibdib niya 'yun pisngi ko. Inihawak niya sa likod ko 'yun isang kamay niyang nakataas kanina at siningit sa ilalim ko 'yun isa pa niyang kamay para maiyakap niya din sa akin. Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko. Sobrang sarap talaga sa feeling 'pag niyayakap ako ni Justin. 'Yun feeling na parang sobrang secured ka 'pag siya 'yun kasama mo.

"I love you, hon. Sana palaging ganito. 'Yun tuwing gigising ako sa umaga, ikaw 'yun makikita ko." Ngumiti lang ako at mas lalo kong hinigpitan 'yun yakap ko sa kanya. Hindi na ako nagsalita. "Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Akala ko hanggang tingin na lang ako palagi sa'yo, eh. Ano ba kasing meron sa'yo at hindi ako nakamove on?"

Tumawa ako. "Kasi wala nang mas gaganda at mas se-sexy pa sa'kin."

Humalakhak siya sa sinabi ko. "'Yan tayo, eh. Lakas talaga! Pero sabagay, totoo naman. Pero 'yun totoong rason kasi s'yempre dahil mahal na mahal kita." Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang itinaas 'yun. Napatingala ako para makita ang mga mata niya. Dinampian niya ako ng isang mabilis na halik sa labi. Pagkatapos ay niyakap niya uli ako. "'Wag mo na'ko iiwan ulit, hon, 'ha?"

"Sino ba ang unang nang-iwan? Ako ba?" May konting kirot sa puso ko nang sinabi ko 'yun.

"Sorry." Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay saglit na natahimik. "Hmm.. mas tama bang sabihin ko na 'wag mo na akong pakakawalan? 'Wag mo na akong susukuan, hon. Laban lang." Nadinig ko 'yun mahina niyang tawa pero hindi ako natatawa sa sinabi niya.

"Ipinaglaban kaya kita pero tinaboy mo lang ako. Ikaw nga d'yan ang mabilis ako isuko. Ako ata ang dapat magsabi na 'wag mo na ulit akong iiwan." Yumakap ako nang mahigpit sa kanya. Totoo. Ayoko nang maghiwalay ulit kami. Ayoko na maramdaman ulit 'yun sakit na naramdaman ko dati. Sobrang hirap. Hindi ko na ata kakayanin 'pag naulit uli.

"I'm sorry talaga kung hindi kita pinakinggan no'n. Hindi kita pinaniwalaan. Promise talaga. Mula ngayon ikaw na lang ang paniniwalaan ko. Hindi ko na pakikinggan ang sasabihin ng ibang tao laban sa'yo. Natuto na'ko, hon. Basta mula ngayon. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay."

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon