Chapter 36

255 11 0
                                    

"Honey, explain!" Nagpigil ako ng tawa nang pinakita ko kay Justin ang phone ko pagkasakay ko ng sasakyan niya nang sunduin niya ako sa bahay.

Kunot-noo naman kinuha niya ang phone ko sa kamay ko. Maya-maya'y nagblush na siya at nagpipigil ng ngiti. "Loko ka. Hindi ka nagbubura ng text." Inipit niya pa ang ulo ko sa braso niya at pabiro akong kinutusan.

Natatawang hinampas ko siya sa t'yan niya kaya binitawan na niya ako. Kinuha ko ulit ang phone ko sa kanya.

"Oh well! Ganda ko talaga! Hindi ka makamove on!" Maarteng biro ko sa kanya. Nanggigigil na pinisil ko pa ang baba niya.

Tumawa naman siya. "Yabang mo 'ha? Feelingera ka!"

"Bakit, hon? Hindi ba 'ko maganda?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumingin siya sa'kin at namula. "Maganda." Ngumiti naman ako. "Send to all 'yun. Ano ka ba?" Palusot pa niya. Hindi pa din matanggal ang ngiti sa labi niya. Nahihiya na 'to panigurado sa pambibisto ko. Pinaandar na niya ang sasakyan niya.

"Talaga ba? Kaya pala may pangalan ko." Sinundot ko pa siya sa tagiliran niya. "Yieehh! Honey, ah! Secret admirer pala kita. Ang baduy! Hindi talaga sumagi sa isip ko na ikaw 'yun." Tumawa ulit ako.

"Anong secret admirer ka d'yan? Text lang 'yun. Ambisyosa nito!" Natatawang binaba niya pa ang suot kong cap at iniharang sa mukha ko.

Ipinatong ko na lang sa dashboard ang cap ko at nagtali na lang ako ng buhok. Hindi ko pa din siya tinigilan ng panunukso. "'Di ako ambisyosa, 'no?! Alam ko na, na sa'yo din galing 'yun bouquet at rubber shoes. Dinadaan pa sa guard. Takot ka ba na iabot sa'kin ng diretso?" Sinundot ko siya sa bandang kili-kili niya. Malakas kasi ang kiliti niya do'n.

"Andie, tigilan mo!" Natatawang suway niya sa'kin habang pinipigilan ang kamay ko sa pagkiliti sa kanya. "'Pag tayo nabangga 'ha." Tumigil naman ako. Takot ko lang na maaksidente kami. "Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Denial King!" Pang-aasar ko pa. "Binisto ka kaya sa'kin ni ate guard no'n hinatid mo 'ko dati sa school." Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Napailing naman siya habang pigil pa din sa pagngiti. "Grabe! Ano ba 'yan?! Oo na. Sige na. Sa'kin galing pati 'yun pinadala ko sa bahay n'yo no'n Valentine's. Alam ko naman kasi hindi mo tatanggapin 'pag nalaman mong sa'kin galing."

"Buti alam mo." Pabirong pagtataray ko pa sa kanya. Kinuha ko ang isa niyang kamay at pinisil-pisil ko ang palad niya. "Thank you, hon, sa effort mo no'n kahit wala na tayo. No'n nalaman kong sa'yo pala galing 'yun, kinilig din naman ako." Natatawang pag-amin ko.

Tumingin siya sa akin. "Pinagti-trip-an mo na naman ako 'ha? Kinikilig pero tawa ng tawa? Baliw!" Natatawang hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop niya ang mga daliri namin. "Daan tayo sa bahay mamaya pagkatapos natin magsimba."

"Bakit?"

"Ipapauwi ko uli sa'yo lahat ng binigay ko na sinauli mo sa'kin no'n nagbreak tayo."

Ngumiti ako. "Okay." Sumandal ako sa braso niya habang nagda-drive siya.

*****

Alas sais na ata nang makarating kami sa bahay nila. Do'n kasi kami nagsimba sa malapit sa subdivision namin.

"Andie!" Nagulat ako sa tili ng Mommy ni Justin pagkapasok namin ng bahay nila. Hindi ko alam na nandito pala ang Mommy niya. Tuwang-tuwang sinalubong niya ako at niyakap ng mahigpit.

Sobrang saya ko din na makita siya ulit. Walang pagbabago. Sobrang kenkoy pa din niya. Medyo bata pa din kasi ang Mommy niya. Nasa mid-40's pa lang. Ang ganda pa kaya parang ate lang sila nina Justin. Kung kumilos din akala mo'y bata. Kaya mabilis kaming nagkasundo, eh. Hindi siya nakakailang kasama. Sobrang bait din kasi.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon