Chapter 31

237 9 0
                                    

After ng tournament namin ay hinatid kami lahat sa isang beach resort dito sa Cebu. Kaninang umaga kami dumating. Sobrang ganda. Buong araw namin susulitin ang pamamasyal dahil bukas ng hapon ay flight na namin pabalik ng Manila. Marahil tanghali pa lang ay aalis na kami ng resort papuntang airport. 'Yun ibang school ay tomorrow morning ata ang flight nila. Ang iba naman ay bukas ng tanghali. Pero karamihan ay mamayang gabi na din.

"Girls, two-piece lahat 'ha? Walang aarte. Sayang ang ganda ng beach kung pangit ang swimming attire." Tumatawang sabi pa ni Pamela.

Tulad ng napagkasunduan, lahat kami ay nagsuot nga ng swimsuit. Kaya panay din ang gym ko nang mga nakaraang linggo, eh. Pinaghandaan ko talaga 'to. Madami din akong biniling two-piece bikini nang magshopping kami ng mga pinsan ko nang isusuot namin sa Boracay. Ang tagal ko na din hindi nakapagbeach. Last time na nagbeach kami, last summer vacation pa.

"Hoy, Andie! Ano 'yan?" Suway sa akin ni Jhoe nang makita niya akong pumipili ng cover-ups sa maleta ko.

"Bakit? Mag-island hopping pa 'di ba?" Nilabas ko mula do'n ang beige see-through bikini cover-up at black beach shorts. Ngumisi ako sa kanya bago ko isinuot 'yun.

Nakatingin lamang sa akin ang roommates ko na parang malaking kasalanan ang ginawa ko. Pito kasi kaming magkakasama nina Danica, Marilou, Jhoe, Pamela, Eunice at Mia sa isang family room ng hotel na 'yun

"Sayang naman ang swimsuit mo kung papatungan mo lang. Ang sexy mo kaya, Andie." Medyo disappointed na sabi naman ni Marilou. Sa amin pito kasi ako lang ang nagsuot talaga ng pamatong.

"Oo nga. Sayang abs mo, girl." Sabi naman ni Mia.

"Don't worry, tatanggalin ko naman 'pag nagswimming tayo. T'yaka see-through naman 'to. Duh!" Pabiro ko pa silang inirapan. Tinawanan lang nila ako.

Hindi naman ako conservative. Mahilig nga ako magsuot ng crop tops at shorts pero ibang usapan kasi 'yun bikini. 'Di ko din naman kasi talaga bet 'yun masyadong expose ang katawan ko sa madaming tao kahit nasa beach pa. Feeling ko nakabra't panty lang ako. Kaya 'pag nagsi-swimming lang t'yaka lang talaga ako nagtatanggal ng cover-ups. Kahit mga pinsan ko pa ang kasama ko.

Pagkatapos magbihis ay bumaba na kami. Sa lobby ng hotel na kami nagkita-kita.

Sinipulan pa kami ng boys nang makita kaming papalapit lalo na ang grupo nina Patrick. Naiinis talaga ako sa mga lalaking sumisipol sa babae. Nakakabastos.

"Ang se-sexy naman ng volleyball players namin." May pagkamaniac pa na puri ni Patrick nang makalapit na kami. "Andie, sana 'di ka naglagay ng pamatong tulad nila, oh, para mas kita ang kasexy-han mo." Kumindat pa siya sa akin.

Napangiwi na lang ako bago ko siya irapan. "Shut up!" Kinuha ko ang wayfarer na nakapatong sa ulo ko at sinuot ko na 'yun kahit nasa loob pa kami ng hotel. Naiinis kasi ako sa pagmumukha niya.

Tumawa naman ang teammates ko sa pananabla ko kay Patrick at inasar naman siya ng mga kasama niyang varsity players.

"Tara na." Yaya ni Lester sa amin. Ramdam siguro niyang bwiset na ako.

Silang dalawa ni Banjo ang nagmistulang bodyguards namin. Imbes na sa teammates nila sumama ay sa amin sila palagi nakikibonding. Ibinilin din kasi ako ni Toffee kay Lester.

Mabuti na lang at hindi na sumunod sa amin sina Patrick. Kasama din namin ng teammates ko ang ilan sa mga naging kaibigan namin from other school.

Ang ingay namin habang naglalakad kami sa tabing dagat papunta sa bangkang nirentahan namin. Panay ang picture-an namin.

Nang makarating kami sa bangka ay nagpapicture muna kami sa bangkero bago kami sumakay do'n. Habang pumo-pose kami para sa picture, nakita ko si Justin 'di kalayuan sa amin. Tumigil sila sa paglalakad nang maagaw ang atensyon nila ng kaingayan namin.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon