Chapter 50

234 8 0
                                    

"Next week na pala birthday mo, Toffee? Invited kami?" Napatingin na lang ako kay Marge na ngiting-ngiti habang kinukulit si Toffee.

Nandito kami ngayon sa reception ng binyag ni Yanyan. Two months na siya ngayon. Mas lalo siyang naging cute. Kinuha akong ninang nina Lana. Dapat lang naman dahil magtatampo talaga ako kapag hindi. Nandito din sina Tere. Isa din siya sa kinuhang ninang kaya itong si Justin, hindi na umalis sa tabi ko. Akala naman niya malingat lang siya ng kaunti ay maaagaw na'ko sa kanya ni Tere. Napakaparanoid. Hinayaan ko na lang siya na magpakasweet sa'kin kakaakbay at kakahawak sa kamay ko para lang tumahimik na siya at hindi na din namin pag-awayan pa ang presensya ni Tere.

Nakaupo kami sa iisang table kasama ang apat kong pinsan na babae at sina Toffee at Amboy.

"Saan mo naman nalaman?" Tumawa na lang siya.

"Dito sa Facebook." Pinakita pa niya ang cellphone niya kay Toffee na katabi niya sa upuan. "Punta kami 'ha?"

"Bakit? Hindi naman ako maghahanda." Siraulo talaga 'tong si Toffee. Natawa na lang ako sa kanya.

"Maghahanda 'yan si Toffee. Palagi naman 'yan may handa. Punta kayo, zuc. At ako talaga ang nag-invite?!" Tumawa na lang ako at tumingin kay Toffee na ngumiti na lang sa sinabi ko.

"Hindi nga 'yan nag-invite last year. Grabe!" Kunwari'y nagtatampo pang sabi ni Marge.

"Sige na. Punta kayo pero maliit lang bahay namin, 'ha?" Nahihiya pang sabi niya.

"Ang arte ni Toffee. Balita ko hanggang third floor bahay n'yo." Panunukso pa ni Jeena.

"Mayamanin pala si Toffee." Gatong naman ni Paula.

"Hindi, 'no! Maliit lang nga. Maliit nga kasi ang lupain namin kaya pinagpatong-patong na lang kaya umabot ng third floor." Tumawa uli siya dahil ayaw siya paniwalaan ng mga pinsan ko. "Totoo nga. 'Di ba, Andie?" Tumingin sa akin si Toffee.

Tumango na lang ako at ngumiti. "Maganda bahay nila. Ang cute t'yaka super linis."

Totoo naman ang sinabi ni Toffee. Medyo maliit lang talaga ang bahay nila pero hanggang third floor. Hindi masyado malaki ang living room nila. Halos katabi na no'n ang kitchen at dining area nila at sa bandang likod ang CR. Sa 2nd floor ang room ng parents niya at siya naman ay sa 3rd floor.

"Ang dami mong hanash, vaks! Ikaw naman ang sadya namin. 'Di naman namin inspeksyunin ang bahay n'yo." Tumatawang sabi ni Gemma.

"Oo nga. Ikaw naman ang pupuntahan namin. Ipakilala mo 'ko sa future in-laws ko 'ha?" Tumatawang sabi ni Marge. Baliw talaga 'tong babaeng 'to. Tinawanan na lang din siya ni Toffee.

Umiling na lang ako. Niwala ko na ang atensyon ko sa kanila habang tuloy pa din ang mga pinsan ko sa pangungulit kay Toffee.

"Hon.." Tinapik ko si Justin sa hita niya para makuha ang atensyon niya. Busy kasi siya sa kakatawa habang pinapanood 'yun mga batang nagpapapicture sa photobooth. Halos magpanic kasi sila sa kakapalit ng props para umabot sa timer. Ang babaw talaga ng kaligayahan ni Justin. Natawa na siya sa lagay na 'yun.

Malapit lang ang table namin sa pwesto ng photobooth kaya agaw-pansin din talaga ang mga nagpapakuha do'n. Ang iingay din kasi nila.

Lumingon siya sa akin habang nakapatong pa din ang kamay niya sa balikat ko. "Bakit, hon?"

"Hon, punta tayo sa birthday ni Toffee 'ha?" Paalam ko kay Justin.

"Oo naman. S'yempre. Bestfriend mo kaya si Toffee bakit magpapaalam ka pa?" Tinapik niya ang pisngi ko habang tumatawa.

"Eh, may game ka kasi no'n. Manonood ako. Semis na, eh." Kinuha ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at pinisil-pisil ko na lang ang kamay niya.

"This Friday na ba?" Tumango ako sa kanya. Lumingon siya kay Toffee at tinawag ito. "Toffee, gabi ka maghahanda? Sunod na lang kami ni Andie, 'ha? Okay lang?"

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon