Chapter 26

300 12 0
                                    

Ang sakit pala panoodin na naghahabol ang team mo para makakuha lang ng puntos habang ikaw ay nakaupo lang sa bench. Wala kang maitulong.

Ayan ang nararamdaman ko ngayon. Nasa third set na kami against Raven. Two sets na ang naipanalo nila.

Match point na ang kalaban. Walo ang lamang nila. Pero kahit imposible na makahabol ay hindi pa din kami tumitigil sa pagcheer sa teammates namin na lumalaban para sa Partridge para i-boost pa din ang confidence nila.

"It's okay, girls. It's still a good game. Bawi na lang tayo next time." Nakangiting sabi ni Danica nang matalo kami. May pagpalakpak pa siya habang sinasabi niya 'yun. Effective talaga si Danica na maging team captain namin dahil malaki ang tiwala niya sa team at magaling siya magmotivate.

Nag-agree naman ang lahat. May isa pa kaming game. Sana talaga ay gumaling na agad ang injury ko para makatulong naman ako.

Nasa loob kami ng locker room at nag-aayos ng gamit namin para makaalis na.

"Tara na. Una na tayo sa shuttle, Andie." Yaya sa akin ni Jhoe nang matapos na kami magpalit ng damit. Simpleng t-shirt at shorts na lang ang sinuot ko. Siya ang umaalalay sa akin mula pa kanina dahil hindi ko na pinasama si Toffee dahil 'di naman ako maglalaro. Sabi ko sa kanya'y pumasok na lang siya sa klase namin dahil baka mapagalitan na siya ng prof namin.

"Okay. Wait lang." Inayos ko muna ang pagkakalagay ng uniform sa sling bag ko. Hindi ako nagdala ng sports bag dahil wala naman ako masyadong dala dahil 'di naman ako naglaro. Mahihirapan lang din ako magdala ng mabigat dahil sa crutches ko. Hindi na din ako nagdala ng extra shoes na pampalit para hindi mabigat ang dadalhin ko.

Naglalakad na kami palabas nang bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko si Justin na nag-aabang sa labas ng gym. Nagpatay-malisya na lang ako dahil ayoko naman mag-assume na ako ang inaabangan niya. Pero kahit papaano'y umaasa ako na sana ako nga. Sana ako nga ang hinihintay niya sa labas.

"Uyy Andie! 'Yun prince charming mo nasa labas." Tukso sa akin ni Jhoe at ng iba ko pang teammates na kasabay namin naglalakad palabas.

"Baliw! Anong prince charming ka d'yan? Dito naman kasi 'yan nag-aaral loka!" Suway ko sa kanila.

Matagal na pala nilang alam na naging boyfriend ko si Justin kahit no'n nasa Crossbill pa lang daw ako. Pero never ko inamin sa kanila ang rason kung bakit kami nagbreak. Once lang din naman sila nagtanong kung bakit pero sinabi ko na lang na ayokong pag-usapan kaya never na nila ako kinulit.

"Andie." Natigilan ako sa paglalakad nang bigla akong tinawag ni Justin. Bahagya pa itong lumapit sa akin.

Kinulbit naman ako ni Jhoe sa tagiliran ko kaya nilingon ko siya.

"Andie, una na kami sa shuttle 'ha?" Nakangiti pa ito na parang nanunukso at sumenyas na mauna na sila.

"Ahm, wait! You're Jhoe, right?" Pagpigil sa kanya ni Justin nang humakbang na ito palayo. Nakangiting tumango naman ito kay Justin. "Okay lang pakisabi na ako na lang maghahatid kay Andie sa school n'yo?"

"Huh?!" Napatingin ako kay Justin. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Okay sige. No problem. Ikaw na bahala kay Andie, 'ha?" Nakipagbeso pa si Jhoe sa akin bago siya umalis at hinabol na sa paglalakad ang iba namin teammates.

"Justin? Ano ba 'yun?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong binabalak nito.

"Don't worry. Gusto lang naman kita ihatid para mas komportable ka. Mahirapan ka pa sa pag-akyat sa shuttle n'yo. Malayo pa pinagpark-an n'yo. Sa bungad lang naman naka-park 'yun car ko." Hinawakan niya ako sa braso para alalayan maglakad.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon