Chapter 35

333 7 0
                                    

"Bakit ganyan ka makatingin?" Napapangiti ako pero pinipigilan ko. Kinikilig kasi ako. Si Toffee tinititigan lang ako na 'di ko malaman kung nanunukso ba o ano. Pinanlakihan ko na siya ng mata.

"Paano nangyari 'yun?" Ngumiti din siya. "Parang ang bilis kasi."

"Ewan ko ba. Hindi pa din nga ako makapaniwala hanggang ngayon. Basta, I'm so happy right now, babes. Sobrang sarap sa feeling na inlove ulit." Kinikilig na sabi ko. Hindi ko kasi mapigilan. "Ikwento ko sa'yo some other time."

Nandito kami ngayon sa Chowking. Ito kasi ang unang fastfood na nadaanan namin kaya sabi ko dito na lang kasi gutom na talaga ako. Si Justin ay kasalukuyan naorder pa ng pagkain namin.

"Okay." Nawala bigla ang ngiti sa mga labi niya na parang may iniisip. Natahimik siya bigla.

Kumunot ang noo ko. "Hoy! Bakit?"

"Wala lang." Ngumiti uli siya. "I'm happy for you. 'Yun lang naman gusto ko. Maging masaya ka palagi."

Ngumuso ako. Umalis ako sa upuan ko at tumabi kay Toffee. Yumakap ako sa kanya. "Iniisip mo siguro na baka may magbago sa'tin dalawa 'no?"

"Baliw." Pilit na tawang sabi niya.

Kilala ko na si Toffee. Kahit 'di niya sabihin nararamdaman ko naman. "Babes, ano ka ba? Don't worry. Walang magbabago. Napag-usapan na namin 'yan ni Justin."

"Paano pala 'yun apartment? 'Wag na natin ituloy pagrent?"

Kumalas ako ng yakap sa kanya at tinidnan siya. "Bakit naman?"

"S'yempre. May boyfriend ka na, eh. Tapos tayo lang dalawa do'n, 'di ba?"

Tumawa ako at lumipat na uli sa upuan ko sa harap ni Toffee. "Babes, 'ha? Anong masama ba? Wala naman. Ngayon ka pa nagkamalisya talaga ilang buwan na tayo magkasama do'n."

"S'yempre. Iba na ngayon dahil may boyfriend ka na." Seryosong sabi niya.

"Kung iniisip mo na baka magselos si Justin. Nope. Alam na naman niya 'yun totoo about sa'yo. Sorry 'ha? Sinabi ko na sa kanya kasi sobrang selos na selos siya sa'yo dati. Pero no'n sinabi ko na 'yun totoo. Okay na siya. Panatag na ang lolo mo." Tumawa ako. Binato naman ako ni Toffee nang binilot na resibo na naiwan sa table namin ng unang kumain sa pwesto namin kanina.

"Sorry, natagalan." Biglang sulpot ni Justin at pinatong sa table ang tray na pinaglalagyan ng in-order niya na food para sa amin. Nilapag niya lahat ng pagkain sa table at nilagay sa kabilang table na walang tao ang tray na ginamit niya. Umupo siya sa tabi ko. "Kain na." Pinunasan niya ng tissue ang spoon and fork na gagamitin ko bago inilagay sa plate ko.

"Ang dami, hon. Mauubos ba natin 'yan?" Ang dami kasi talaga.

"Kunwari ka pa, Andie. Kayang-kaya mo naman ubusin 'yan." Tukso sa akin ni Toffee. Tumawa naman si Justin. Alam naman kasi talaga nila kung gaano ako kahilig sa pagkain. Hindi lang talaga ako tumataba. Swerte ko lang.

Pabirong inirapan ko na lang si Toffee. Nagsimula na din kaming kumain.

"Hon, may sasabihin ako sa'yo." Tumingin pa ako kay Toffee. Nagtaas naman ito ng kilay sa'kin.

"Hmm? Ano 'yun?" Tumigil pa sa pagkain si Justin at nilingon ako.

"Si Toffee kasi."

"Hoy!" Sita sa'kin ni Toffee.

Tumawa naman ako pero nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Si Toffee iniisip niya na baka magselos ka sa kanya kasi magkasama kami sa apartment. Mukhang ayaw na niya ituloy ang pagrent dahil sa'yo. Selos ka ba sa kanya, hon?" Inaasar ko lang si Toffee. Alam ko naman kasing hindi nagseselos si Justin.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon