1 - Snatcher

310 4 0
                                    

Hello guys. This is my first story ever. So, kung nagustuhan nyo po, tara usap po tayo. Kung ayaw nyo naman, hayaan nyo na at hahayaan ko din po kayo. Thanks enjoy










"kuya kuya kuya. Ahhhhhh" mangiyak ngiyak kong sigaw sa sobrang sakit ng pagpilipit sa right arm ko ng snatcher

Gigil na gigil na yung isang snatcher kaya sinigawan din ako "bitawan mo, akin na to"

Pumikit ako nung sinigawan ako at pinigilan ko ding huminga dahil sa mukha ko sya mismo sumigaw

Grabeeee. Gusto kong himatayin tapos next year na gigising na parang walang nangyare. Sobrang baho ng bibig nya. Amoy ilog na napabayaan, na ginawa pang cr ng mga residents yung bibig nya. Wohhhhhh

Wala pa ko sa ulirat ng bigla kong naramdaman na may tumama na matigas na bagay sa ulo ko at ang pwet ko nasa lupa na din. Tinulak nila ako

"tara dito" narinig kong sinabi ng snatcher kaya dumilat ako agad, natakot kasi ako baka may iba pa silang gawin sakin

At ayun tumatakbo na sila papalayo kaso bitbit na nung nanigaw sakin yung school bag ko at cellphone kong lenovo

Pero di pa sila nakakalayo

Poinkssss

May sumalubong na motor. Tumumba yung motor pati yung driver, at yung mga snatchers sa kanal napahiga. Yung mga gamit ko, kasama din nilang nalunod. Ewan lang kung mapakinabangan pa nila yung mga gamit ko lalo na yung cellphone ko.

Kawawa naman yung mga gamit ko

Agad naman silang tumayo pati yung naka motor.

Hinihintay ko kung tutulungan ako nung lalaki, pero nabigo ako,  hinayaan nya lang yung mga snatchers hanggang sa nawala na sila ng tuluyan

Nabahuan ata sya at syempre natakot kaya walang ginawa yung lalaki, halata kasi sa mukha nung lalaki. Parang butiki sya na nakadikit sa pader nung nakatayo na sya

Umuubo ubo pa nga yung isang snatcher,  siguro may nainom syang tubig kanal. Ewan nga kung yung kanal yung umalingasaw o bibig nya o baka parehas

Dahan dahan na din akong tumayo. Mejo nahihirapan pa nga ko dahil ang sakit ng kamay ko, ulo at pwet. Daig ko pa yung matandang may rayuma

Hindi pa ko nakakalayo, parang may tumatawag sakin. Hinayaan ko lang dahil ayaw ko ng magtagal sa lugar na to. Kung gusto nilang tumulong dapat kanina pa

Pagdating ko sa kanto, may nakita akong sidecar kaya tinawag ko agad

Nakaupo na ako sa sidecar at magpepedal na yung driver ng biglang may malakas na kumalabog sa likod ng sidecar

Tinakpan ko ang mukha ko at sumiksik sa left side ng sidecar sa gulat ko. Kumalabog din pati puso ko na parang lalabas na sa dibdib ko at nararamdaman kong may bumabagsak na luha nanaman sa pisngi ko

"oyyy gago" sigaw nung driver na parang may plano pang habulin yung nagtrip samen

"kuya kuya. Tara na po" takot na takot na ko kaya nahawakan ko yung short nya

Craaaaaack

Napalakas ata yung hila ko. Pag kabitaw ko sa kanya, nakita ko natastas yung gilid ng shot nya

Nag-init yung buo kong mukha, feeling ko lahat ng dugo ko nasa mukha ko na. Nakita ko yung brief ng driver. Hindi ko alam kung anong kulay talaga nun, kung white pero last year pa huling nilabhan o black na kupas lang o brown o gray. Ewan

Ang laki ng sira sana di nya mapansin hanggang mamaya. Yumuko ako at tinakpan ng mga kamay ko ang mukha ko

Habang bumabyahe saka ako nakakarinig ng mga naguusap. Wow pinanood lang talaga pala ako ng mga nakatira dun

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon