19 - Batangas

44 3 1
                                    

Alex POV

Hindi ko alam kung tama o mali etong ginagawa ko

Dahil si Rodrigo ang matyagang nanliligaw sakin at si Paula, hindi ko alam kung anong relasyon nila ni Princess pero malapit sila ni Princess

Simula ng ipakilala nila Nina at Princess si Paula, parang sasabog na tong puso ko

Ayaw kong ipaalam kay Princess kung anong nararamdaman ko pero ayaw kong magsinungaling pa at lokohin ang sarili ko, dahil ako din ang masasaktan

Ngayon na kayakap ko si Princess, ayaw ko ng kumawala sakanya

Sana kung panaginip lang to, ayaw ko munang gumising

Namimiss ko na kasi yung init ng katawan nya, yung amoy nya at yung boses nya

Dahan dahan lumalayo sakin si Princess, ayaw kong bumitaw pero baka nga napipilitan lang sya sakin

Namiss ko agad yung yakap nya, at bigla uli tumulo ang luha ko kaya yumuko ako

Ilang saglit lang at naramdaman ko uli yung mga kamay ni Princess sa mukha ko at pinunasan nya yung luha ko

Nakatitig sya sakin at ngumiti

"ang cute mo Lex" tapos tumawa sya ng mahina at nagsalita uli "namiss mo agad ako?"

Nahalata nya pala yun. Yumuko ako dahil nararamdaman kong namumula nanaman ang mukha ko

Nakakahiya

"Lex. Tara sama ka sakin, may pupuntahan tayo" bulong sakin ni Princess

Napapikit muna ako dahil biglang may kakaiba akong naramdaman sa katawan ko, parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko kaya tumayo ang mga balahibo ko

Huminga muna ako ng malalim at tumingala uli kay Princess

Nakangiti at naghihintay sa sagot ko si Princess. Napangiti din ako dahil eto ang Princess na namimiss ko

Tumango agad ako, alam ko naman kasing hindi ako sasaktan ni Princess

Hinawakan nya ang kamay ko at tumakbo kame palabas ng bahay nila Barbie

Alam kong mali ang umalis na hindi ko pinapaalam sa bestfriend ko dahil mag-aalala sya. Pero ayaw kong lumayo kay Princess

Gusto kong sulitin ang araw na to dahil sa susunod na mga araw, hindi ko alam kung malalapitan at makakausap ko pa din si Princess

Gamit ang motor ni Princess, nakarating kame ng Batangas

Nagparking kame sa tapat ng isang malaking bahay na halos mansion na sa sobrang laki

"ayos ka lng Lex?" tapos tinulungan nya kong bumaba ng motor nya

"hmmm" umungol lang ako at ngumiti kay Princess

Ngumiti din si Princess tapos pumasok na kame sa loob ng bahay

Mula sa harap ng bahay hanggang sa narating namen ang kabilang dulo ng bahay, naka nganga lang ako at nakadikit kay Princess

Natatakot kasi ako baka makabunggo ako ng mga gamit

Sobrang ganda ng bahay, ang gagara ng mga gamit at ang linis

"woooow" sabi ko tapos bumitaw ako kay Princess at naglakad sa paligid

Kung sa loob ng bahay namamangha na ko, dito sa likod ng bahay naman ay isang paraiso

Green na green yung mga damo, may mga matataas na puno, magagandang bulaklak na nakapalibot sa malaking bahay, at yung lawa parang salamin sa sobrang linaw at kitang kita ko sa ilalim yung mga isda na parang malaking aquarium

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon