Princess POV
"mom. Anong ginawa mo?" sumisigaw na ako sa galit
Pumasok lang si mommy sa loob ng bahay ng din ako pinapansin
"Rose, Princess. Anong nangyayari sainyo?... Princess wag mong sisigawan ang mommy mo" sabay sa pagsasalita si lola and daddy
"ako nanaman? Dad, pinaiyak nya si Alex" sinagot ko si daddy pero kay mommy ako nakatingin
"sino bang Alex yan?" tanong ni daddy
"si Alex yung naghatid sakin? Yung kaybigan nyo Nina?" naguguluhang tanong ni lola. Tumingin sya kay Nina na tumango naman
"opo lola. Nilait ni tita si Alex" tinignan ni mommy si Nina ng masama pero di sya pinansin ng pinsan ko. Maldita talaga to
"Rose. Bat mo..." di natapos ni lola ang sinasabi nya dahil sumingit si mommy
"di pa ba malinaw? Ayaw ko sa Alex na yun" sigaw din sakin ni mommy
"mabait naman si Alex Rose. Nakilala ko sya kani..." umepal uli si mommy
"ma. Pakitang tao lang yun. Alam nyang madami kayong pera kaya mabait sya sainyo. Ambisyosa sya"
"wag mong sasabihan si Alex ng ganyan mom. Hindi mo kilala si Alex. Wala kang karapatan" di ko na matiis ang ugali ni mommy
PAAAK
Napalingon ako sa right side dahil sa pagsampal sakin ni mommy
"Rose" lumapit sakin si lola para hawakan ako sa braso "malaki na pinagbago mo Rose. Nagkapera ka lang, pumakit na ugali..." di uli nakatapos si lola
"lahat nagbabago mama. Tulad netong apo nyo. Nakilala nya lang yung Alex na yun naging bastos na" sinisigawan na din ni mommy pati si lola kaya lumapit si Nina at inakbayan si lola
"oo. Binago ako ni Alex. Dahil kay Alex alam ko na kung sinong dapat igagalang at kung sinong babastusin" sasampalin sana uli ako ni mommy pero inawat sya ni daddy
"Rose" sigaw ni daddy
"magkampihan kayong lahat" sigaw ni mommy at lumabas ng bahay
Umuwi si daddy at mommy ng di ako kasama. Okay lang kesa sa bahay naman kame mag-away
Nag-aalala ako kay Alex. Hindi totoo lahat ng pinagsasabi ni mommy sakanya. Magalit na sya sakin basta wag nya lang paniwalaan si mommy
-
Nabubuang na ko. Two weeks na kong tulala, araw araw akong tumatawag kay Alex, sinusubukan ko din syang puntahan sa bahay nila pero ayaw nya talaga akong kausapin
Dito lang ako kanila lola tumira muna, ayaw kong mag-isa kasi at pinapaiwas ako ni lola kay mommy
"Cess. Cess. Cess" sumisigaw si Nina galing sa baba. Di ako sumasagot dahil tinatamad ako, nakahiga pa din ako sa kama"Princess. Si-si-si Alex pu-ma-sok na" hinihingal sya kaya halos di ko maintindihan
"so?" wala akong gana kunwari para di halatang natuwa ako sa binalita nya
"anong so? Puntahan mo sya. Magsorry ka sa mga sinabi ng mommy mo. And di mo ba sya namimiss?" tumayo sya sa gilid ng kama at nakapamewang
"may magagawa pa ba ko? Ayaw nga kong kausapin eh" dinuro ko sya dahil ang sama ng tingin nya sakin "bumaba ka na dun. Wag mo kong tignan ng ganyan" tumalikod ako at nagtulog tulugan
"ikaw na nga tong tinutulungan. Bahala ka jan. Papasok na lang ako" pahina ng pahina yung boses ni Nina at narinig kong nagsara ang pinto
Tumigil na sa pagmomodel si Nina, nagtrabaho na sa isang shipping lines na pagmamay-ari ng kaybigan ni daddy. Pinag-aapply din nila ako dun pero ayoko dahil ayokong magstay sa isang lugar lang, bukod sa bahay ko. At ayaw ko ng may amo
-
Hinintay ko lang umalis si Nina, night shift sya. Nagbihis na ako agad at umalis ng bahay. Nagmadali akong pumunta sa cafe dahil hindi ko alam anong oras ang out ni Alex kaya kailangan ko syang abutan
Hindi ko makita si Alex kaya pumunta ako sa counter "hello. Si Alex?" ayaw ko ng paligoy ligoy si Alex agad ang hinanap ko
"hi Cess" lumapit sakin ang manager nila at ngumiti "kanina pa sya nagbreak. Nasa likod na sya" kilala na ko dito sa cafe dahil lagi akong dumadalaw
Tumango lang ako at lumabas ng cafe. May daan sila sa loob ng cafe pero pang employee lang ang daanan na yun kaya sa gilid ng labas ako dadaan
Sa likod ang unloading ng delivery ng cafe at trabaho ni Alex ang magrecieve ng mga yun. Sa likod din sila kumakain pag lunch break
Kumulo agad ang dugo ko ng makita ko so Alex na nakikipagtawanan sa lalaking mukhang kambing dahil sa balbas nya
Nasa likod ako ni Alex kaya di nya ko napapansin. Di ko alam sinasabi ng lalaki pero hahayaan ko muna sila. Pero pagnagkamali sya ng kilos, baka balbas na lang ang makilala sakanya
Nagvibrate bigla ang phone ko kaya chineck ko. Nakita ko ang name ni lola kaya nagreply agad ako. Hinahanap nya ko dahil di ako nagpaalam
Nagulat ako dahil biglang tumili si Alex. Nakaakbay na yung lalaki kay Alex at hawak ang phone nya. Nainis ako, wala syang karapatang akbayan si Alex
"hoooy" lumapit agad ako, tinulak ko yung lalaki kaya tumumba sya sabay hinila ko si Alex
Tumayo yung lalaki at pinukol sakin ang phone ni Alex na hawak nya. Tinamaan ako sa paa kaya lalo akong naiinis. Sya na yung nangbastos, matapang pa
Sumugod ako sakanya at pinagsusuntok yung lalaki. Paatras syang sumuntok kaya nawalan ng balance kaya napahiga sya. Nagtake advantage ako, inupuan ko sya sa tyan at pinagsusuntok ko ang mukha. Pinangsasalag nya yung braso nya pero lumulusot ang kumikirot kong kamay
Gusto kong durugin ang mukha nung lalaki kaso may humila sakin palayo. Nang makatayo yung lalaki, nasapak nya pa ako at tumama sa leeg ko yung relo nya
"Princess. Tama na" niyakap ako ni Alex habang umiiyak
"tang-ina ka. Papatayin kita" pananakot ko habang nakayakap ng mahigpit kay Alex
"Princess" nadudurog ang puso ko dahil umiiyak nanaman si Alex
Di na ko kumibo dahil nanginginig na ang katawan ni Alex. Nakita kong hinila na papasok sa loob ng cafe yung lalaki. Di sya makapalag dahil madaming humihila sakanya
"sshh sshh sshh. Gusto mo bang umalis na tayo dito?" baka di na sya makapagtrabaho ng maayos dahil sa nangyari
Umungol at tumango lang si Alex. Naiinis talaga ako dahil ngayon ko na nga lang nakita si Alex, may nangyari pang masama
Iniwan ko muna si Alex at pumasok ako saglit sa loob. Di ko na tinignan yung lalaki dahil wala akong pakelam sakanya. Nagbigay ako ng 5k sa manager para sa gulo at sa pampagamot ng lalaki dahil baka di ako patulugin ng konsensya ko pag lumala ang lagay nun. Pinaalam ko na din si Alex na uuwi at pumayag naman ang manager nya
Sobrang nag-aalala ako kay Alex kaya dinala ko sya sa apartment ko, gusto ko kasing alagaan sya
Pagdating namen sa apartment nakatulog agad sya. Di nya na tinanong kung bakit dito ko sya dinala. Basta bahala na paggising nya

BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...