15 -Princess vs Barbie

37 2 1
                                    

Alex POV

Ahhh. Ayaw akong bitiwan ni Princess, lalong kameng mag-aaway ni Barbie neto pag hindi nya pa din ako binitiwan

Ang sama ng tingin samen ni Barbie

Wala naman akong masabi, hindi ko kasi alam kung anong dapat sabihin

Lumapit samen si Barbie at magsasalita kaso inunahan sya ni Princess

"Gago ka Barbie" nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi ni Princess

"fuck you ka din Princess" sinigawan ni Barbie si Princess

Lalo akong kinakabahan

"Barbara" sinabi ko lang ng mahinahon

Tumingala naman ako kay Princess, may sasabihin sana sya kay Barbie pero tinakpan ko agad ng kamay ko yung bibig ni Princess "Princess. Please" natatakot na ko sa susunod na sasabihin ni Princess eh

Unti unti kong nilayo yung katawan ko kay Princess. Pero masama pa din yung tingin ni Princess kay Barbie

"ahhmm Barbie. Please makinig ka sakin.." bulong ko kay Barbie nung sakanya naman ako nakalapit

"talaga, may sasabihin ka sakin? Ha? O magsisinungaling ka?" biglang sigaw sakin ni Barbie

Nagulat ako sa pag sigaw ni Barbie. Hindi ako makakilos, hindi din ako makapagsalita

"oy Barbie" sigaw ni Princess tapos hinila ni Princess yung bewang ko papunta sa gilid, sya naman ang humarap kay Barbie "hindi purkit sayo tong bahay na to. Gaganyanin mo na lang si Alex"

Agad agad napaiyak ako

Tumabi sakin si Nina at hinimas himas ang likod ko. Ang sikip sikip ng dibdib ko. Never ako sigawan ng ganun ni Barbie

"wala kang pake kung anong gusto kong gawin. Umuwi ka sainyo, gayahin mo ko kung gusto mo" sigaw ni Barbie

"ikaw gagayahin ko? Hindi ako nagpapaiyak ng bestfriend" tapos lumapit sakin si Princess, pinatingala nya ko tapos pinunasan nya yung mga luha ko sa pisngi

Ngumit sakin si Princess tapos humarap uli kay Barbie "napakasama mo"

"sya ang masama. Kayo ang masama" namumula na din yung buong mukha at mata ni Barbie. Alam kong nagpipigil sya ng luha

"bakit? Pinapakelaman ka ba namen? Napaka malas nga ata ni Alex dahil nastock sya sayo" tapos lumapit si Princess uli kay Barbie "kung ituring ka ni Alex, halos kapatid na, tapos ganyan, aawayin mo lang sya, paiiyakin mo lang"

Ayaw kong may umaaway kay Barbie pero tama naman yung mga sinasabi ni Princess

Kainis. Baligtad na

Dati si Barbie yung nagtatanggol sakin at si Princess yung nangbubwisit

"atleast ako hindi sinungaling" sinigawan ni Barbie uli si Princess tapos tumingin si Barbie sakin ng masama

Umiiyak lang ako sa tabi ni Nina

Gusto kong gumitna sakanilang dalawa kaso kahit sarili ko hindi ko mapigilan sa pag-iyak

"hindi kame magkaibigan ni Alex pero alam kong hindi sya sinungaling at alam kong alam mo yan" talagang pinagtatanggol ako ni Princess

First time kong makita si Barbie at Princess na mag-away ng ganito

"kung hindi kayo magkaibigan ni Alex,mag-ano kayo?" yan nanaman yung tanong ni Barbie na hindi ko masagot sagot

"ngayon, magkaibigan na kame ni Alex. Ako na ang bestfriend nya. Dahil ikaw. Gago ka"

Nanlaki yung mata ko, tumingin ako kay Barbie at umiling iling

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon