Alex POV
Working day na, tinatamad pa yung mga katrabaho ko pero ako, alive na alive. Nagtataka yung mga katrabaho ko pero nag-iismile lang ako sakanila
Hanggang ngayon kinikilig pa kasi ako sa date namen ni Princess. Di na ko galit sa dalawang babae dahil pinatunayan sakin ni Princess na sakin sya masaya
Namumula pa ko every time na maalala ko yung halikan namen ni Princess sa arcade. At sa sobrang saya ko dahil may teddy bear ako at nanood kame ng frozen, kiniss ko sya ng walang alinlangan. Di ko alam bat naisip kong halikan sya pero di naman ako nagsisisi, parang gusto ko pa ngang ulitin. Nakakaadik kasi yung labi ni Princess
Wala syang binili, echos nya lang pala yun. Gusto nya lang pala kong kasama
Tapos na ko sa ginagawa ko sa loob ng stock room. Kaya lumabas na ako para magwalis naman. Sa bandang pinto ako mag-uumpisa dahil wala ng tao sa lamesang malapit dun
Kauumpisa ko palang ng bumukas ang pinto. Tumayo ako at binati ang pumasok na customers
"good morni..." di ko natapos ang sinasabi ko dahil si Princess pala yung pumasok. Nag-init nanaman ang mukha ko at humarap kay Princess "bat nandito ka?"
"ahm. Dinadalaw ka" kumindat pa sya sakin kaya yumuko ako sa hiya. Baka kasi may makakita sa mukha kong namunula
"di nga? Princess?" bulong ko
"oo nga. Ayaw mo ba? Sige, iba na lang dadalawin ko" tumingala agad ako at pinalo sya sa balikat. Wala syang dapat dalawin, ako lang "aray. Joke lang, ikaw nga"
"oyy. Si Alex, may bisita uli" sigaw ng isa kong katrabaho kaya naglingunan yung iba ko pang katrabaho at mga customers
Yumuko agad ko at tumapat kay Princess "Cess, may trabaho pa kasi ako" bulong ko
"why? Just, keep working. Im gonna buy something" inangat nya ang ulo ko at ngumiti
"wag kang bibili uli ng take out tapos ipapauwi mo sakin ah" pananakot ko kay Princess. Baka kasi maubos pera nya sakin
"okay" kumindat si Princess sabay iwan sakin na namumula
Bumalik ako sa pagwawalis at pinipilit baliwalain si Princess
Di pa ko tapos sa pagwawalis, niligpit ko na yung gamit ko at nagpaalam ako sa manager ko para magcr. Naaninag ko din si Princess na nakikipagtawanan sa counter
Pumasok ako sa cr ng nagdadabog. Umihi ako at naghugas ng kamay
Sabi nya dinadalaw nya ko pero iniwan nya ko sa pinto tapos nakipagtawanan sya sa iba. Nakakainis
Bumalik na ko sa stock room ng hindi pinapansin si Princess. Bahala sya, maghahanap nalang ako ng gagawin dito
"Alex. Break mo na" biglang sumulpot yung manager ko kaya nanginig ako sa gulat
"yes sir" sumagot ako para umalis na agad yung manager ko
Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at saka ako lumabas ng stock room
Sa likod ng cafe ako kumakain. Tahimik kasi sa likod kahit may mga nakatambak na lumang lamesa at upuan. Pero malinis naman dahil puro pagkain ang tinda namen
Bitbit ko na yung baon kong pritong tilapia, kanin at one liter na tubig. Napahinto ako ng makita ko si Princess na nakaupo sa kinakainan ko
"bat nandito ka?" pagtataka ko. Alam ko kasi masaya syang nakikipagkwentuhan sa loob ng cafe
"sasabayan kitang kumain" nagsmile sya pero di tatalab sakin kahit maganda sya
"dun ka sumabay sa mga kawentuhan mo. Alis jan" lumapit ko para ilapag ang pagkain ko sa lamesa
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomantikMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...