Alex POV
"tapos na kayong kumain?" biglang sulpot ni Princess dito sa kusina
"oo" huminto ako sa pag-aayos ng pinagkainan para makaharap kay Princess
Kailangan kong pansinin si Princess, kesa sila ni Nina ang magpansinan baka magkagulo pa
Pero nangyari na nga ang inaasahan ko dahil tumingin ng masama si Princess kay Nina
"good. So get out Nina" biglang sigaw ni Princess kaya nanginig ako sa gulat "narinig mo ko Nina, labas na"
"Princess" sigaw ko din. Di nya dapat sinasabihan ng ganun si Nina, bisita namen sya
"Pano kung sabihin kong ayoko?" pagsusungit din ni Nina. Nakatayo sya at nakapamewang
"lumabas ka" tinuro pa ni Princess yung pinto
"Princess" pagsasaway ko uli
"paalisin mo yan dito Alex" pagdidiin sakin ni Princess sabay labas ng kusina
Nagbuntong hininga ako. Di ko alam anong nangyayari kay Princess ngayon, dapat matuwa sya dahil andito ang pinsan at bestfriend nya
"sorry Nina" bulong ko
"okay lang Lex. Alis na ko baka pati sayo magalit yung animal kong pinsan"
"mabait naman si Princess noh. May toyo lang ngayon" pagtatanggol ko
"nagseselos kasi sakin" lumapit sakin si Nina tapos humawak sa balikat ko "uwi na ko ha. Ingatan mo sarili mo" bulong nya
Lumabas na ng apartment si Nina at iniwan akong naguguluhan. Di naman nagseselos si Princess dahil pinsan nya si Nina. Wala namang namamagitan samin ni Nina, wala din naman kameng ginagawang masama
Minsan di ko talaga alam kung anong nasa utak ni Princess. Minsan sweet sya, minsan masungit, minsan mabait naman, minsan salbahe. Ano kayang meron sakanya
-
"Princess. Bat binastos mo yung pinsan mo?" sabi ko agad pagpasok ko sa kwarto
Nakahiga si Princess habang busy sa phone nya. Di nya ata ako napansin kaya kinuha ko yung phone
"Alex. Akin na yan" umupo si Princess at nilahad ang kamay para hingin ang phone nya. Pero tinaas ko lang ang kilay ko "Alex, akin na ang phone ko"
"sagutin mo muna ko. Bat binastos mo si Nina? Pinsan mo yun at bestfriend mo"
"ayoko ngang nandito yung gagong yun" tinitigan nya naman ako ng masama
"wala syang ginagawang masama. Di mo dapat sya binabastos, di mo sya dapat minumura" sigaw ko
"mumurahin ko sya hanggat gusto ko Alex. Ayoko sakanya" at umupo ng maayos si Princess
"Princess. Ano ba, andito sya para dumalaw lang. Ano bang nangyayari sayo? Kahapon di ka naman ganyan" pinadyak ko ang isa kong paa dahil sa gigil
"akin na yang phone ko Alex. Tapos lumabas ka na" di nya ko sinagot, nilahad nya lang uli ang kamay nya
Ayaw nyang pag-usapan namen kung anong problema namen. Mas gusto nyang magcellphone, nakakainis dahil mas pinapansin nya yung mga kausap nya sa phone
"anong meron ba dito sa phone mo? Di mo na ko pinapansin, lagi kang nakasubsob sa phone na to"
Lumayo ako pero lumapit naman sakin si Princess at inaagaw yung phone, na panay ang vibrate. Lumalayo lang ako hanggang sa napunta na ako sa pinto
"may tinatago ka ba sakin Princess?" naiirita na ko dahil ang daming texts sa phone
"Alex..." papalapit sya uli sakin pero tinitigan ko sya ng masama at dinuro ko sya, meaning pinahihinto ko sya sa paglapit. Huminto naman si Princess, tapos kung saan saan din sya tumitingin at naglilikot na parang may langgam sa katawan
![](https://img.wattpad.com/cover/69367096-288-k261846.jpg)
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...