Alex POV
"ma, papa, lalabas po ako"
Sabado ngayon, lahat kame nandito sa bahay. Nanonood kame ng movie pero wala akong ganang manood
"san ka pupunta tita? Sama po ako" lumapit sakin si Andrew at hinawakan ang kamay ko
"jan lang, baby. Next time isasama kita, promise" hinawakan ko sya sa pisngi at ngumiti
"umuwi ka bago mag hapunan" ngumiti din ako kay papa at tumango
"ingat ka-bye anak" sabay nagsalita si mama at ate Ashley
"opo" maiksi kong sagot
"pasalubong ate-tita" sumigaw din sila Andew at Andey. Ngumiti lang uli ako sa dalawa at kumaway. Di ko kayang ipromise ang pasalubong dahil one hundred lang ang pera ko
Madalas na ako lumalabas ng bahay. Pumupunta ako kung saan saan para maiba naman ang nakikita ko. At umaasa akong makikita ko si Princess sa labas ng bahay
Sinubukan kong tawagan si Princess pati si Nina at lola Tessie pero palaging out of coverage. Di pa ko nakontento, dalawang beses akong pumunta sa bahay ni lola Tessie pero wala akong naaabutang tao. Ayon sa mga kapitbahay, umalis at di nila alam kung kelan babalik si lola Tessie, wala din daw si Princess dahil hindi naman nila nakikita. Pumunta din ako sa apartment ni Princess, tulad ng bahay ni lola Tessie ay wala ding tao. At huli sa bahay ng mga magulang ni nya. Nakausap ko ang mommy nya pero itinanggi nyang wala syang alam kay Princess
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mommy ni Princess, di ko naman sya mapilit dahil sya ang nanay, at girlfriend lang ako. Napanghihinaan na ko ng loob, may mga ginawa na akong paraan pero wala namang resulta
Hindi ko magawang humingi ng tulong kay Barbie sa paghahanap kay Princess dahil may trabaho sya at boyfriend na kailangan din ng suporta nya
-
Andito ako ngayon sa Luneta, nakaupo sa damuhan at nanonood sa limang babae na mukhang mga high school na nagpapractice ng sayaw
Naalala ko sa kanila nung high school ko, maraming pagkakaiba itong practice na pinapanood ko kesa sa practice namen nila Princess. Saamin walang araw na hindi nag-aaway, mas madami pa yung break kesa sa mismong practice, at may nabuong relasyon
Hindi ko alam anong estado ng grupo nila pero sigurado akong tulad ng saamin ay maganda at magiging masaya sila sa kalalabasan ng sayaw nila
Palubog na ang araw kaya tapos na din ang pamamalagi ko dito. Wala man akong relo at phone, alam ko naman ang oras ng uwi ko
Bago pa ko maglakad ay biglang may malalaking patak ng ulan ang bumaksak. Tumakbo ako papuntang sakayan ng jeep pero masyado pa akong malayo kaya ng bumagsak ng tuluyan ang ulan, sumilong ako sa malaking puno. Mahina na ang bagsak ng ulan sa katawan ko pero mas lumamig naman ang pakiramdam ko dahil sa hangin at basang damit
"miss, payong? 75 lang" may manong na vendor na lumapit saakin at inalok ako ng tinda nya
"ahh. Kuya, wala po bang mas mura?" hindi sapat ang pera ko kaya kailangan ko pa ng iba. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang wallet ko pero wala akong makuha
"merong singkwenta. Sandali, kukunin ko" hindi ako hinintay na sumagot ni manong, tumakbo na lang sya bigla
Di ko magawang habulin si manong masyado syang mabilis. Nakakahiya, di ko mabibili yung binebenta nya dahil nawawala ang pitaka ko
"miss, wala ng tig singkwenta. Ito na lang matibay pa to" humahangos si manong pagbalik saakin at binuksan pa nya ang isang payong. Hindi na naalis ang mga kamay ko sa bulsa, sinusubukan ko pang hanapin ang wallet ko para sana makabili
"kuya, sorry po. Nawawala po kasi yung pitaka ko. Pasensya na po" hindi ako makatingin kay manong dahil sa hiya
"miss naman. Tumakbo pa ko dun tapos di ka bibili. Napagod ako miss" umatras ako dahil natatakot ako sa manong, tumataas na ang boses nya
"sorry po. Bibili po ako pero nawawala po yung pitaka ko talaga" pinipilit ko yung manong para maniwala sya sakin pero lalo lang syang nagalit
"edi dapat di mo na ko pinakuha dun, ang layo nun miss, umuulan pa"
"sinabi ba nyang kumuha ka?" bumagal ang mundo ko sa narinig kong boses. Dahan dahan akong lumingon para iklaro ang hinala ko. Nanlaki ang mata ko at hindi na ako makakilos ng makita ko si Princess
Parang kristal ang ulan na pumapatak sa makinis nyang balat at nagniningning naman ang mga mata nya dahil sa liwanag na nanggagaling sa bwan
"Nagtanong sya, kaya nga kinuha.." sumisigaw uli si manong pero bago nya matapos ang sasabihin nya, tinulak sya bigla ni Princess. Tumumba sa basang damuhan si manong kasama ng mga tinda nyang payong
"Princess" Hinila ko si Princess bago pa makabangon si manong. Nakakatakot, dahil sakin mag-aaway sila sa harap ko. At nakakahiya sa manong dahil nagtitinda lang naman sya
"gago ka!" tumayo si manong at di nya dinampot ang mga paninda nya pero umatras naman sya na parang naghihintay sa pagsugod ni Princess. Mas malaki si Princess at payat pa si manong kaya siguro hindi sya makaganti
"ikaw ang gago. Ito para tumahimik ka..." hinubad ni Princess ang soot nyang relo at hinagis kay manong, na syang sinalo naman "...g-shock yan unggoy. Kung duda kang peke yan, tandaan mo mukha ko manong, singilin mo uli ako" Kinuha ni Princess yung bukas na payong na tinda ni manong at inakbayan ako palayo. Palagay ko magaling na ang sugat nya dahil nagawa nya pang makapanakit ng iba
Hindi ko alam anong dapat kong maramdaman. Kung matutuwa ako o kikiligin dahil nakita ko na si Princess at pinagtanggol ako sa galit na vendor
O malulungkot dahil nag-away sila at nasaktan yung manong dahil saakin. Nakakaawa si manong baka napilayan sya
-
Sorry guys if my story is boring. I just tried to share what I had in mindI will try to update regularly. I also made another story para maiba naman and para malibang ako sa iba pang bagay
Hindi ako dinadalaw ng maaga ni antok, nabubuang na talaga ako, promise. Ano po bang dapat gawin para makatulog agad? Lagi kong kasama si insomnia eh
It started when my favorite cousin died last month. I don't blame her, I just miss her maybe too much
Thanks po sa suporta guys. Sobrang naappreciate ko kayo
Thanks po uli
![](https://img.wattpad.com/cover/69367096-288-k261846.jpg)
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...