Alex POV
Bago magtanghalian, umakyat dito sa kwarto si mama at ate Ashley. Nung una tahimik lang akong nakikinig sakanila, puro pangangaral kasi sinasabi nila sakin. Pero ng sabihin nilang sinaksak ni Princess ang sarili nya habang nagmamakaawa sakanila, feeling ko nasaksak din ako sa puso. Parang huminto sa pagtibok ang puso ko ng malaman kong nasaktan si Princess
hindi makatingin sakin si mama, sobrang guilty sya sa nangyari kay Princess. Di ko alam kung dapat kong sisihin ang magulang ko, lumuhod na kasi si Princess sa harap nila, umiyak para magmakaawa pero di man lang sila naawa. kaso si Princess naman ang nagsaksak sa sarili nya. Naiinis ako sa sarili ko, hinayaan kong umabot pa sa ganito kame
Si papa at kuya Gino ang naghatid kay Princess sa hospital, gabi na pero di pa sila umuuwi Hindi din ako pinayagang pumunta sa hospital nila mama, bukas na lang daw pag-uwi nila papa kaya dapat daw magpahinga muna ako
Pero hindi ko kayang maghintay dito sa bahay, nag-aalala ko kay Princess. Gusto ko syang alagaan, gusto kong ipaalam sakanya na hindi ko sya iiwan, gusto kong iparamdam sakanya na mahal na mahal ko sya
Habang naghihintay ako, parang unti unti din akong namamatay. Pagod na ang boses ko dahil wala ng tunog pagnagsasalita ako, pero ang mata ko panay padin ang pag-iyak
"Lex" biglang sumulpot si Barbie sa kwarto ko
Nung nakaraan naka formal sya na parang may meeting na aatenan pero ngayon nakapambahay na short at tshirt lang. Nakikita ko ding malungkot ang mukha nya
Di ko alam kung bakit nandito sya pero sana di nya na ko awayin, sana magbati na kame
"sorry Lex. Dahil sakin malungkot ka ngayon, di ka daw kumakain ng maayos..."
Di nya natapos ang sinasabi nya dahil bigla ko syang niyakap at mas lumakas ang iyak ko. Sobrang namiss ko ang bestfriend ko. Para kong bata na nakahanap ng kakampi, di na din ako makapag-isip ng maayos
Masaya ako dahil bumalik na ang bestfriend ko pero malungkot ako dahil ang girlfriend ko naman ang nawala. Di ko alam anong nangyayari sakanya, kung okay na ba sya, kung gasgas lang yung sugat nya. Gusto kong mag-isip ng mabababaw lang para pagaangin ang pakiramdam ko. Durog na durog talaga ang puso, nanghihina ako dahil nasa kapahamakan ang girlfriend ko
"Barbie, tulungan mo ko" halos di ko maintindihan ang sinasabi ko dahil sa hagulgol ng iyak ko
"ha? Ano sabi mo?" pati din pala si Barbie di nagets
Humiwalay ako kay Barbie pero nakahawak pa din ako sa kamay nya. Nakatingin ako sa mga mata nyang nagtataka
"tu-tulu-ngan mo ko" dahan dahan ako nagsalita para maintindihan na ako kahit papano
"tulungan?" tumango agad ako "san? Bakit?" halatang natataranta si Barbie. Mas humigpit din ang pagkakahawak nya sa kamay ko
Di pa ko nakakasagot pero napaiyak nanaman ako. Nasasaktan ako tuwing naalala ko ang nangyayari kay Princess. Sana tulungan ako ni Barbie kahit may galit pa sya kay Princess, kahit hindi sya payag sa relasyon namen
"sa hos-hospital. Kay Pincess" nagkabulol bulol na ko pero naintindihan naman ata ako ni Barbie. nanlaki pa ang mata nya at lumuwag ang pagkakahawak sakin
Yumakap uli ako sa bestfriend ko. Nawawalan na ako ng pag-asa, kaylangan ko ng tulong ni Barbie dahil di ko na kayang kumilos at mag-isip. Parang gusto ko na ding magsaksak tulad ng ginawa ni Princess para magkasama na kame sa hospital
"gusto kong makita si Princess. Baka napano na sya. Barbie please, tulungan mo ko. Si Princess"
Halos kargahin na ko ni Barbie dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko. Di naman sya nagrereklamo, hinahaplos nya lang ang likod at ulo ko. Dati paghinahaplos ang ulo ko, aantukin ako pero ngayon gising na gising ako. Makakatulog lang ako kung makikita kong okay na si Princess
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomantizmMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...