40 Pagapangin si Ana

24 2 0
                                        

Alex POV

5am pa lang nagising na ko, siguradong di na ko makakatulog kaya dumeretso na ko sa kusina

Halos di kame nag-usap ni Princess dahil maya maya nag-aaway kame. Pero pagdating sa kainan, magkasundo kame. Di pa pwedeng ikilos ni Princess ang kamay nya kaya ginabayan nya na lang ako sa pagluluto ng adobo. Masarap naman ang kinalabasan kaya naparami ang kain ko

Ngayon nagluto ako ng pritong itlog at hotdog, puro prito lang ang alam kong iluto eh. Nagtimpla din ako ng kape at chocolate para sameng dalawa

"Alex?" biglang sulpot ni Princess. Nagulat ako sa sigaw nya kaya nabuhos ko sa sarili ko ang chocolate ko

Aaaaaaahh
Napatili ako sa init. Inangat ko yung damit kong mainit para mabawasan ang sakit sa tyan ko

"Alex" lumapit sakin si Princess, dinikit nya sa tyan ko yung pouch ng yelo at hinihipan nya pa

Hinayaan ko lang si Princess sa gingawa nya, nawawala kasi yung sakit kahit papano. Nakatayo lang ako at nakasandal sa lamesa, naiiyak ako sa sakit. Nakaluhod naman si Princess sa harap ko

Habang hawak ni Princess yung yelo, hinawakan din ako ni Princess sa bewang. Napakagat labi ako dahil nakukuryente ako sa kamay nya. Para kong kinikilig

Ehem ehem
May umubo sa pinto kaya lumingon kame ni Princess. Yung babaeng maganda na nakita kong kasama nila Princess sa restaurant

"whats happening here?" ang sama ng tingin sakin ng babae. Tumingin ako kay Princess, ang awkward pala ng posisyon namen ni Princess kaya nagagalit tong babae. Tumayo ako ng maayos at lumayo kay Princess "why shes here?" at nagpamewang yung babae

Di ko gustong marinig kung anong pinag-uusapan nila kaya iniwan ko sila at pumasok ako sa kwarto ni Princess

Nagagalit sya sakin, syang nga yung epal. Namiss ko tuloy yung kamay ni Princess

Bumalik yung sakit ng tyan ko kaya pumasok ako sa cr. Naririnig ko sila sa sofa pero di ko alam ang pinag-uusapan nila. Naiiyak ako hindi dahil sa tyan ko, kundi sa babae na ako dapat ang kausap ni Princess

Hindi ko kayang magstay dito habang may ibang babae si Princess. Sa dalawang tanong ng babae, di ko alam anong isasagot ko kaya iniwan ko sila

Naligo na lang ako para kumalma pero di nawala ang sakit sa puso ko. Wala na sa sala yung dalawa, buti na lang dahil lumabas ako ng nakatowel lang. Nilagyan ko din ng toothpaste yung namunula kong tyan

Laging damit ni Princess ang suot ko. Buti na lang nalabhan ko yung umiform ko kaya pupunta na lang ako sa cafe para magfile ng leave. At para di ako makagawa ng pagsisisihan ko

Masyado pang maaga kaya dumaan muna ako sa bahay namen. Kinausap pala ni lola ang parents ko, di ko alam sinabi ni lola basta mag-ingat daw ako sabi ng parents ko

Namiss ko ang luto ni mama pero wala akong gana kaya konti lang nakain ko. Nanood lang kame ng tv maghapon, di ko namalayan na hapon na pala

Pupunta sana ako kanila lola Tessie para magpasalamat pero natatakot ako baka nandun ang mommy ni Princess. Kaya sa cafe na agad ako pumunta. Nagfile ako ng leave at di ko alam hanggang kelan, pumayag naman ang manager ko

Okay na daw yung pahinante na nangbastos sakin kaya wag daw ako mag-alala. First time ko syang makita, comedy sya pero bastos pala

Naglakad lang ako pauwi sa aprtment ni Princess kaya inabot ako ng 7pm. Wala silang dalawa sa apartment kaya lalo akong nainis. Di ko alam kung san sila nagpunta, wala ding text si Princess

Nagising ako sa kalabog ng pinto. Nakatulog na ko kakahintay kay Princess. Umupo ako sa sofa, bumungad si Princess at yung babae na lasing na lasing

"hello girl" sabi nung babae. Tinitigan ko lang silang dalawa. Di ako ata napansin ni Princess basta dumeretso sila sa kwarto

"hey Alex" kasama din pala nila si Nina. Di ako sumagot, pinilit kong ngumiti at yumuko

Nalulungkot ako dahil maghapon na silang magkasama nung babae, binabalewala na ko ni Princess. Sila pa siguro nung babae, parang extra lang ako

"ngiti na ba yan?" umupo na din sa tabi ko si Nina "bakit Alex? Anong problema?"

Umiling lang ako. Ang problema ay ako, wala akong panama sa babae na yun. Mas maganda yun sakin, mas mayaman, mas may class. Naiiyak na ko dahil sa sakit

"Alex. Tahan na" mas lumapit sakin si Nina at niyakap ako. Naamoy ko na ang naghalong alak at pabango sa damit ni Nina "anong problema?" bulong nya

Sumobsob ako sa dibdib ni Nina. Gusto ko, ako ang mag-alaga kay Princess, gusto ko ako ang katabi nya sa kama

"dahil ba kay Princess kaya ka umiiyak?" tumango lang ako "dahil sa babaeng kasama namen?" lumayo na ko kay Nina at tumango uli

"Alex. Hindi, ahm walang relasyon si Princess at si Ana. Alam mo namang maganda ang lahi namen kaya kahit sino nagkakagusto samen ni Cess" narinig kong natawa pa si Nina pero ako tahimik lang. Ana pala pangalan nun

"tumawa ka naman" tumingin ako saglit kay Nina para ngumiti tapos yumuko uli ako pero di na ko umiyak "okay serious na. Ayaw ko din dun kay Ana kaya gumawa ka ng paraan para maagaw mo si Princess" lumingon ako sakanya at kumunot ang noo

"aagawin ko? Wala akong aagawin dahil akin lang si Princess" nilakihan ko pa ng mata si Nina

"yooon. Ganyan dapat" tumayo si Nina at pumalakpak "pero wag ka sakin magalit, dun kay Ana" umupo uli sya sabay turo sa kwarto

"gusto mo bang lumabas sya dito sa apartment ng gumagapang?" lumaki ang mata ni Nina sa tanong ko

"talaga? Gagawin mo yan sakanya? Sige nga" ngumiti sya sakin at tumayo

"di ako, ikaw ang gagawa. Nakita mong laki nun eh" sumandal ako sa sofa at ngumiti din kay Nina

"loko ka. Kala ko ikaw gagawa" umupo uli si Nina habang tumatawa "pero sige, kaya ko syang pagapangin. San mo ba gusto, dito or sa kwarto. Manood ka ha, pagagapangin ko sa sarap yun. Yung sarap na di nya makakalimutan. Ipapakita ko sainyo ang luto ng langit. Titirik ang mata..." kahalayan na ata yung sinasabi nya kaya sumingit ako

"bastos na ng sinasabi mo" pinagtawanan lang ako ni Nina pero ngumiti lang ako "bat parang di ka lasing?" pag-iiba ko sa usapan

"magaling ako eh" seryoso yung mukha nya pero ako naman ang natawa

"ano nga?" pinalo ko sya sa braso dahil di nya ko sinasagot ng maayos

"aray ahh" pero nakangiti pa din sya "wala kong gana kasi kasama si Ana. Ayaw ko nga sakanya diba?"

Yumakap ako kay Nina. Natutuwa ako dahil pinagaan ni Nina ang pakiramdam ko. Masarap din palang kasam si Nina kaya di ako nairita sa mga jokes nya

Di ko pinauwi si Nina dahil gabi na at gusto kong kasama sya ngayon. Buti na lang, malaki yung sofa, kasya kameng dalawa ni Nina. Baligtaran kame, nasa tapat ng mukha ko ang mahabang legs ni Nina, katapat nya naman ang paa ko

Komportable akong katabi si Nina parang katabi ko din si Barbie. Sana pag-uwi ni Barbie, miss nya din ako

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon