24 - Bango Talaga

25 2 0
                                    

Princess POV

"congrats anak... Proud kame sayo anak" sabi ni mommy at daddy ko sa kabilang line

"hmmm. So, are you coming?" tanong ko sa parents ko

"yes baby. Thats your special day" sagot ni mommy

Napangiti ako sa saya. Kasi Once every 2months ko na lang nakikita ang parents ko dahil sa trabaho nila sa Saudi. At buti na lang di nila kinakalimutan na may nag-iisa pala silang anak

Kinuha ko na yung susi ng motor ko, wallet at cellpone

"aalis ka Cess?" si daddy naman ang nagtanong habang palabas ako ng pinto "may narinig ako"

"yes dad. Sa mall" tumayo muna ako sa gilit ng motor. Hinihintay ko na lang matapos itong usapan namen

"mukhang busy ka na. Mag-ingat ka ha, drive safe" pagpapaalala sakin ni daddy

"Princess, please lang umiwas ka sa gulo. Umuwi ka ng maaga..." ahh yan nanaman si mommy. Minsan oa

"okay ma. Babye guys" sumingit ako agad at tinapos na ang usapan namen dahil baka humaba ang sermon ni mommy

Inayos ko lang ang black leather jacket ko, nagsoot ng helmet at umalis na

Minsan namimiss ko ang parents ko, madalas naiirita ako sa dami nilang paalala. Lalo na nung nagstart akong magcollege

Di ko alam kung anong gagawin ko after kong grumaduate ng high school, kaya suggest ni mommy na mag-aral ako ng management sa Saudi

After kong grumaduate ng highschool, sumama ako sa parents ko sa Saudi, nag-aral ako ng B.S Management. Dahil naninibago pa ako sa lugar, first week ng klase ay di ako pumasok. After nga nun, madalas akong nagka-cuting classes

Nagalit sakin si mommy dahil sa di ko pag seseryoso sa pag-aaral kaya may times na nagsisigawan kameng dalawa

Para di maging pariwarang anak kaya sumubok pa ako ng I.T. na suggest ni daddy at lola. 1month palang ang klase, napaaway naman ako sa isa kong kaklase. Mapupunta daw ako sa impyerno dahil tomboy ako at binasted ko sya ng magtangkang idate ako. Kaya sinuntok ko sya sa mata para makita nya ang impyernong sinasabi nya

Malaki ang binayad nila mommy at daddy sa family ng classmate ko para di ako makulong. Dahil sa nangyari, hindi na ako kinakausap ng parents ko, di na kame sabay kumain dahil pagod na daw sila sa ugali ko

Kaya nagdecide ako na umuwi sa Philippines at sinubukang magtyaga ng isang course uli. Wala akong pakialam sa mga magulang ko pero ng magalit na si lola ay nagsikap ako dahil hindi ko kayang tiisin ang lola ko

At eto ilang araw na lang makakahinga na ako sa course na Automotive. Ito lang ang nagustuhan ko para advantage na din para sakin

"sawakas dumating din ang panauhing pandangal" tumayo at pumalakpak si Nina pagpasok ko ng resto

"nakakahiya ka. Umayos ka nga" matamlay kong sabi at umupo sa tapat ni Nina

"yan dapat lang mahiya ka sakin" nakangisi pa at uminom ng tubig

"Gago, bilisan mo nang kumain" paninigaw ko ng mahina at kumain na din ng pizza

Tinitignan ko ng masama si Nina every time na magsasalita sya. Dapat namen ubusin itong lahat na inorder ni Nina at makabili na kame ng kailangan nya para matapos na

"nakasalubong ko pala sila Rose" biglang sabi ni Nina habang namimili kame ng bibilhing cellphone para sakanya

"okay" sagot ko lang. Ayaw ko ng mahabang usapan kaya wala kong gana. Gusto ko ng umuwi sa bago kong apartment at uminom

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon