35 Resto

19 2 0
                                    

Alex POV

"sir. Out na po ko" pumunta ako sa counter at nagpaalam, bitbit ko na ang backpack ko "bye guys"

"bye... Ingat" sagot naman nila sakin

"lets go?" tumango ako kay Barbie. Tumayo sya at kumapit ako sa braso nya

Nine to six ang duty ko na ngayon. Nagbago na kasi ang oras ng delivery kaya kailangan kong sabayan ng oras. Di ako nag-oover time dahil ayaw ng family ko. Pagod na daw kasi ako sa trabaho pati sa byahe kaya wag ko daw abusuhin ang katawan ko

Naggogrocery lang ako pag gusto ko pero palagi kong binibigyan ng allowance ang kapatid ko para may pambili sya sa mga projects nya. College na si Andrey kaya magastos na sya

Minimum rate lang ang sahod ko kaya di ganun kalaki ang pera ko. Si Andrey at ang sarili ko lang ang ginagastusan ko kaya may naiipon pa ko

"nice. Nakasama ka din sakin" sabi ni Barbie habang naglalakad kame papasok sa loob ng mall

"sorry. May trabaho kasi ako. At lagi mo namang kasama si Ego eh" pangangatwiran ko

"oo nga. Minsan gusto kong maging single uli. Gusto kong kasama ang bestfriend ko uli" nagsmile sya, huminto kame at niyakap pa ako

"teka. Parang may-iba sayo?" parang di kasi masaya yung mga mata nya

Umakbay na sya sakin at naglakad na uli kame "sakin? Ano yun? Mas gumanda ba ko?" at pinilit nyang ngumiti

"hindi. Ang pangit mo. Ang hagard mo" tinanggal nya yung braso nya sa balikat ko, naging seryoso pa ang mukha nya "Barbie? May problema ba?"

Di sya lumingon sakin at huminga sya ng malalim. Nag-aalala ako sa bestfriend ko kaya pinigilan ko syang maglakad, tumingala ako at tinignan sya sa mata

"Barbie?" bumulong lang ako. Baka kasi mas lalong lumala ang lungkot nya pag may nakarinig samen "sa family mo ba?" di sya sumagot kaya pinagpatuloy ko lang "kay Ego?" at tumango sya

Huminga sya uli ng malalim "tara dito muna tayo" tinuro nya ang resto na malapit samen. Tumango naman ako sabay yakap kay Barbie

Susundin ko muna lahat ng gusto ng bestfriend ko para maramdaman nyang karamay nya ako dahil nasasaktan din ako pagmalungkot ang bestfriend ko

"kumain ka Barbie. Wag mong paglaruan" nakailang subo na kasi ako pero si Barbie halos lasoglasog na yung sugpo sakanya

"ahm sorry" sumubo na si Barbie pero ang bagal nyang kumain

"Barbie" lumingon sya sakin at pinilit ngumiti. Lumapit na ko sakanya at hinawakan ko ng dalawang kamay ang kamay nya "Barbie. Pwede mo na bang sabihin kung anong nangyari?"

"Alex kasi" huminga ng malalim si Barbie habang nakatingin sa mga kamay namen "magkakatrabaho na ko sa kaybigan ni daddy. Sa Singapore" nanlaki ang mata ko. Lalayo sya

Uminom muna sya ng tubig bago magsalita "ayaw pumayag ni Ego. Maghanap na lang daw ako ng ibang trabaho dito" pahina ng pahina yung boses nya pero narinig ko pa din

"malulungkot talaga sya" tumango naman si Barbie "edi sumama na lang sayo si Ego. Dun din sya magtrabaho" nagsmile ako sakanya

"sinabi ko na din yan. But, his candidate for manager sa hotel na pinagtatrabahuan nya kaya ayaw nyang iwan" yumuko sya para takpan ang mata nyang lumuluha "he love his job than me"

Mas lumapit pa ko sa best friend ko at niyakap sya sa gilid "hindi yan totoo"

"yes Alex. I dont want left him also. But this is what i want. What about me?" lumingon na samen yung ibang tao dahil sa lakas na boses ni Barbie pero wala akong pake sakanila. Ang best friend ko ang iintindihin ko

"Barbie, makinig ka" mas hinigpitan ko naman ang hawak sa kamay ni Barbie "kausapin mo uli si Ego. Ipaliwanag mo sakanya kung bakit mo gusto sa Singapore. Alam ko naman na di ka magpipilit kung di mo talaga gusto yung ginagawa mo. At masaya na din si Ego sa trabaho nya kaya di sya makakasama sayo. Di lang kayo nagkaintindihan kaya nagkaron kayon ng problema"

"bahala sya. Im going to Sangapore, whatever happens. Masaya naman pala sya sa trabaho nya" pagalit nyang sabi at umupo sya ng maayos

"Barbara. Wag ka ngang magdesisyon paggalit ka, pagsisisihan mo yan. Basta magpahinga ka muna, magpalamig ka, saka mo kausapin ni Rodrigo. Andito lang ako Barbie, susuportanhan kita kahit anong desisyon mo" di nya ko pinapansin pero alam kong nakikinig sya

"at syempre mamimiss kita" yumuko ako dahil tumulo na ang luha ko "parehas kayong friend ko ni Ego. Masakit sakin pagnag-aaway kayo. Tapos aalis ka pa, edi sa phone na lang kita makikita" di lang si Ego ang dapat nyang isipin. Ako din dapat

"Alex" yumakap na din sakin si Barbie "sorry"

Di ako sumagot dahil nalulungkot talaga ako. Di dapat ako nagdadrama kaso di ko mapigilan dahil iiwan nya na kame

"Alex. Sige susundin kita. Sasabihin ko sayo lahat ng pag-uusapan namen ha" inangat nya pa ang mukha ko para punasan ang luha. Tumango naman ako

Nagtagal pa kame ni Barbie sa resto. Di na muna namen pinag-usapan yung problema nya. Nagkamustahan na lang kame dahil minsan na lang kame magkita

"hi Barbie" biglang sulpot naman ng ale at nakipagneso kay Barbie

"hello mrs..." pinahinto agad si Barbie ng kausap nya

"no. Rose, call me Rose" ngumiti si Barbie at nagkamayan naman sila. Napansin nya na ata ako kaya lumingon sya sakin. Nanlaki ang mata ko dahil sya ang mommy ni Princess "ahm. Miss, parang naalala kita"

"ahh sa ano po. Sa..." nanginginig ako sa takot. Di pa ko tapos magsalita dahil sumingit uli sya

"ahhh. I know. Ahm Princess, shes the girl when..." di ko na naintindihan yung sinasabi ng mommy ni Princess. Dahil mas malakas ang tibok ng puso ko ng magkatitigan kame ni Princess

Kasama nya pati ang daddy nya at may magandang babae na nakapulupot sa braso nya. Humawak pa yung babae sa pisngi ni Princess. Nadudurog ang puso ko sa nakikita ko

Sabi nya aalis sya ngayon kasama ang parents nya. Pero bat sya nagsinungaling, bat may nakayakap sakanyang babae

Tulala lang si Princess, hinahayaan nya lang yumakap yung babae kahit nasa harap nya ko

Di ko alam kung anong nangyayari basta hinihila na ko ni Barbie papunta sa kotse nya

Pagsakay namen, humagulgol na ko ng tuluyan. Ang sakit sakit sa puso. Makikita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba at malaya silang gawin ang gusto nila pero ako patago lagi

Sa mga ginagawang kasweetan ni Princess, mas mapahulog ako sakanya. Kaso may iba pa pala syang pinapakitaan ng kasweetan

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon