32 Arcade

27 2 0
                                    

Alex POV

Sa telepono may tumatawag
Ang telepono, sagutin natin
Sa telepono may tumatawag
May humihingi ng tulong
May humihingi ng tulong

Nagising ako sa ingay ng phone ko. Inaatok pa ako kaya nagtalukbong lang ako ng kumot. Off ko ngayon kaya ang pinakamahalaga kong ginagawa ay ang matulog

Kaso di nya talaga ko patutulugin. Paulit-ulit lang ang wonderpets. Pinipilit kong kumilos, sinagot ko yung call ng hindi tumitingin sa screen, nakapikit pa kasi ako

"hello gorgeous" napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Princess

"hi Precious" natawa ako ng mahina dahil umungol si Princess sa tinawag ko sakanya "wag mo kong tawagin ng ganyan. Di naman totoo" nagrereklamo ako pero nakangiti pa din. Kinikilig kasi ako pagpinupuri ako ni Princess

"stop calling me Precious muna" utos nya. Natatawa ako pero pumayag na din

"sige sige hindi na, Princess" ang ganda ng gumising sakin kaya nasa mood ako para makipagbiruan

"Alexandra" lumakas ang boses nya pero tuloy lang ako sa pagtawa

"joke lang. Cess, Cess ang itatawag ko sayo" napalingon ako sa alarmclock ko, huminga ako ng malalim dahil maaga pa pala "bat ang aga mong nagising? 6am palang ohh" umupo ako ng maayos. Di na ata ako makakatulog, lalo nat maganda ang pampagising ko ngayon

"maaga akong nagising eh and diba maaga ka ding nagigising? Nagising ba kita?" humina ang boses nya at may naririnig ako na parang babasagin

"okay lang" babangon na lang ako baka kasi malungkot si Princess kung hindi "ikaw, anong ginagawa mo ngayon?" mas lumalakas kasi yung ingay

"nagluluto ako ng bacons, eggs and sopas. Breakfast namen ng parants ko" napangiti ako dahil ang sweet ni Princess sa parents nya. Namiss ko tuloy luto nya, isang beses nya palang ako pinaglutuan nung nasa batangas kame

"naks. Master chef. Anong meron?" nagbibiro lang ako pero natutuwa talaga ako dahil gumagawa sya ng paraan para matuwa sakanya yung mommy nya

"kailangan talaga may ocations? Di ba pwedeng mabuti talaga akong anak?" seryoso ang boses ni Princess pero alam kong nakangiti sya

"ohh. Sorry naman. Mabuting anak ka pala" humawak pa ako sa dibdib ko na parang nasa harap ko si Princess

"mabuti na ko ngayon dahil may angel akong nakausap na wag ko daw aawayin ang nanay ko. Ang nanay ko na kamukha kong maganda" tumawa pa ng mahina si Princess

Yumoko ako dahil mainit nanaman ang mukha ko. Nahihiya ako kahit sya naman yung pinuri ko

"good morning Cess" boses ata yun ng daddy nya. Kailangan ko ng umexit dahil kakain na sila

"ahh Cess babye na. Kain na kayo, kakain na din ako" tumayo na ako at nag-unat

"ganon ba. Sige" magsasalita na ko pero sumingit sya bigla "ahm. May pupuntahan ka ba ngayon? Ayain. Ahm samahan mo pala ko sa mall may bibilhin lang ako. Ahm gusto kong makita mo din para maganda yung mabibili ko. Pwede ba?" nanginginig pa ata yung boses nya, magpapasama lang naman

"sure" ang haba ng sinabi nya pero ako sure lang

"yeees" bulong nya kaya napataas ang kilay ko, may kausap na ata sya "ahm. Okay, so text na lang kita ha. Bye"

"okay. Bye" naghang muna ako baka kasi may sabihin sya uli. Kaso ang mga narinig ko puro papuri ni Princess sa mommy nya. Pinatay ko na yung call dahil hindi magandang makinig sa usapan ng iba

Nalulungkot ako dahil gusto ko ako lang punipuri ni Princess. Pero wala kong laban sa mommy nya. At dapat din yun kesa mag-away sila

-

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon