Alex POV
Nung gabi na nag-iyakan kame, bigla syang pumunta sa bahay namen
Basang basa sya ng ulan at pagod na pagod para syang sumali ng Olympics at yung mata nya pulang pula
"Sorry. Sosorr sorry" nagkabulol bulol na kame kakahikbi
Mahigpit kameng magkayakap sa kwarto at walang katapusang sorryhan
"Barbie. Miss na miss na miss na miss na kita" sabi ko habang kayakap ko si Barbie
"nakakainis ka. Di mo na ko mahal" sabi naman ni Barbie sakin
"mahal na mahal kita Barbie. Namiss nga kita eh"
Daig pa namen ang magjowa ni Barbie. Ang sweet namen
"eh bakit ganun. Bakit kayo ganun ni Princess?" yan uli yung tanong na pinagsimulan ng away namen ng bestfriend ko
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Barbie, hinawakan ang mga kamay ni Barbie at tumitig sa mga mata nya
"wala Barbie. Hindi kame close ni Pricess pero masasabi kong friend na kame ni Princess"
Hindi pa ko nakakahinga sa last na sinabi ko. Nagsalita agad sya
"eh ano yung mga nakita ko sa gym kanina? Pati nung nakaraang araw? " mahinahon lang si Barbie
Natakot siguro si Barbie na mag iskandalo dito sa bahay at gusto nya na ding magkaayos na talaga kame
Pumikit muna ako at nirewind sa isip ko yung mga nangyari samen ni Princess sa gym
Okay. Hindi talaga gawain ng magkakilala lang yun. Yung okay lang masaktan yung isa pag-pinapaiyak yung isa. Yung ikocomfort nila ang isa't isa pag may malungkot. Yung magyayakapan, at may pakiss pa sa noo
Mukhang may kakaiba nga dun pero para sakin wala naman yun eh
"siguro di lang natin talaga kilala si Princess. Matulungin pala yung tao. Ako ang choreographer nila kaya naging concern si Princess sakin"
Tama. Siguro nga kaya hindi ako iniwan ni Princess sa mga oras na malungkot ako
"sigurado ka? Walang namamagitan sa inyo?"
Nanlaki yung mata ko kay Barbie sa tanong nya
Ganun ba kame kasweet talaga ni Princess?
"Barbie. Wala. Kung meron man, malalaman mo agad. At babae si Princess, ang gusto ay LALAKI" sabi ko ng madiin kay Barbie
Magsasalita na si Barbie pero inunahan ko
Hinila ko sya at pinaupo sa kama. Nangangalay na din leeg ko kasi kakatitig sa mga mata ni Barbie
"Barbie. Makinig kang mabuti" at hinawakan ko ng mahipit ang mga kamay ni Barbie
"ikaw ang pinakamalapit kong kaybigan. Napabuti mo sakin Barbie kaya mahal na mahal kita. Walang rason para lokohin kita. Hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino"
"talaga?" bulong ni Barbie
"talagang talaga Barbie" at ngumiti ako kay Barbie
Niyakap uli ako ng mahigpit ng bestfriend ko
Naiyak uli ako pag yakap nya sakin. Namiss ko kasi tong abno kong bestfriend
"namiss kita Alex. I love you" tapos huminga sya ng malalim at umiyak din "sorry sa mga ginawa ko, sa mga sinabi ko"
Wala syang tigil sa pagsosorry, at ako din nagsorry din dahil ginalit ko sya at nagsikreto ako sakanya
Pero bago pa kame makatulog. Naistorba ata namen ang mama at papa ko, dahil parehas silang pumasok sa kwarto ko na may dalang kalahating kalderong kanin, sinigang na baboy at ice-cream

BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...