5 - Dancer Daw?

48 2 0
                                    

Kanila lola Tessie na ko nakatira uli, nakuntento akong bahay at school lang. Namiss ko din ata ang lola ko kaya mas gusto ko silang kasama kesa sa tropa

Nagdadaldalan kame ng mga classmates ko na sila Anjo at Brad habang naghihintay sa P.E teacher namen

Halos buong school kilala tong dalawang to pati sa labas ng school. Parehas kasi silang cheerdancers at kasama din sila minsan sa mga big concert ng mga celebrities

"good morning class" biglang sulpot ng teacher namen

Andito kameng lahat sa gym. Dumadami na daw kasing matataba sa section namen kaya gusto ng teacher namen na kontrolin ang pagsikip sa room

"okay. Class, wala tayong gagawin na exercises ngayon" mga nagsigawan yung mga classmates ko. Mga gutom na siguro dahil pagtapos ng P.E, break na ang kasunod

Kaso nag-ungulan uli ng magsalita uli ang teacher namen "pero sasayaw kayo" si Anjo at Brad lang ang natuwa, sila lang naman ang mahilig sumayaw eh

"yeah. Kame na po ni Anjo ang choreographer maam" sigaw ni Brad. Nakalimutan ko, mayabang din pala tong Brad na to

Nanligaw nga si Brad sakin dati pero tumigil sya sa panliligaw nung sinapak ko sya. Pinahiya nya kasi ako nung sumayaw sya sa canteen ng sexydance, para daw ganahan akong kumain

"sorry Brad" inisnob ng teacher namen si Brad at nagsalita uli "hindi ko kasi mapapansin kung sabay sabay kayong magpeperform kaya ang gusto ko, groupings" nag ungulan uli yung mga classmates ko.

Ako eto, nakaupo lang at nakikinig ng maigi. Mabait ako ngayon eh

"stop. Bawal magreklamo baka gawin ko pang individual?" lumaki yung mata ko at parang gusto kong salpakan ng saparos yung bibig ng mga classmates ko. Minsan kasi ginagawa ng teacher namen yung mga pananakot nya lalo na pag naiinis

"so. Bunutan tayo. Kung sinong kakulay mo, sya ang partner nyo. Tagalog yan ha at walang magrereklamo. Ang tataba nyo na, kailangan nyong magbawas ng timbang. So go"

May kinuhang pouch bag si teacher namen at yun ang pinagpasapasahan namen para bumunot

Walang binanggit ang teacher namen kung ilang members kada group. Gusto nya daw ng surprise

Surprise nga. Dahil natapos ang klase namen at ang group namen ang pinaka konti

Tatlo lang kame sa group, si Rose na isang model, si Rodrigo na sakto lang naman ang itsura kaso nerd at sya ang pinaka magaling sa math at ako na isang AKO. Yung iba 5 to 8 members at mga hindi pa kame marunong sumayaw. Puta

Hindi kame nakacomplain sa teacher ko, dahil tinignan nya na kameng tatlo ng masama at winarningan na ibabagsak nya na lang kame pag sinubukan nameng magreklamo

Nagdecide kameng tatlo na pag-usapan yung P.E sa canteen kaya eto kame ngayon nasa malaking lamesa at walang nagpaplanong lumapit dahil sa mga aura namen

Sobrang badtrip, pinahihirapan kame ng teacher namen at gusto nya talaga kameng mapahiya

"so anong plano? Bahala daw tayo kung anong klaseng pagkakatat ang gagawin natin" una na kong nagsalita habang hinahawakan ko ng mahigpit yung coke incan ko

"kung magpatulong tayo kanila Anjo at Brad?" sabi ni Rodrigo. Tulala sya, wala sa itsura nya na sumasayaw talaga. Nerd kasi

"kayo na lang kung gusto nyo. Kilala ko yang Brad na yan, baka imbis na turuan tayo mas gagawa pa yan ng ikapapahiya natin" tinitigan ko si Rodrigo para malaman nyang seryoso ako. Para syang iiyak nung tinitigan ko

"ikaw na lang Rodrigo. Ayaw ko ding mapahiya" singit ni Rose tapos uminom sya ng tubig "ahhh. Anong gagawin natin. Ayaw kong bumagsak" at nilagay nya yung kamay nya sa mukha nya

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon