Alex POV
Nakakulong na yung dalawang salarin sa viagra pills sa tulong ng memory ni Princess. Pinakita kay Princess ang lahat ng bisita na naalala nila Barbie, ate Rose, Rodrigo at Nina. Friends sila ng friend ni ate Rose
At ako lang ang nabiktima ng pills. Sa tuwing maalala ko yun, napapangiti ako at nag-iinit ang mukha ko. First time ko kasi na hawakan ang sarili at sabay pa kame ng maganda kong prinsesa
"so. Sunod ka na lang sa mall ha. Magcelebrate tayo sa pagkakakulong ng mga gago" pag-aaya ni Barbie sabay akbay sa boyfriend nyang si Rodrigo
Si Rodrigo ang umamin sakin na mahal nya na daw ang bestfriend ko. Ang di namen alam ay mahal na din sya ni Barbie. Kaya booom. Sila na
Umiling ako agad "wag na. Late na out ko kaya wag nyo na ko hintayin"
Himinga ng malalim si Barbie "sige. Next time sumama ka ha" at pinindot nya ang ilong ko
"opo opo na. Babye" tinulak ko si Barbie palabas ng pinto "ingatan mo bestfriend ko Ego ha" kunyari nagalit ako at susuntukin si Rodrigo, sabay ngiti. Tumango naman si Rodrigo "salamat sa pagbisita" nagkawayan kame ni Barbie at umalis na sila sakay ng kotse
Habang nasa college ako, ay nagtatrabaho ako dito sa cafe. Nakikita ko kasi na nahihirapan na sa budget ang family ko kaya pinilit ko sila mama na magworking-student ako
Nagtyaga ako para makatapos lang ng pag-aaral. Nang makagraduate ako, ang kapatid ko naman ang tinutulungan ko sa pag-aaral. Kaya hanggang ngayon nag-iipon pa din ako sa board exem ko
Masaya ako sa cafe kaya di ko na naisipang lumipat ng trabaho. Nagustuhan ng boss ko ang performance ko kaya napromote ako na dating waitress ay naging quality control na. Madali lang ang trabaho ko kaya pag wala na kong ginagawa, tumutulong ako sa mga waitress. Tulad ng ginagawa ko ngayon na nagpupunas ng mesa
"pssst" sabi ng nakangiting costumer na nakatayo
Pagtingin ko ay Princess pala na dala ang tray na may burger at milktea
"ah ah. Hi" nauutal nanaman ako. Asar. Tumayo ako ng maayos at huminga ng malalim
Ngumiti si Princess kaya ngimiti din ako. Ayan na, narerelax na ko, na parang gusto kong titigan lang sya maghapon
"ahm. Dito ka nagtatrabaho?" at umupo na si Princess sa harap ko
Tumango lang ako dahil baka mautal nanaman ako. Nakakatulala kasi si Princess dahil kinakagat at dinidilaan nya yung straw. Pinagpapawisan tuloy ako sa ginagawa nya
"ahh. Cess, pasok na ko sa loob. Ahh baka kasi may gagawin na ko" dahan dahan lang ang pagsasalita ko para siguradong maayos
Napakunot noo ako dahil ngumisi si Princess bago tumango
Habang naglalakad, tinignan ko ang sarili ko baka kasi bukas ang zipper ng black skirt ko o kulang na ang botones ng polo ko, tumingin din ako sa refletion ko sa bintanang salamin pero wala namang masama sa itsura ko
"miiiiiss" biglang sigaw ni Princess paglapit ko sa pinto ng stock room
Lumingon ako kay Princess sabay sigaw nya uli "miiiiss" nakatingin na samin ang mga tao kaya lumapit agad ako sakanya. Feeling ko lumulutan ako papalapit dahil nasa mukha ko na ang lahat ng dugo ko
Magsasalita na sana ako pero sumingit sya "pwedeng palinis neto? Natapon kasi oh" tinungga ni Princess yung milktea at tinuro nya yung lamesang may natapong milkshake at straw
Tumango ako agad "wait po maam"
Kailangan kong igalang si Princess dahil customer sya dito. Kahit na epal sya, magpapapunas lang kasi pero nag-iingay pa
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...