Princess POV
"magready na kayo, next na kayo" sabi ng teacher namen at iniwan din kame agad
May pagkabastos din tong teacher namen na to
Di man lang kame tanungin muna kung ready na nga ba kame. Madami pa kayang groups na di pa nagpeperform
Dito sa basketball court ng school ang ganap
Nagpalagay ng malaking itim na kurtina ang teacher namen para mahati sa dalawa ang court
Yung mejo maliit na part ang ginawa nameng changing room and yung mas malaki para sa stage at mga audience daw
Actually mejo madaming tao din. Karamihan mga friends lang ng section namen, na yung iba dito lang din nag-aaral
"ahhhhhhhhhh. Naeexcite na ko" sigaw ni Rose
Di naman masyadong halata kay Rose dahil tumatalon pa sya. Tsk tsk
"galingan nyo guys ha. Ilampaso nyo yung mga classmates nyo" nakisigaw at talon din si Barbie
Walang duda talaga, magkapatid nga sila
"asan na si Alex? Next na kayo" tanong ni Bob
"Ewan" "di namen alam" sagot ng lahat maliban sakin
"bat di mo alam kung asan bestfriend mo?" tanong din ni Rose tapos nagpamewang at humarap kay Barbie
"basta daw susunod sya. May klase pa sya nung tumawag ako kanina diba" sagot ni Barbie at tumaas pa yung boses nya
"kanina pa yun ahh. And 3pm na kaya" sumali na sa usapan ni Paula
"wait lang tawagan ko" sabi ni Rodrigo
Aba. Pumapapel nanaman tong Alien na to
"hello Lex..... Sige ingat ka ha...... Okay lang Lex..... Ingat ka ha..... "
Pati ba naman sa cellphone pacute pa din. Namumula ang gago eh
Naiirita na ko kaya inagaw ko yung phone kay Rodrigo
"asan ka na banda?" sinabi ko agad kay Alex
Alam kong nagsalubong nanaman kilay ni Alex pero wala kong pake dahil di nya naman ako masasaktan. Haha
"palabas na ko ng school Princess"
Mejo mataas yung boses ni Alex pero natutuwa pa din akong marinig yung boses nya kahit nakakairita
Hahah. Naiimagine ko mukha ni Alex, namumula nanaman sa inis sakin to, sigurado ako
"okay. Jan ka lang, wag kang aalis jan" tinaas ko na din yung boses ko para marinig nya talaga and para mabwisit ko si Alex
Ang sarap nyang asarin eh
Pinindot ko agad yung end at binalik yung phone ni Rodrigo
"oy oy. San ka pupu..... " sumisigaw si Rose pero di ko pinatapos
"sabihin nyo mamaya na tayo, di pa tayo kompleto" bulong ko para di ako marinig ng mga classmates namen
Baka kasi may magsumbong pag may nakaalam na aalis ako
Hinubad ko yung white dress na costume namen at sinuot ko yung tshirt na suot ko kanina pagpunta ko ng school
Naka sport bra naman ako kaya di ko na kailangang magtago sa cr
Black leggings nd white sandals ang suot namen ni Rose. Black polo, black shoes and white leggings naman ang suot ni Rodrigo
Kaya di naman nakakabawas ng kahihiyan
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...