6:25 na kame nakarating sa bahay
Tuloy tuloy naman ang byahe namen pati kwentuhan namen
Paulit ulit nya din akong binabatukan. Hinayaan ko lang daw na saktan ako nung mga snatchers. Ayos talaga tong bestfriend ko na to
Kung hindi ako pagtatawanan, sasaktanan naman ako
Kumakain na ang family ko Pagdating namen. Kami na lang talaga ang kulang sa mesa
"merry christmas" sigaw ni Barbie sa kusina. Lumingon silang lahat samen at tumawa tapos nagbless kameng dalawa kay mama at papa
"ma, ismas na?" sabi ni Andrew kay ate Ashley kaya mga nagtawanan uli kame
"hindi pa po anak. Matagal pa" sagot ni ate tapos ngumisi kay Barbie dahil sa ginulo nya ang inosenteng pag-iisip ni Andrew
"nagjojoke lang po si ate Barbie, baby. Gutom na po kasi si ate kaya kala nya pasko na" sabi ko kay Andrew para maintindihan nya pa
Tapos umupo na din kame ni Barbie at binigyan naman kame ni mama ng plato, kutyara at tinidor
"wala kasing regalo si ate Barbie, baby Oinks nung pasko kaya ganyan yan" dagdag ni Andrey.
"kawawa ka naman po ate Bakekang" yun ang turo kong pangalan ni Barbie dito sa bahay
Nakakatuwa kasi sya pag tinatawag na Bakekang. Napipikon sya pero nakangiti
"oy madami kaya kong gift. Puro damit, make-up" sabi nya tapos tumingin sya kay Andrew "atsaka mga laruan atsaka pagkain" nilakihan nya ng mata si Andrew at ngumiti. Iniinggit nya si Andrew
Nakita nameng ngumiti din si Andrew kay Barbie kaya nagtawanan kame
"inggit yung babuy o. Regaluhan mo din daw po sya ate Barbie ng pagkain atsaka make-up" nagtawanan kame dahil sa sinabi ni Andrey tapos nakipag apir sya kay Andrew na parang bakla kaya lalo kameng nagtawanan
Madalas tunuturuan ni Andrey ang pamangkin namen ng mga kalokohan
Kaya ang buong bahay laging maingay sa kakatawa namen
At minsan napapagkamalang bakla silang nagtito dahil nagsusuot sila ng mga pambabaeng damit at may make-up pa tapos magbabakla baklaan
Nagpatuloy ang pagkain namen at tawanan. Walang natirang kanin at ulam, parang kulang pa nga yung kanin dahil ang sarap ng sinigang na babuy na luto ni mama
Kame ni Barbie ang naglilinis lagi pag tapos kumain at sila ate Ashley, kuya Gino at Andrew ay magpapalipas pa ng ilang minuto at uuwi na din sa bahay nila na nasa kabilang kanto lang
Bago pumasok sa trabaho si kuya Gino, sabay sabay silang mag-aalmusal sa bahay nila at pag umalis na si kuya Gino, sa bahay na maghapon sila ate Ashley at Andrew hanggang pag uwi ni kuya Gino at hanggang matapos ang dinner
Simpleng ulam lang lagi ang kinakain namen pero palaging may tawanan
Minsan nag uuwi si kuya Gino ng pagkain dahil nahihiya syang nasa amin ang mag ina nya. Pero tinatawana pa namen si kuya Gino ni Andrey kasi ang seryoso ng mukha nya na parang iiyak
Ganun din si Barbie. Kulang na lang palitan namen yung surname nya dahil mas madalas syang nasa bahay at anak ang turing sakanya ng parents ko
"hanggang kelan ka dito Barbie?" biglang pasok ni mama galing sa sala
"hanggang Wednesday po mama. Yun din po uwi ni ate Rose eh tapos sila mommy at daddy next month pa po uwi nasa Davao po sila ngayon" pag kausap nila mama at papa si Barbie laging tungkol sa family nya. Gusto kasi nilang komportable si Barbie samen

BINABASA MO ANG
CONFIRM
Storie d'amoreMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...