4 - Lola

50 3 0
                                    

Princess POV

"I mean. Tahimik ka kasi. Natutuwa aq pag napapagsalita kita o pag napapansin mo q"

"Ayaw mo kasi aqng pansinin pag binabati kita ng maayos, pro pag inaasar kita saka mo lang aq pinapansin"

Bakit kaya hindi na nagreply si Alex?
May tinext kaya kong mali?
O may iba syang kausap?
O nalowbat?
O kinuha na ni Barbie yung phone?

Alam ko nga kay Barbieng number to eh

O baka. Naku. Sana hindi sya nadisgrasya

Binasa ko uli yung conversation namen pero wala naman akong tinext na bastos o nakaka offend

Ano kayang nangyari?

Kung nakakatunaw lang ang titig, siguradong tunaw na tong phone ko, kakatitig dito

"Alex? Galit ka pa ba? Ano na? Bakit di ka na nagreply?"

Naiinip ako kay Alex kaya magtetext sana uli ako pero nakita kong nagreply na sya uli kaya binuksan ko agad

"Goodnight Princess. Sorry po inaantok na ko. Bye"

Tinignan ko yung alarm clock ko na nasa nightstand ko, 9:10. Okay, maaga pala syang natutulog, inaantok lang. Ayos lang pala sya

Nakahiga lang ako sa kama. Naka bukas yung tv pero hindi ako nanonood. Lumilipad yung isip ko, wala kong magawa eh. Ang boring

Nasa Davao ang parents ko, kasama din yung parents nila Rose at Barbie. Ang kasama ko dito sa malaking bahay ay ang mga katulong lang

Last month lagi kong kasama yung ex ko. midnight na kame umuuwi, lagi kameng nasa bar, hindi sya mahilig kasi sa movies or dinner date

Nasanay na din akong late matulog, may party sana kong pupuntahan ngayon kaso biglang kinancel, nagkaron ng prayer meeting sa bahay na pupuntahan ko

Buti na lang nalaman ko agad, kundi masusunog ako

Ayaw talaga akong dalawin ng antok. Kaya bumangon ako sa kama
Sa ibang bahay na lang ako matutulog

Pinalitan ko yung pajama ko ng plain white t-shirt at pantalon. Wallet at susi ng bahay lang dadalhin ko. Hindi ko kailangan ng kotse sa pupuntahan ko, wala naman kasing parking dun at simpleng lugar lang ang pupuntahan ko

Pagbaba ko, hinanap ko si nanay Susi. Sya ang nag-alaga sakin mula 5 years old ako, ngayon kasama ko pa din sya pero hindi na ko alagain, malaki na ko eh

Nakita ko sya sa kusina at naglilinis

"nanay. Aalis po ko ha. Bukas na lang po ko uuwi" huminto sya sa pagpupunas ng lamesa at humarap sakin

"sige sige anak. Ingat ka ha" nagbless ako at lumabas na ng bahay

Boring talaga mga kapitbahay namen. Wala ng tao sa labas kahit daga o ipis, wala

Dahil hindi ako nagdala ng kotse at sira naman yung motor ko kaya nilakad ko na lang hanggang sa gate ng village, mejo malapit lang naman

Naghintay lang ako saglit at may dumaan na din na tricycle. 7mins lang nakarating din ako

Nakita kong bukas pa yung ilaw sa sala at kusina. Kumatok ako sa pinto pero hindi ko na hinintay na pagbuksan ako dahil ako na ang nagbukas
May mga bisita siguro kaya hindi nilock pa yung pinto

"ang aking Prinsesa" sumigaw ang lola ko nung nakita nya kong pumasok

Si lola Tessie, ang mama ni mommy ko. Byuda na si lola kaya ang kasama nya na lang lagi dito sa bahay nya ay ang kapatid nyang si lolo Fred

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon