36 Problems

18 2 0
                                    

Alex POV

"Alex. Whats that? Wa what. Anong meron sainyo ni Princess? Alexandra" sumigaw agad sya pagpasok namen sa bahay ni Barbie

"ahm ahm Barbie" nakaupo si Rodrigo sa sofa pero di sya pinansin ni Barbie. Hinatak ako ni Barbie paakyat sa kwarto nya

"Alex. Explain" humarap sya at sinigawan ako. Lumayo naman ako para umupo sa kama

"Barbie. Gusto kong magpahinga muna. Kausapin mo si Ego muna" mahinahon lang ako dahil ayaw kong sabayan ang galit ni Barbie

"i dont care. You, i need an explanation Alex" umupo na si Barbie sa tabi ko

"Barbie. Alam mong gusto ko si Princess. Pero hindi na yun ngayon. Nakita mo naman diba may kasama sya sa restaurant. Makikipagyakapan ba yun dun kung may relasyon kame?" tumayo ako at iniwan sya sa kwarto

Pumunta ako sa rooftop at binuhos ko na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan

Kala ko masaya na sya sakin. Kala ko nagbago na sya, gusto pa din nya ng may iba pa syang babae

Di pa kame ni Princess pero niloloko nya na ko. Di pa ko nagkakaron ng karelasyon pero nasasaktan na ko. Sobrang hirap, ang sakit sakit

Mahal ko sya dahil akala ko mahal nya din ako. Di nya pala kayang iwan yung bisyo nya

Humahagulgol ako sa gilid ng lumapit sakin si ate Rose. Ang init ng yakap ni ate Rose, nakakaantok yung paghimas nya sa buhok ko

-

Napadilat ako sa ingay ng aparador. Di ko napansin na nakatulog pala ako

"Alex" tumabi sakin si Rodrigo, nasa mga aparador naman si ate Rose

"Ego, ate Rose" umupo ako at nagmasid sa paligid. Nasa kwarto na pala ako ni Barbie "bat nandito kayo?"

Nagtinginan silang dalawa, lumapit na din sakin si ate Rose at hinawakan ako sa balikat

"ahm Alex" huminga ng malalim si ate Rose at tinitigan ko "si Barbie. Umalis na"

Nagsalubong ang kilay ko dahil di ko sila magets. Umalis pero dito kasi ang bahay nya. Nanlaki ang mata ko dahil baka pumunta na sya sa Singapore?

"ahm. Wala na yung mga damit nya dito. Nung natutulog ka, ahm pumunta na sya sa Singapore" yumuko si Rodrigo habang nagsasalita

Ang sikip ng dibdib ko. Wala na si Princess pati ang best friend ko wala na. Feeling ko ang daming may kulang sakin

"Alex. Babalik din sya" niyakap ako ni ate Rose, hinihimas naman ni Rodrigo ang likod ko

"galit pa ba sya?" tanong ko habang humihikbi

"ahm. Malungkot lang sya. Pero hayaan muna natin si Barbie, Alex. Pag okay na, kausapin natin sya ha" sagot ni Rodrigo

Kasalanan ko to eh, dapat dinadamayan ko sa problema ang bestfriend ko. Hindi yung dumadagdag pa ko sa problema

-

3days na kong di pumapasok sa trabaho. Naapektuhan ako ng todo sa mga nangyari. Wala ako sa sarili lagi kaya nagleave muna ako. Lagi lang akong sa kwarto kahit pagkakain, lumalabas lang ako pag gagamit ng cr

Panay ang tawag sakin ni Princess pero tinititigan ko lang ang phone ko habang umiiyak. Pumupunta sya sa cafe at sa bahay din pero lagi kong sinasabi na masama ang pakiramdam ko

Hindi pa ako handa para sa mga palusot ni Princess kaya ayaw ko syang makita. Si Barbie ang gusto kong kausapin. Galit pa din kasi sya sakin dahil di nya sinasagot ang mga chat at calls ko. Bati na sila ni Rodrigo pero ako di nya pa din pinapansin

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon