18 - Namiss Ko Sya

36 3 2
                                    

Princess POV

Natameme ako sa tanong ni Barbie kay Rodrigo at Alex

Alam ko na may gusto si Rodrigo kay Alex. Bago pa lang kasi kame magpractice, pacute na si Rodrigo tapos natuto na din syang pumorma

Pero ang hindi ko maintindihan, marunong pala syang manligaw

Etong Alex naman na to, kaya pala laging namumula, kinikilig dahil nililigawan sya

Close silang dalawa, si Rodrigo pa nga laging nagsusundo kay Alex

Parehas silang mahiyain, tahimik, mahina kaya alam kong magkakasundo silang dalawa

Tuwing magkadikit sila Alex at Rodrigo lagi silang nagngingitian. At yung mga ngitian na yun, may meaning na pala

Kelan pa kaya sila nag-umpisang magligawan? At kelan kaya sasagutin ni Alex si Rodrigo?

Teka bakit ko kailangang pakialaman sila? Ang epal ko naman

Tinatamad makipagbiruan tong bibig ko, pero uhaw naman ako sa alak

Kaya ako ang pukulan ng tuksuhan, dahil halatang uhaw daw ako

Hindi ko na lang sila pinapansin. Ang gusto lang tignan ng mata ko ay etong katabi ko

Naiinis ako dahil hindi nya iniintindi yung mga sinasabi nila Rose

Inaasar na sya pero para syang walang naririnig

Busy kasi sya sa phone nya, siguradong si Rodrigo yung kausap nya panay ang ngiti kasi ni Alex

Sorry na lang sya dahil wala syang Rodrigo hanggang sunday

Nung nakita kong malapit ng maubos yung empi namen, para akong nabitin, maaga pa kasi para umuwi

Nagtext pa naman ako kay lola na gagabihin kame ni Nina sa pag-uwi

Buti na lang may nagtext kay Nina at nag-ayang magbar

Tutal busy si Nina sa pakikipag asaran kanila Rose, ako na lang ang nakipagtext at hindi na ko nagdalawang isip sa pagbabar

Uhaw na uhaw na ko sa alak, kaya gusto kong magpakalunod

Nag-umpisa at natapos ang inuman namen ng hindi man lang ako nagsasalita.

On the way na din pala yung textmate ni Nina kaya sumakto sya nung natapos kame sa inuman

Paglabas namen ng gate, nakita kong hindi pala sya nag-iisa

Pinakilala nya samen yung pinsan nyang lalaki at isa pang babae na bestfriend nya

Dahil mas boyish sakin pumorma si Nina kaya parang interesado sakanya yung dalawang babae

Yung naiwang lalaki ang kumikindat naman sakin. Pero wala akong time sakanya dahil ang gusto ko ay ang babaeng kasama ng katext ni Nina

Hinila ko agad yung babae, tinawag ko syang beautiful at ng makita kong nagblush sya, nagsecond action na ko, isang peck sa lips

Hindi nya ko sinampal o kahit lumayo at yun ang ikinatuwa ko

Nagpunta kame sa bar na laging tambayan ng katext ni Nina, at dun kame nagpakasaya at nagpakalunod sa alak

Natapos kame ng 2am sa second session namen ni Nina

Sinama namen ni Nina sa bahay yung dalawang babae pero yung kasama nilang lalaki ay nagpaiwan sa bar. Di kasi namen pinapansin ni Nina kaya sumuko na lang sya at sa bar naghanap ng babae

"wow. Nice, ganda ng bahay mo Cess" bulong sakin ng friend ni Nina

Sasagot sana ko ng sumigaw naman si Nina

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon