Alex POV
"hoy gising.. Gising na" paulit ulit na sinasabi ng gumigising sakin
Anaantok pa ko kaya di ko sya papansinin, mas hinigpitin ko lang ang pagyakap sa kung anong hawak ko at nanaginip uli
Aaaaahh ooooooh
Sabay kameng tumili ni Nina at bumangon dahil nabasa kame ng malamig na tubig"Princess. Gago ka" sigaw ni Nina
Lumingon ako kay Princess, may hawak syang mga lagayan ng inumin. Tumatawa naman si Ana habang pumapasok sa kusina
Asar yung Princess na yun, may maayos na paraan sa paggising. Kainis
Namumula na yung mukha ni Nina, bago umusok si Nina hinatak ko na sya papasok sa kwarto. Puro daing si Nina pero di ko naman sya iniintindi. Nagbihis ako sa loob ng walk-in closet ni Princess habang sya naman ay nasa labas
"Nina?" panay ang salita ni Nina. Di nya ata ako narinig kaya inulit ko "Niiina" sigaw ko. Baka kasi makita ko katawan nyang hubad, maiinggit lang ako
"bakit Alex? Anong nangyari sayo jan? Napapano ka?" sunod sunod nyang tanong. Natawa ko dahil para syang nataranta
"tapos ka ng magbihis?"
"oo tapos na"
Lumabas na ko agad pagsagot ni Nina soot ang damit ni Princess at bitbit ang hinubad kong basa
"anong meron senyong dalawa?" nasa kwarto na din si Princess at nakapamewang pa
"ikaw? Anong meron sayo? Bat binuhusan mo kame ni Alex?" sumigaw si Nina at lumapit sya kay Princess
"Nina" sumigaw din ako sabay hatak kay Nina. Natatakot ako baka mag-away sila
"bitawan mo ko Alex" hawak ko yung damit ni Nina pero nakalapit pa din sya kay Princess "bakit? Nagseselos ka ba kasi nakita mo kameng magkatabing matulog ni Alex? Kasi nag-aalala sya sakin kesa sayo?"
Tulala lang ako, alam kong di totoo yung sinasabi ni Nina. May Ana na si Princess tapos magkaka Alex pa, swerte nya
"Nina lumabas ka muna" bulong ni Princess pero may diin
"pano kung ayaw ko?" mas lumapit pa sya kay Princess
"sabi ng alis" tinulak ni Princess si Nina palabas ng pinto, halos masobsob si Nina kaya hinabol ko sila para awatin
Nilock agad ni Princess yung pinto paglabas ni Nina sabay harap sakin
"anong meron senyo ni Nina?" palapit ng palapit sakin si Princess, palayo naman ako ng palayo
Di ako sumasagot dahil natatakot ako kay Princess, parang mananakmal sya. Kakaatras ko napahiga ako sa sahig
"Nina... Nina" tumitili ako habang lumalapit sakin si Princess
"Aleeeex. Princess buksan mo to. Pag sinaktan mo si Alex, papatayin kita. Buksan mo to" ang lakas ng kalabog sa pinto pero hindi man lang tumitinag si Princess
"Princess, ano bang ginawa namen sayo? Bat ka nagkakaganyan?" sigaw ko
Lalo ata syang nagalit dahil dinaganan nya ako at inangat nya ang dalawa kong kamay sa ulo ko
"anong wala? Magkatabi kayong matulog? Ano yun wala lang?" naamoy ko na uli ang mabango nyang hininga dahil sinisigawan nya ako sa mukha. Di ako sumasagot kaya mas humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko "ano Alex? Halata pang nag-enjoy ka dahil lagi kang maagang nagigising. Pinuyat ka ba ni Nina? Anong ginawa nyo?"
Di ako sumasagot kahit namimilipit na ako sa sakit. Di naman sya dapat magalit dahil wala naman kameng ginawang masama
"sumagot ka Alex. Ano?" nanlaki ang mata ko dahil umiiyak si Princess "masarap ba syang humawak or dumila sa dede mo pati jan sa pek..." ayaw kong ituloy ang mahalay nyang pagbibintang
"tama naaa" sigaw ko. Nakatitig pa din sya sakin ng masama pero di ako magpapatalo "pinagbibintangan mo kame. Ganun na ba ako kababa sa tingan mo? Na gagawa ako ng kahalayan sa bahay ng iba at sa kaybigan ko pa?" lumuwag na yung pagkakahawak sakin ni Princess kaya tinulak ko sya
Umupo agad si Princess, hawak ang buhok nya
Aaaaaaaahh
Tili ni Princess"ano yun Alex? Ano yun? Gumaganti ka ba kasi may kasama akong babae?" nakatikom na yung kamao ni Princess pero di pa din ako magpapadaig
"wala Princess. Dinadamayan ako ni Nina. Kung wala sya dito, ano na? Mukha kong tanga na parang walang nakikita habang nakikipaglandian ka sa iba?" umiiyak na din ako sa sama ng loob
"so negseselos ka kaya pati pinsan ko pinatulan mo. Tang-ina"
Paak
Naiinis na ako sa mga pinagsasabi ni Princess kaya sinampal ko sya"kung gusto mong makipaglandian sa iba, gawin mo lang. Di mo na ko pinapakinggan, pinagbibintangan mo pa ko"
Tumayo si Princess at binuksan ang pinto, nasa pinto si Princess at si Ana. Sinutok ni Princess si Nina paglapit nya
"Princeeess" sigaw ko. Niyakap ko agad si Nina bago gumanti ng suntok kay Princess
"gago ka. Layuan mo si Alex" sigaw ni Princess. Nakayakap sakanya si Ana kaya lalong kunukulo ang dugo ko
"bakit nagseselos ka? Tang-ina ka, dinala dala mo dito si Alex tapos gagaguhin mo lang?" hinawi ako ni Nina kaya nakasugod uli kay Princess
Di ko nakita yung pangyayari dahil napapikit ako ng mauntog ako sa pader at bumagsak pa sakin yung painting. Nasugatan ako sa braso kaya napaungol ako
Di ko inintindi yung sugat ko, inawat ko pa din yung magpinsan
"tama na tama na" sigaw ko ng paulit ulit
Ayaw nilang makinig sakin kaya papatunayan ko na lang kay Primcess na mali ang bintang nya
Lumayo ako sa kanila at naghubad. Nilakasan ko ang loob ko kesa magpatayan sila. Naka panty at bra na lang ako ng tawagin ko si Princess
"Princess" lumingon sakin si Princess kaya nasapak sya ni Nina at bumagsak. Tumayo agad sya at lumapit sakin ng nakanganga
"anong ginagawa mo? Bat ka nakahubad?" dinampot pa ni Princess yung kumot at tinakpan ako pero tinanggal ko agad
"wag mo kong takpan. Titigan mo kong maigi, maghanap ka ng kissmark o kalmot o kagat kahit ano na bakas ni Nina sa katawan ko" sigaw ko
Tumahimik si Princess habang nakatitig sakin. Napansin ko din si Ana na nakataas pa ang kilay sa katawan ko. Maliit lang ako pero may korte naman ako
"Alex. Di mo na kailangang gawin yan" lumapit sakin si Nina at inaabot ang damit ko, kinuha ko naman agad
Ang sikip ng dibdib ko sa galit. Bat kailangan pa nameng magkagulo dahil sa maling bintang
"lumabas kayooooo" sigaw ko. Di ko na din napigilan at tumulo na ang luha ko uli
Tulala lang si Princess habang hinihila ni Ana. Sunod na lumabas si Nina at sinara ang pinto
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang inabot na ko ng lunch, miryenda at dinner di pa din ako lumabas ng kwarto. Di ako kumain, wala ding ligo. Nagkulong ako hanggang sa kumalma ako
8pm na saka ako nagbihis at lumabas ng kwarto. Wala na silang tatlo, iniwan nila akong nag-iisa. Gutom na ako pero natulog lang ako, wala akong gana. Nagwoworry ako dahil di ko alam kung anong nangyari na sa magpinsan
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...