10 - Edi Ikaw na Magaling

42 3 0
                                    

"wow. Ang laki ng bahay. Yayamanin" sigaw ni Nina

"tumahimik ka lang Nina ha. Wala tayo satin" utos ko kay Nina

Tapos nagpark na ko katabi ng mga kotse nila Rose at Rodrigo

Naka dalawang ikot na ko sa village bago dumating yung mga kasama namen

Nauna akong nakarating sa bahay nila Rose, badtrip pa din kasi ako kaya dinaan ko sa pagdadrive ng mabilis

Sigaw pa nga ng sigaw si Nina sa likod ko, hindi dahil sa natatakot sya dahil sobrang bilis ko, kundi dahil nag-eenjoy sya sa ginagawa ko

Hindi naman kame racer ni Nina, sadyang gusto lang talaga namen na may nabibwisit kameng mga drivers

"asus. Badmood ka lang kaya matino ka pero baka sila ang mag-ingat sayo. Para kang papatay" tinitigan ko ng masama si Nina, tapos susuntukin ko sana sya kaso bigla syang tumakbo sa pinto ng bahay, at tumawa sya ng tumawa. Ahhh kainis

"Cess.. Diba taga dito ka din?" biglang tanong ni Rodrigo

Sabay sabay na kameng naglakad papunta sa pinto. Habang naglalakad kame, nakita kong unti unting bumukas na din yung pinto. Nanlaki yung mata ko sa nakita ko, pero sa likod ng pinto, may katulong pa lang nagbukas

Huminga ako ng malalim akala ko kasi may multo. tumingin agad ako kay Rodrigo at tumango lang

Sana hindi nila yun napansin. Nakakahiya

"dun sa kabilang gate pa si Cess. Nakapunta na kayo dun diba?" tanong ni Nina

Nakapasok na kame ng pinto, at malapit sa pinto may upuan at may nakapatong na salamin at nakita ko sa salamin si Alex na nakatingin sakin, nasa likod ko sya, tinatakpan nya yung bibig nya at namumula

Halatang nagpipigil ng tawa. Ahh kainis tong babaeng to, tinitignan pala ko

Kaya lumingon ako kay Alex. Nakita ako ni Alex na lumingon sa kanya kaya tinignan nya agad si Rodrigo na nasa left nya

Hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi ng mga kasama ko dahil gusto kong hulihin na nakatingin sakin si Alex

5secs lang ata biglang lumingon din sakin si Alex. Pinipigilan nya pa ding tumawa kaya kinakagat nya yung lower lip nya

Nakakainis talaga, nakita nya siguro yun. Tinitigan ko sya ng masama pero mas lumaki yung ngiti ni Alex tapos dinilaan pa ko. Ahh asar

"ikaw. Lex?" tanong ni Nina. Nahinto tuloy yung titigan namen ni Alex. Sayang kakainin ko sana sya sa pamamagitan lang ng titig

Ngumiti si Alex kay Nina at umiling sa tanong ni Nina. Kj naman kasi tong Alex na to, pano ko naman sya papupuntahin samen. Kaya napangisi ako

"dito lang samen nagpupunta lagi si Alex, Nina" sabi ni Rose

Alam ko every weekend, laging nag-oovernight sa isang bahay si Alex at Barbie

Kung hindi dito sa bahay na to, kanila Alex sila natutulog

Lagi kasing nababanggit ni Rose yun pag may naghahanap sa dalawang yun. Napaka boring ng buhay nya

"magsawa ka naman dito Lex. Ang boring mo ah" sabi ni Nina. At sabay sabay na kameng umupo sa sofa

Tinignan ko naman si Alex parang kontento naman sya sa mga ginagawa nila ni Barbie

Kung ako lang, hindi siguro ako mabubuhay ng walang ingay ng party sa loob ng isang linggo

"kung Boring si Alex. Pano pa si Ego?" sabi ni Rose tapos tumawa kameng tatlo nila Nina

"ahhmm. Almost monthly, nagtatravel kame" sabi ni Rodrigo

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon