Alex POV
After ng performance ng group nila ate Rose. Nag hiwa hiwalay din kame
Mga pagod na din kame kaya nagdisisyon kame na sa ibang araw na lang kame magcelebrate
"hndi kta masusundo Bebang"
"k lng Bakekang"
"love u Bebang. Mgkita na lng tau sa bahay"
"love u too Bakekang. Wg kng magpagabi ha, mayayari ka tlg skin"
"cge. Magpapang umaga aq. 😁😘"
Hmmm.. Pilosopo
Pareply na ko ng may nakita akong kamay na nakalahad sa tapat ko
Pag tingala ko, nakita ko ang teacher ko sa Science na nakasalubong ang kilay sa akin
"nakakaistorbo ata tong klase ko sa pakikipagchat mo Miss. Lopez?" sabi ng teacher ko na si Mrs. Palec
Nanlaki ang mata ko at kumalabog ang dibdib ko
"hmmm. Ma'am. Sor sorry sorry po. Di po hindi po. Sorry po Ma'am" nabubulol na ko sa takot
"Hindi Ma'am. Akin na cellphone mo Lopez" pagtataas ng boses ni Ma'am Palec
Nanginig ang katawan ko at inabot agad yung phone ko kay Ma'am Palec, na bigla nyang hinablot sa kamay ko
"tayo Lopez, dun ka sa likod" sabi ni Ma'am Palec habang may pinipindot sa phone ko
Kagat kagat ko ang labi ko habang kimikilos papunta sa likod ng klase. Pero ang mga mata ko nakatitig sa mga daliri ni Ma'am Palec
Akala ko ichecheck nya kung sinong kachat ko pero biglang nagblack out yung phone
"sino pang naboboring sa klase ko? Bukas ang pinto, pwede na kayong umuwi" sigaw ng teacher ko
Nakayuko lang ako habang nakatayo dito sa likod
Nakakahiya. Nag-iisa lang akong nakatayo, pinagalitan nya pa ko sa buong klase
At dahil sakin nagsusungit si Ma'am Palec, dinamay ko pa ang lahat ng mga classmates ko
Pinagbasa nya kame ng pagkahaba haba, dahil bukas daw magkakaron kame ng long quiz
Buti na lang eto ang last subject namen. Kung hindi di ako makakafocus sa mga susunod na subjecs
"sorry talaga sainyo. Dahil sakin naghigpit si Ma'am" bulong ko sa mga classmates ko
Mula paglabas namen sa class room sa Science, hanggang dito sa gate, walang katapusang pagsosorry din ang pinagsasabi ko sa mga classmates ko
Nakakaguilty naman kasi. Pinag-iinitan nanaman ang section namen dahil sa ginawa ko
Binalik din naman ni Ma'am Palec yung phone ko after ng klase namen. Pero sinermonan nya naman ako at nagwarning pa ng ipapatawag daw ang guardians ko pag-inulit ko pa
"okay lang Lex. Lagi namang masungit yun" sabi ni Maricar
"nasakto lang na ikaw yung nahuli ni Ma'am" dagdag ni Edward sabay akbay sa balikat ko
"di mo naman kasalanan Lex. Parang di ka na nasanay dun. Mas malala nga yung ginawa nya nung pinag quiz din tayo kahit di pa natin pinag-aaralan dahil lang sa pinagtawanan natin sya nung natalisod sya" sabi uli ni Maricar at nagtawanan ang lahat, maliban sakin
Nakalabas na kame ng gate at huminto kame sa paglalakad
Yumuko ako at kinagat ang labi ko. Nararamdaman kong nag-ipon ipon nanaman kasi yung dugo ko sa mukha ko
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...