42 Grocery

17 3 0
                                    

Alex POV

4am na nakauwi si Princess, wala syang kasamang Ana at Nina. Nalulungkot ako dahil si Nina ang kakampi ko dito sa bahay, pero okay na din kesa magkagulo uli

Di ata ako napansin ni Princess kanina dahil pag-uwi nya nagbihis lang sya ng sando, leggings at running shoes sabay labas uli ng bahay. Ang sexy nya, mas maganda pa talaga yung katawan nya kesa sakin

Di na ko nakatulog kaya nagready na lang uli ako ng almusal namen ni Princess. Buti na lang wala ng Ana kaya gaganahan na kong kumain. Habang nagluluto, ngumunguya na din ako ng tinapay, sobrang gutom ko na kasi

"Alex?" nagulat ako kaya natalsikan ko ang sarili kong kamay ng mantika. Biglang sumulpot kasi ang pawisan na si Princes

Aaahh
"pwede bang wag mo kong gugulatin" sigaw ko. Nanlaki ang mata ni Princess at lumapit sakin

"sorry. Nagulat din kasi ako. Ahm kasi andito ka" hinawakan ng malambot na kamay ni Princess ang kamay ko. Di ako sumagot para wala ng gulo "wait lang ha" sabay takbo

Maliit lang yung talsik kaya pinagpatuloy ko lang ang pagpiprito

Ano kayang inaasahan nya sakin, na umalis na din ako dito? Tapos kung aalis nga ko dito, edi malaya ng pumunta uli dito yung Ana na yun

"akin na kamay mo" nagpakita uli si Princess, hawak ang ointment

"okay lang ako" at nagpatuloy sa pagluluto

"Alex, ang tigas ng ulo mo. Akin na nga kamay mo, natalsikan ka oh" malakas na yung boses nya pero di ko pa din sya pinansin "Alex, akin na ang kamay mo" mahinahon na sya ngayon

Lumingon ako kay Princess at nalaglag ata ang panga ko. Ang amo ng mukha nya, nakatitig din sakin ang mapupungay nyang mga mata at sobrang lapit ng mukha namen sa isa't isa

Tumingin agad ako sa niluluto kong itlog dahil baka bumigay ako sa mga titig ni Princess. Nararamdaman ko ding mainit nanaman ang mukha ko, nanginginig na din ang mga kamay ko

"may niluluto ako Princess. Yung kamay mo ang gamutin mo" sagot ko agad para di halata

"okay na tong kamay ko Alex" biglang pinatay ni Princess yung kalan at hinila ako papunta sa upuan na nasa counter. Pinahiran nya dahan dahan ng ointment yung kamay kong may paso

Babaera si Princess pero bat ganito, imbis na mas magalit ako dito sa babaeng naka leggings na to, mas lalo akong nahuhulog sakanya. Titigan nya lang ako, natutunaw na ko. Pag hinahawakan nya ko, nanginginig naman ako. Ba yan

Di na namamaga yung kamay ni Princess pero may mga galos pa din

Si Princess na ang nagpatuloy ng pagluluto, kumain din kame ng tahilik. Wala din akong ibang ginawa kundi ang kumain, manood ng tv, humiga at paulit ulit lang

Ganun din si Princess, pero di kame nag-uusap, puro sulyap lang ako sa maganda nyang mukha. Buti na lang nagpalit na sya jogger pants at tshirt, kung di sya nagpalit baka kanina pa tumutulo ang laway ko

Pero di ko maiwasan na masaktan, panay kasi ang dutdot nya sa phone nya at sige pa ang ngiti. Nasasaktan ako dahil hindi ako ang kausap nya at hindi din ako ang nagpapangiti sakanya

Gustong gusto ko ng umalis sa lugar na to dahil para kong anino lang. Magdadala sya ng babae kahit andito ako, di nya ko papansinin kahit katabi nya na ko at nasa iba din ang atensyon nya kahit nasa harap nya na ko

Di ko alam kung dapat ko pa ba syang ipaglaban dahil minsan nararamdaman kong baliwala na ako

Nakabukas ang tv pero di naman ako nanonood, lumilipad ang isip ko. Si Princess naman, syempre busy sa phone nya

Pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng juice para mabawasan ang pagkakairita. Pagbukas ko ng ref napansin ko halos wala ng laman ang ref, chineck ko din yung cabinets pero alak na lang ni Princess ang nakita ko

Uminom lang ako saglit, naligo na agad at nagsuot ng maong na short, spaghetti na blouse at stinelas. Maggrocery ako para malibang naman, buti na lang may ipon ako

"oy, san ka pupunta?" sigaw ni Princess habang palabas na ko ng pinto. Nakaupo lang sya sa sofang tinutuligan ko

"grocery" humarap ako sakanya baka kasi may ipabili sya "may ipapabili ka ba?" pagsusungit ko dahil tinawag nya kong oy

"grocery tapos ganyan ang suot mo?" tumingin ako sa sarili ko, baka baligtad yung suot ko or mali ang pares ng tsinelas ko. Pero wala namang mali kaya tinignan ko sya ng masama "jan ka lang"

Tinitigan nya din ako ng masama bago pumasok sa kwarto. Nakatayo lang ako sa pinto habang naghihintay ng naka simangot

Saglit lang naman si Princess, umupo sya uli sa sofa at may hinagis na mga damit sa mukha ko

"ano to?" pagtataka ko habang hawak yung mga damit

"Magpakit ka ng damit" mahinahon nyang sabi

"bakit? Madumi ba tong suot ko?" inamoy ko pa tong blouse na suot ko pero mabango naman

"sinabing magpalit ka" pagdidiin ni Princess. Lumapit pa sya sakin at hinila ako papasok ng cr

"Princess..." tumitili lang ako pero wala naman akong magawa, mas malakas sakin si Princess

Sinarado agad ni Princess yung cr pagpasok ko. Nakakagigil talaga sya, di ako pwedeng magreklamo ata dahil bahay nya to. Asar

Nagbihis na lang ako agad kesa mas lumala pa ang pagsisigawan namen ni Princess. Lumabas agad ako ng apartment ng hindi man lang lumilingon sakanya, suot ang nike jogger pants at fubu na blouse nya

-

Inabutan ako ng ulan habang pauwi bitbit ang dalawang bags na pinamili ko. Nakasilong ako sa saradong tindahan kasama ang iba pang tao na nag-aabang ng tricycle kaso bihirang may lumapit samin. Pag may lumapit, nagtutulakan na yung iba hanggang sa may nagsagutan na. Tumabi lang ako dahil ayaw kong madamay. Naiwan ko ang phone ko kaya wala akong mahingan ng tulong

"yan na sundo ko... Wow... Andito ako asawa ko" nagtawanan yung nasa likod ko sa sinabi ng iba dahil may papalapit samin na itim na motor

Nakatitig lang ako sa motor dahil parang kilala ko yun. Nakakapote at helmet yung driver kaya di ako sigurado

Nagbulungan ang mga nasa likod ko ng huminto sa harap ko yung motor at inabot sakin ang suot nyang helmet at kapote. Nanlaki ang mata ko dahil si Princess pala ang misteryosong driver

Pasakay na ko ng may nagmamadaling tricycle na palapit sakin. Nakailag ako kaya yung motor ang nabangga

"tang-ina ka" sabay suntok ni Princess sa mukha ng tricycle driver "Ayusin mo ang pagdadrive mo" duguan na yung ilong ng driver sabay alis sakay ng tricycle

Tulala lang ako, natatakot ako kay Princess at naaawa naman ako sa tricycle driver. Mataba yung manong pero mas matangkad si Princess pero napadugo nya. Astig

Nakauwi kame ng di nag-uusap. Di na ko takot sakanya, nag-aalala na ako baka kasi sumakit uli yung kamay nya tapos nabasa pa sya ng ulan

"magkano ginastos mo?" biglang tanong ni Princess habang nagluluto ng mechado. Ang bango ng ulam pero parang wala kong gana. Nakaupo lang ako sa dinning table habang umiinom ng tubig at di ko sya pinapansin. Bukod sa mabigat ang pakiramdam ko, ayaw kong sabihin na umabot ng dalawang libo ang ginastos ko "Alex, magkano ginastos mo? Sagutin mo nga ako" sigaw nya

Di naman ako nagulat dahil di ko sya masyadong napapansin, tumingala lang ako habang nakapikit. Di ako komportable, parang umiikot ang lahat ng bagay

"Alex... Lagi ka na lang ganyan... Di ka na lalabas..."

Di ko na talaga naiintindihan kung anong sinasabi ni Princess. Ang sakit ng ulo ko at mejo nilalamig na din ako. Di ko na alam anong nangyayari basta may malambot at makinis na dumikit sakin hanggang sa nagdilim na ang lahat

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon